webnovel

Duan Ling Tian, Naitago mo nang Mabuti ang Iyong Lakas

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mukhang ang taas ng pagtingin ko sa lakas niya… O sabihin nating minaliit ko ang aking sarili…"

Lumipad sa malayo si Duan Ling Tian dahil natatakot siyang malagay niya sa panganib sina Ke'er. Para sa kaligtasan ng tatlo niyang kasama, ginamit niya ang kanyang Divine Ability, ang Golden Crow's Wings, at agad na lumipad papalayo roon. Subalit, mukhang hindi na niya iyon kailangang gawin pa. Kanina lamang, ikinumpas niya lamang ang kanyang kamay at hindi na siya nangailangan ng kahit anong martial tactics, Divine Abilities o kaya ang kanyang Supreme Sword Dao Mental Cultivation Method, ang Sovereign Heart Sword, subalit, madali niyang naasikaso ang unang kidlat ng Tribulation Clouds. Madali ito nang nadaig ng kanyang malawak na Saint Origin. Hindi man lang din siya nasaktan.

'Yuwen Hao Chen!' Matapos maasikaso ni Duan Ling Tian ang unang boltahe, naramdaman niya ang isang nakapanunusok na tingin mula sa Palace Master.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com