webnovel

Inter-Provincial Transportation Formation

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi lamang si Gu Li ang nakaramdam ng pagkabigo. Maging sina Duan Ling Tian at Zhu Lu Qi ay hindi mapigilang makaramdam ng pagkabigo at kalituhan sa nang nakita nila ang pasukan ng kweba. Sa totoo lang, hindi lamang si Gu Li ang nabigo. Ito ang daanan na nagkokonekta sa Lower Province at Upper Province? Ito ay lubusang iba sa kung ano ang inaasahan nila.

Bagaman hindi nila inisip na ito ay magiging magara, naisip nilang ito ay magiging mas maganda kumpara sa pangit nitong kalagayan.

'Marahil, may kakaibang mundo ang nasa loob,' naisip ni Duan Ling Tian sa sarili.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ang Watcher, Elder Liu, ay hindi napansin ang pagkabigo ni Duan Ling Tian at nung dalawa pa. Pagkatapos niyang alisin ang mga niyebe sa pasukan ng kweba, nagpatuloy siya sa pagkilos. Sa isang kisapmata'y, walong pasukan ang lumitaw sa mga mata ni Duan Ling Tian at sa dalawang kasamahan.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com