webnovel

Ang Third Island Master ng Hidden Fog Island

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang paghinga ni Chen Zhi ay bumilis nang mag-atubili siyang ilipat ang kaniyang tingin palayo mula sa babaeng may lilang kasuotan patungo sa isang pang babae na nakatayo sa kaniyang tabi.

Ang babae ng ito ay mayroong bakas ng pagkainosente sa kaniyang mukha at ang pagkamasunurin ng isang magandang babae mula sa isang mababang-loob na pinanggalingan. Ang mga tao ay hindi mapigilan na hangaan siya dahil dito.

Mayroon siyang magandang mukha, at mahirap makakita ng kapintasan dito.

"Ang pinakamahusay! Ang pinakamaganda!" Ang mga mata ni Chen Zi ay nagliliwanag. Sa sandaling ito, siya ay malapit nang maglaway.

Napalunok si Chen Zhi at dali-daling nagtanong, "Senior You Han... Sila ba iyon?"

"Tama. Sila iyon... Ang binatang may lilang kasuotan sa kanilang tabi ay ang kanilang fiance, si Duan Ling Tian," marahang sabi ni Martial Emperor You Han habang siya ay tumatango. Ito ay para bang hindi siya mag-aalala kahit na magkagulo ang buong mundo.

Hu!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com