webnovel

Bisita Mula sa Kalayuan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malinaw sa puso ni Duan Ling Tian na ang kanyang walang paramdam na ama at ang kanyang ina ay nahiwalay sa loob ng maraming taon, at siguradong marami silang sasabihin sa isa't isa...

Kaya nakiramdam siyang umalis ng likurang courtyard at hindi sila inistorbo.

"Talagang hindi ko inakala na sa 'di inaasahan ay kikilalanin ko ang ama na ito…" Nang maalala niya ang eksena na nangyari sa Duan Clan kanina, naramdaman niya na bahagyang mahirap pa rin na intindihin ito, at nakaramdam siya ng kawalang-paniwala.

Sa sandaling iyon, hindi man lang siya nagkaroon ng oras na mag-isip nang biglaan na lang niyang tinawag si Duan Ru Feng bilang Ama.

"Marahil ito ay isang ugnayan ng dugo." Sabi ni Duan Ling Tian sa kanyang puso.

Gayunpaman, kahit ganoon, si Duan Ling Tian ay lubos na natutuwa na bumalik si Duan Ru Feng.

Hindi siya natutuwa para sa kanyang sarili.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com