1 Chapter One: Wanted: Bestfriend

ALIJAH

"NASAAN ANG ALAK KO HAH!?" si Daddy na umiinom nanaman. Sinabunutan ako ni Daddy habang hinahanap ang bote ng alak.

"P-Papa, wala po sa akin." mahinahon kong sagot.

"Aba't sumasagot ka pa ah!?" binato niya ako sa dingding, kumuha ng sinturon at saka ako pinaghahampas. "Alam mo, ha!? Ikaw ang dahilan kung bakit lumayas 'yang Mama mo!" habang walang tigil niya akong pinaghahampas.

Wala akong nagawa kung 'di ang umiyak ng umiyak.

"Kung sana nilaglag ka ng kabit ko, ha?! Andito yang Mama mo!" aniya pa bago ako batuhin ng tsinelas.

Oo. Anak niya ako sa labas. Ako yung bunga ng kasalanan niya. Ako yung naging dahilan kung bakit siya iniwan ng asawa niya, ang naging Ina ko ng mapunta ako sa puder niya.

Pero hindi ko kasalanang nabuhay ako rito sa mundong ito.

Liningon ko si Papa, nakatulog na siya.

Iniligpit ko yung mga bote, at yung mga basag. Binihisan ko na rin ng panibagong t-shirt si Papa. Naligo ako at nagbihis na ng aking uniporme papasok sa trabaho. Ay, wala nga pala akong uniporme.

Nakakahiya man sabihin, na kahit malaki ang bahay namin at may kotse si Papa ay wala akong pera dahil hindi niya ako binibigyan, ay isa akong Prostitute. Ngunit ito ang pinaka-una kong gabi doon. Sana sa worthy na tao mapunta ang v-card ko.

Nag-ayos na ako, hindi ako yung tipikal na prosti na sobrang kapal ng make-up. Nag-pulbos lang ako at kaunting lipstick. Hindi naman kasi ako marunong magmake-up.

Tinignan ko pa muli ang mahimbing na natutulog kong Tatay. Sana tulog pa siya pag-uwi ko.

"I want her!" sigaw ng Chinese na nakikipag-agawan makuha lang ako. Nakatayo ako rito sa Stage.

"Then you have to pay higher." sagot ng Bidder.

"How much?" sagot muli ng Chinese.

"The highest is 550,000 pesos."

"I pay her 600,000 pesos." nakakabarda yung trying hard niyang English. Parang gusto kong ipangalandakan na ayoko sa kaniya. Wala akong choice dahil ito lang ang trabaho ko.

Ang perang makukuha ko sa Bidding ay mapupunta sa may-ari ng Club at 10% lang ang mapupunta sa akin.

"Anyone who wants Ms. Alijah Detorre?"

May nagtaas ng card, number 169.

"I'm willing to pay One Million for her." hindi ko maaninag ang mukha niya dahil naroon siya sa dulo kung saan hindi natatamaan ng ilaw.

"Woah! Alijah is on fire right now," mukhang tanga itong bidder na ito. "Anyone who wants to go higher?"

This time, wala ng nagtaas pa ng Card. "Alijah is sold to Mr.?" tanong ng Bidder.

"Mr. Westly Altair Daevan."

"Okay, Mr. Daevan you may proceed to the Office and let's talk about the terms and policies! Thank you all!" hinila ako ng Bidder at kinausap, "Wow, first night mo naka-One Million ka agad. Mukha ka kasing masarap. Birhen pa." napaharap ako sa kaniya at tinignan siya. Gusto ko siyang sampalin pero hindi pwede.

Pagkadating sa Office ay nakayuko lang ako, ayokong makita ang mukha ng matandang manyak na bumili sa akin. Expected na 'yon, Sugar Daddy, Matanda, Manyak ang laging nandito.

"May I ask, bago lang ba siya dito?" ani nung hindi ko maalala kung sino. Deban ba yun? Baho ng apilyedo.

"Yes, in fact this is her first night and we are surprised na may One Million agad ang Bidding para sa kanya." ani ni Mr. Lazaro, ang may-ari ng club.

Tumingin na ako sa bumili sa akin and...

He's.. He's like a Greek God for Pete's sake!

Nakatitig lang ako sa kaniya the whole time! I don't know but I think he's worthy for my virginity!

ALIJAH! What are you saying?! He's not worthy! He's a badass! He's here only for s3x you idiot!

"Until next transaction, Mr. Daevan." sabi ni Mr. Lazaro na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. Nagkamayan silang dalawa.

Hindi ako siguro sa pinasok ko. Parang gusto ko na mag-back out. Sht. Papa take me home.

"So, paano ka napunta dito?" tanong nung Deban.

Hindi ko siya sinagot. Personal questions na 'yon.

"Hey? Are you listening?"

Tinignan ko lang siya

"I said, paano ka napunta dito?" hindi ko pa rin siya sinagot. Bahala siya.

"Ah, ayaw mong sumagot ah?" bigla niya akong hinila papunta sa kotse niya!

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" at pinipilit na kumalas sa hawak niyang sobrang higpit.

"Oh edi nagsalita ka rin!" at pinasok niya ako sa kotse niya.

Tinarayan ko lang siya at tumingin sa ibang direksyon. Pag-lingon ko sa kaniya ulit ay napakalapit ng mukha niya, anong gagawin niya?!

Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya, "Seatbelt." aniya.

Tumingin nalang ulit ako sa labas. Nakita ko yung lugar kung saan ako napadpad at nagtrabaho kahit na may kaya kami. I mean, may kaya si Papa.

Ramdam ko ang kaba, takot, at galit ng simulan nito ang pagmamaneho. Napapikit nalang ako at nagsisisi bakit ko pa pinasok 'to.

"Don't worry, hindi kita gagalawin. I want you to pretend to be my best friend."

Napamulat ako at nagtatakang napatingin sa kaniya. Habang siya focused sa pagda-drive.

"I recently broke up with my long time girlfriend," halata sa boses niya ang lungkot. "She ended up falling in love with my best friend. Gusto ko lang malaman kung mahal pa niya ako. Gusto ko siyang pagselosin, kaya binili kita."

"Pero bakit ako?" tanong ko.

"Maganda ka. Sa kutis mo, mukha kang mayaman. At I know mapagkakatiwalaan ka."

"Eh paano kung hindi?"

"We'll meet in the court. May tito akong abogado." aniya na nakapag-pakaba sa akin lalo. Ano ba 'to.

"A-Ayoko."

"Anong ayaw mo?" tanong niya.

"Ayoko pumayag sa plano mo, baka mamaya mafia o gangster pala 'yang gerlpren mo. Ipapatay pa ako. Mahal ko pa tatay ko 'no."

"Silly, mafia? Gangster? What the hell? You're in real world. Stop being dumb, will you?" at napa-pout ako sa sinabi niya. Hindi naman ako boba ah.

"Mahilig lang talaga akong magbasa." tanging naisagot ko nalang.

A moment of silence.

"So, mamaya when we arrive at my house ipapakita ko yung magiging kuwarto mo. Andun ang contract. All you have to do is read. Read. Okay? Since you love reading. Then sign. Tapos ang usapan." para namang sinabi nito na hindi ako marunong magbasa.

"Hmm." sagot ko.

"One more thing, I'm the dominant here. And you're my submissive best friend. Ako ang masusunod dito. At gusto kong 'yes sir' ang sagot mo. Maliwanag?" napatango ako ng noo.

Nagulat nalang ako ng ihinto niya ang kotse at ilapit sakin yung mukha niya.

"I said answer me with 'yes sir'. Or else, I'll slap your pretty cheeks," teka, bakla ba 'to? Pero may ex girlfriend daw eh? "With pleasure." ahh.. hindi pala bakla.

"Yes sir." sagot ko tsaka niya tinanggal yung seatbelt ko.

"We're here," bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Ginabayan din niya ako papasok sa loob. "You are not allowed to go out. Dito ka lang sa loob ng bahay. You're assigned to cook for me, do my laundry and of course, pretend to be my best friend."

"Kung pagseselosin mo, bakit best friend hanap mo?"

"Because she doesn't like my girl best friends. Lagi siyang nagseselos."

"May best friends ka naman pala na mga babae eh."

"Kilala na sila ng ex ko. Hindi na niya pagseselosan ang mga 'yon. Eh ikaw, bago ka sa tingin niya. Paniguradong magseselos 'yon.." papahina nang papahina yung boses niya habang sinasabi 'yon. "Kung mahal niya pa ako.."

Hindi ko alam pero nalungkot din ako. Biglang kumirot yung puso ko. Siguro dahil parehas kaming nagmamahal. Ako, sa Papa ko. Siya, sa Ex niya.

Huminga siya ng malalim bago ulit magsalita, "Lika, ipapakita ko na sa'yo ang kuwarto mo."

Kinda weird for his ex though, bakit sa bestfriends nagseselos?

avataravatar
Next chapter