webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · Urban
Not enough ratings
107 Chs

Chapter 25 - The Unintentional

CIUDAD MEDICAL...

Bumuntong-hininga ang binata at hindi na nagsalita.

Nanatili namang tahimik si Ellah at naiintindihan niya 'yon. Hanggang sa mayroon siyang napagtanto.

Biglang kumunot ang kanyang noo at ginapangan ng kaba.

Nilingon niya si Ellah.

"Sandali lang, paano pag naabutan ng lolo mo na wala rito ang bodyguards mo?"

"Oh Shit!" nanlaki ang mga mata ni Ellah.

Napabangon ang dalaga at mabilis na kinuha ang cellphone.

"Bert, pumunta kayo rito sa ospital ngayon na bago pa kayo maunahan ni lolo! Basta sundin niyo ako at walang dapat malaman si lolo, ako ng bahala!" matigas na utos ng dalaga at sinabi ang kumpletong address na kinaroroonan nila.

Ibinaba nito ang cellphone.

"Ano raw?"

"Balak magsumbong kay lolo buti na lang napigilan ko."

"Nga pala pwedeng mahingi ang numero ng kausap mo?"

Ibinigay iyon ni Ellah ng walang tanong.

Lumabas siya at saka ito kinausap.

"Sino 'to?" yamot na bungad ng nasa kabilang linya.

"Ako ang gumulpi sa inyo kanina, " sagot niya.

"Aba't ikaw pala 'to gago!"

Awtomatikong umahon ang galit niya. "Tarantado baka gusto mong magulpi ulit!"

"Anong ginawa mo kay Ms. Ellah! Bakit siya na ospital!" sumigaw ito sa galit.

"Dahil sa katangahan ninyo na ospital ang inyong amo na laging nalilipasan ng gutom! Sa oras na magsumbong kayo kay don Jaime sa nangyari manganganib ang trabaho niyo. Kaya pumunta kayo rito at magdala ng pagkain!"

"Kaanu-ano ka ba ni Ms. Ellah? Nobyo ka ba niya?" kumalma na ang tono ng kausap.

Aba't tsismoso pa ito?

"Hindi, kaibigan niya ako. "

"Paano nagkaroon ng kaibigan si Ms. Ellah ng gaya mo?"

Napatanga siya sa sinabi nito bago ito minura.

Ilang sandali pa muli siyang bumalik sa loob.

"Ano bang sinabi mo?" tanong ni Ellah pagpasok niya.

"Pinabili ko lang ng pagkain."

"Hindi eh, siguradong mag-iimbestiga si lolo kung paano ako nakarating dito."

"Ako ng bahala roon."

"Saka delikado ang ginawa mo kanina, paano kung nabaril ka ng mga bodyguards ko? "

Lihim siyang napangiti dahil ramdam niya ang pag-alala nito sa kanyang sitwasyon.

" They can't do that, dahil magaling ako. "

"Shit Gian! Huwag mong ipagmayabang sa akin ang ginawa mo dahil hindi ka na nag-iisip! Paano kung ikaw naman ang nakabaril sa kanila?"

" I'm sorry, desperado lang ako na makita ka. "

Natahimik ang dalaga at kinabahan ang binata.

Mas gusto pa niyang laging maingay si Ellah kaysa ganitong tatahimik bigla.

"Bakit mo ako mahal Gian?" walang emosyong tanong ni Ellah.

Kiang-kita niya ang marahang pagbaba ng lalamunan ng binata habang nakatagilid sa kanya na tila ba napalunok sa kanyang tanong.

Ayaw niyang bigyan ng anumang halaga ang sasabihin nito ngunit gusto niyang malaman ang dahilan.

Hindi ito umimik at tumingin sa kawalan.

"Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?"

Napatingin ito sa kanya.

"Lahat sa'yo, ikaw na buo, buong pagkatao mo."

Natahimik ang dalaga.

Niyakap siya ng binata ngunit hindi siya gumanti, hinayaan lang niyang yakapin siya nito.

"Hindi ito tama, " kumalas siya sa yakap nito.

Huminga ito ng malalim. "Tama ka." Tumingin ito sa kawalan.

"Sabihin mo, kaya ba nangyayari ito dahil... dahil may nararamdaman ka na para sa akin?"

Maaaninag sa mga mata ng kaharap ang kakaunting pag-asa na naroon.

"Hindi pabor sa'yo si lolo. Hindi ang mga kagaya mo ang gusto niya para sa akin, alam mo 'yan." Sinadya niyang lamigan ang tono upang maramdaman nito na wala ng halaga sa kanya ang kagaya nito.

"Hindi ko naman sinadya na mahalin ka, unintentional 'yon," matigas nitong tugon.

Natahimik ang dalaga at tumingin sa kawalan si Gian.

"Pero gano'n pa man, hinayaan ko kasi masarap kang mahalin. Puro ang pagkatao mo, lahat ng makakaya mo ibinibigay mo sa mga mahal mo, wala akong nakikitang pagkukunwari sa'yo."

Lumamlam ang mga tingin nito nang pagmasdan siya at hindi niya kayang salubungin 'yon kaya napapikit siya.

Hindi niya kayang tumingin sa mga mata nito. Nasasalamin ang pagkatao ng lalaking ito sa pamamagitan ng tingin. Sa mga tingin nito ay nararamdaman niya ang puro nitong pag-ibig na hindi nararapat sa kanya.

Hindi ang lalaking ito ang nararapat sa kanya.

Napailing siya at yumuko ang binata.

Pinakatinitigan niya ang lalaking kaharap.

Mula sa suot na t-shirt na itim na may leather jacket na itim hanggang sa maong na pantalon at sapatos na rubber.

Napaka ordinaryo ng awra.

Halatang walang kayamanan, hindi maimpluwensiya, hindi maalam sa negosyo. Wala siyang maipagmamalaki na magugustuhan ng kanyang abuelo.

Gano'n pa man, ang tanging masasabi niyang kaya nitong ipagmalaki sa sarili ay ang matayog na prinsipyo.

Ma prinsipyong tao si Gian.

Nakatagilid man ito subalit ang anggulo ng mukha ay may dalang awtoridad marahil dala na rin sa anyo. May pagkapangahan ito na bumagay sa matangos na hugis ng ilong, may kakapalang kilay, noo na madalas nakakunot kahit natatabunan ng buhok. Manipis na mapupulang labi na madalas nakatikom at minsan ay babasain ng dila nito ang pang-ibabang labi lalo na kapag may gustong sabihin na tila nag-aalinlangan. Mga mata na laging may malalim na kahulugan kapag tumingin, mahahabang mapilantik na talukap na sa bawat pagkurap nito ay tila mawawala ka sa sarili at titigan na lamang ito.

Sa anyo ng mukha at porma ng katawan anuman ang isuot nito kahit napaka ordinaryo ay hindi nakabawas sa napakalakas nitong dating.

Wala man itong kayamanan at kapangyarihan hindi maitatanggi na isa itong ma awtoridad at may prinsipyo.

Kaya naniniwala siyang totoong mahal siya ni Gian.

Hindi siya makapaniwalang may magmamahal sa kanya ng ganito ka tindi.

Pakiramdam niya mas malalim pa ang pagmamahal nito sa kanya kaysa sa pagmamahal niya sa kanyang sarili.

Oh God!

Ito na ba ang lalaking para sa akin?

Hindi ba ako nagkakamali lang?

Paano ko ba masisiguro na magiging akin ang pag-ibig niya pang habambuhay?

Kahit sigurado siyang mahal siya ng binata hindi naman niya alam kung hanggang kailan gayong tutol ang abuelo niya rito.

Mahirap tantiyahin ang damdamin, dahil hindi ito gaya ng sakit madaling makita at alam agad ang pwedeng ipanlunas. Alam mo kung kailan mawawala.

Wala pa kasing doktor ng mga emosyon.

Dahil kung meron pa, siya ang unang magpapakunsulta!

"May sasabihin ka?"

Natauhan si Ellah at nakaramdam ng hiya saka tumalikod. Huling-huli siya nito na nakatitig. Ni hindi niya namamalayang nakatitig siya.

Tumahimik na si Ellah at hindi na rin kumibo si Gian. Nanatili lamang siyang nakatingin sa likod ng dalaga.

Naiintindihan niya kung hindi siya matatanggap ni Ellah. Sino ba naman siya?

Protektor lang naman.

Walang pera, walang kapangyarihan.

Ang tanging maibibigay niya sa dalaga ay ang kanyang buhay.

Kaya niyang itaya ang buhay niya alang-ala sa kaligtasan nito.

Humugot siya ng malalim na paghinga.

"Kumain ka sa tamang oras please? Pumayat ka, namumutla pa. Pero maganda ka pa rin. "

Nilingon siya nito.

"Pumangit ka na, humumpak ang pisngi mo at haggard ang itsura."

Tipid lamang siyang ngumiti.

"I miss you, " pag-amin niya.

Kung naiba lang siguro, malamang kinilig na ngunit hindi gano'n si Ellah.

"Inaantok ako, " tanging sabi nito.

Hinalikan niya ito sa noo.

" Matulog ka lang," aniya bago lumabas.

Nagpahangin siya at umupo sa isa mga upuan sa likod, itinukod ang dalawang siko sa mga tuhod at yumuko saka pumikit.

Humugot ng malalim na paghinga ang binata bago nag-isip sa sitwasyon nila ni Ellah.

Alam niyang wala siyang pag-asa kay Ellah. Kahit gusto pa siya nito hindi nito kayang baliin ang desisyon para lang sundin ang gusto nito at paburan siya.

Nag-iisa nitong pamilya ang kakalabanin para sa kanya.

Hindi mangyayari 'yon.

Habang kaya pa niyang kontrolin ang nararamdaman at ibalik sa dati ang lahat, gagawin niya.

Ilulugar niyang muli ang sarili bilang protektor lamang at wala ng iba.

Itinatak niya iyon sa kanyang isipan hanggang sa makatulog sa isa sa mga upuan doon.

Pagbalik niya nadatnan niyang naroon na si Don Jaime at kausap ang dalaga.

Kumatok siya ng tatlong beses kahit bukas ang pinto.

Nakuha niya ang atensyon ng dalawa.

"Magandang gabi ho don Jaime. "

Binalingan siya ng matanda at hinablot ang kwelyo ng kanyang damit.

"Maganda ba ang gabi?" mariin nitong tanong.

Hindi siya umimik at yumuko.

"Lolo!" naroon ang pag-alala sa tono ni Ellah.

Binitiwan siya ni don Jaime.

Nakahinga siya ng maluwag.

"Galit ako sa ginawa mo sa apo ko!"

Muli ay hindi siya kumibo mas mabuti ng manahimik para iwas gulo.

"Paano kayo nagkita?"

Saka pa lang niya iniangat ang mukha.

Si Ellah ay hindi nakaimik.

Ito na 'yong dahilan kaya siya nag-isip tiyak kasing magtatanong ito.

"Nagkasalubong ho kami sa isang restaurant, " sinulyapan niya ang dalaga bago muling ibinalik ang tingin kay Don Jaime.

"Tinangka ko ho siyang kausapin, pero bigla hong nahilo ang apo niyo kaya dinala ko dito, " mahabang salaysay niya.

" Totoo ba 'yan? Hindi kaya gumagawa ka na naman ng kwento gaya ng ginawa mong pang-uuto sa akin?"

Nagkatinginan sila ng dalaga.

"T-totoo po ang sinabi niya lolo, " salo ni Ellah.

"Nasaan na pala 'yong mga bodyguard mo?"

Nagkatinginan sila ni Ellah.

"Bumili lang ho ng pagkain."

Ilang sandali pa dumating ang tatlong gwardya.

"Magandang gabi ho don Jaime. Ms. Ellah, " bati ni Bert.

"Saan kayo galing?"

"B-bumili ho ng pagkain sir, " sabay tingin sa kanya.

Ito ang dahilan kaya kinausap niya ang leader na bumili ng pagkain para pagdating ni Don Jaime may maidadahilan sila.

Hindi nito mahalata na halos sabay lang ang pagdating ng mga ito.

Inilapag ng lalaki ang hawak na basket.

Ngayong nandito na ang tatlong gwardya kailangan na niyang umalis.

" Don Jaime, pasensiya na ho at maraming salamat. Ms. Ellah, magpagaling kayo. Magpapaalam na po ako, " anang binata.

"Makakaalis ka na," anang don.

Nagtagpo ang mga tingin nila ng dalaga.

Tipid silang ngumiti sa isa't-isa.

Sinulyapan siya ni don Jaime.

" Sir, goodnight ho, alis na ako. "

" Kanina ka pa nagpapaalam" masungit na sagot ng don.

Natawa siya, sabay pa simpleng ngiti sa dalaga.

Napangiti naman ito.

Nakalabas na siya nang humabol si Bert.

"Sandali lang! Iiwan mo kami sa ere ng nangangapa gano'n ba? Ang kapal din pala ng apog mo ano?"

"Watch your words stupid bastard!"

"Ano? Aalis ka para hindi madamay kapag sinabon kami ni don Jaime gano'n ba! Eh ikaw ang may kasalanan nito eh!"

Tumalim ang titig niya dito.

"Kasalanan niyo dahil hindi niyo binantayang mabuti ang amo niyo!"

"Huh! Ibang klase ka! Ikaw na nga ang kumidnap kami pa ang may kasalanan!" dinuro siya nito.

"Paano kung totoo akong kidnapper? Gano'n lang ba ang kaya niyo? Sa palagay niyo ba maipagtatanggol niyo siya?"

Itiniklop ni Bert ang hintuturo.

Lumapit siya at idiniin ito sa pader ng hospital.

"Sa susunod, maging alerto kayo, ipinagkatiwala ni don Jaime ang kanyang nag-iisang apo sa mga kamay niyo. Ipakita niyo namang dapat kayong mapagkatiwalaan. "

"S-sino ka ba?"

"Ako... ang pinalitan niyo!"

Napalunok ang lalaki.

Inayos niya ang kwelyo nito.

"Bantayan niyo siyang mabuti. Dahil sa oras na mapahamak siya, uubusin ko pati kahuli-hulihang lahi mo!"

Binitiwan niya ito at lumayo.

"Ang yabang mo!" sigaw nito.

"Alam ko! Huwag mo ng ipagsigawan, " sagot niya nang nakatalikod.

Alam niyang nagngingitngit ang lalaki sa kanyang likuran.

Ngayon gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa nalaman.

Hindi siya nito inilaglag at sa halip ay nakipagtulungan.

May pag-asa siya, sa dalaga!

---

PHOENIX AGENCY...

Kagaya ng napag-usapan bumalik ang binata sa trabaho pagkatapos ng isang linggo.

"Good morning sir!" sabay saludo sa head nila.

"Captain Villareal! Welcome back!" masayang bati ng kanilang head.

Sumaludo din ito at agad may ibinigay na dokumento pagkaupo niya.

"Isang malaking sindikato ang sangkot dito kaya gusto kong ikaw ang humawak nito. Nasa folder na ito ang iba pang detalye sa human trafficking syndicate. "

Ibinigay nito sa kanya at tinanggap niya, ngunit hindi binasa.

"Sir, may sasabihin po sana ako. "

"What is it?"

Huminga siya ng malalim.

"Ang totoo po sir, hindi sana muna ako tatanggap ng assignment. Para kasing hindi maganda ang nangyari sa akin."

"What do you mean?" kumunot ang noo nito.

Paano ba niya sasabihin?

"Ah, ganito ho 'yon sir, sa previous job ko, nabugbog po ako, medyo masakit ang tama sa likuran ko. Hanggang ngayon, nag papa check-up pa rin ako sir."

"Gano'n ba? Humina ka na ba Villareal?"

"Hindi naman sa gano'n sir, kaya lang hindi pa ako tuluyang nakaka recover. "

Huminga ito ng malalim.

"Okay, para sa kalusugan ng isang gaya mo. Hindi ko itataya ng walang kasiguruhan. Villareal you're a big asset in this company."

Nakahinga siya ng maluwag.

"Thank you Chief. "

Nakahinga siya ng maluwag at nagpaalam dito.

Dumeretso siya sa kanyang opisina.

Binati siya ng mga kasamahan.

"Welcome back sir Gian!"

"Good morning sir. "

Tango at ngiti lang ang isinagot niya sa mga bumabati.

Pumasok siya sa kanyang opisina.

Ilang sandali pa pumasok din si Vince kahit hindi kumakatok.

"Good morning sir!" sumaludo pa ito.

"Good morning, " sinagot niya ang saludo nito.

Umupo ito at sinabi niya ang dahilan ng pagtanggi sa trabaho.

"So, paano tambay muna ang grupo?"

"Hindi naman, pwede pa rin kayong magtrabaho kahit hindi ako kasali. "

"Huwag na, mga simpleng trabaho lang muna ang gagawin ko. Ayokong magtrabaho ng wala ka. "

Bahagya siyang natawa.

"So, what's your plan?"

Tiningnan niya ito derekta sa mata.

"Pare, gusto kong bumalik sa mga Lopez. "