webnovel

Ang Laban kay Chen Zi

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob lamang ng maikling oras, dalawang Martial Emperor na agad ang namatay.

Ang unang kalaban ni Duan Ling Tian sa pangalawang round ng martial competition ay ang huling tao na ninais niyang makatagpo.

Si Lan Bi ng Thunder Peak.

'Silang dalawa ay parehong disipulo ng Thundercloud Peak... Si Zhou Yi ay tiyak na mayroong malalim na pagkakaintindi sa lakas ni Lan Bi. Kung matatalo ko si Lan Bi, natatakot ako na agad siyang susuko bago pa man ako umatake kapag siya ay natapat sa akin.' Si Duan Ling Tian ay bahagyang naiinis.

Noong una, pinlano niyang patayin si Zhou Yi sa Hidden Fog Martial Competition at kuhain ang Devilseal Tablet na dating nabibilang sa kaniya.

Gayunpaman, ang mga bagay-bagay ay bahagyang mahirap na ngayon.

Si Lan Bi ay ang direktng disipulo ni Martial Emperor Lei Ming ng Cloud Continent, ang master ng Thundercloud Peak. 

Siya ay tiyak na mas makapangyarihan kaysa kay Zhou Yi.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com