webnovel

VOICELESS

Belle_Labaguis · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 1

Zairon Joseph Soberano POV :

Bipbip bipbip bipbip!!

Wag ka tunog ng alarm clock ko yan. Hehe

Good morning sunshine!! Naginat ako saka bumaba sa kama. Kailangan ko ng maligo kasi ngayon ako papasok sa bagong school na lilipatan ko dito sa Manila. Dito na kasi nadestino si Papa sa trabaho nya eh hindi nya naman kami maiwan ni Mama sa probinsya kaya sinama nya na lang kami. Agad kong inabot ang towel kong nakasabit pa sa hanger at dumiresto na sa banyo.

Mabilis naman akong naligo kasi ayokong malate. Sana maging maayos ang araw na to para sa akin. Haha nakababa na ako sa hagdan naabutan ko si Mama na naghahain na si Papa nakaupo na rin at nagkakape.

Maayos naman ang tinutuluyan namin dito, Village sya at sagot ng kompanya ang rental nito sa kuryente at tubig ay si Papa ang nagbabayad mabute na rin yun kesa sa mga kamag anak ni Papa kami makituloy.

"Tay, tulungan mo nga ako maglagay kana ng mga kutsara at pinggan aahunin ko lang tong sinangag."

"Ako na Ma. "

"Oh gising kana pala totoy. Bute nakapagintindi kana halika na at kumain baka malate kapa."

"Ma naman eh. Totoy pa rin hanggang ngayon nandito na nga tayo sa Manila eh dapat iba na tawag mo sakin. Ang baduy baduy ng totoy eh."

"Abat itong batang ito ay apakaarte na ay hala anung atawag ko sa iyo hmm? "

Si papa naman tatawa tawa lang na pinakikinggan kami.

"Ma ZAIRON, call me Zairon ang astig ng pangalan ko totoy pa ang tinatawag mo sakin."

"Naku, totoy naman talaga kita dahil lalaki ka at anak kita lambing ko na sayo yun."

"Asuuus pinangalanan nyo pa akong Zairon Joseph kung hindi nyo po ako tatawagan dun."

"Ah Ay si Ama mo ang tanungin mo at sya ang nagpangalan sa iyo nun. "

"Hahaha. "

"Hayaan muna mahal yang anak mo at nagabinata na."

"Hmm hmm magsama daw kayong dalawa." Sabi ni mama ng iiling-iling.

Napatawa na lang kami ni Papa. Ganito na kami mula pa sa probinsya mahal na mahal ko ang mga magulang ko kahit na iisa man at kahit may mga trabaho sila hindi sila nagkulang ng pagaalaga sakin.

Kaya nagsisikap akong makapagtapos para matulungan ko sila alam kong hindi magiging madali pero sapat ng pagsikapan ko ang lahat ng paghihirap at sakripisyo nila noon para maitaguyod ang pamilya namin.

Masaya ako na sa kanila ako nabuo at nabuhay. Ay hallelujah hahaha napapa Amen na lang ako sa pasasalamat kay God dahil sa kanila.

Hanggang sa natapos na kaming kumain. Nagprepara na si Papa ng pagalis kasi magcocommute pa sya ako naman malapit lang yung school pwedeng lakarin bute pinadoor to door namin yung bike ko para magamit ayoko naman ibigay sa mga pinsan ko hindi naman sa pagdadamot pinagipunan ko pa kasi ito nun eh hahaha

"Ma!! Alis na ko!!" Sumakay na ako sa bike ko maaga aga pa naman kaya hindi ako nagmadali pumasok. Wala pa akong uniform kasi tinatahi pa lang daw bute at nakuha ko ang sched ko para hindi na ako pipila at hahanapin ko na lang yung room ko.

"Ingat hah! Umuwe ka agad!!"

"Opo!!"

Nakapants , white V-neck shirt at sapatos lang ako. Nga pala 2nd year college na ako nagtetake ako ng Business Management kasi sa panahon ngayon mahirap ng umasa sa mga kompanya mas maganda na mag negosyo para kung sakali wala kang boss ikaw mismo ang boss at tsaka hawak mo rin ang oras mo walang maguutos sayo na gawin moto, sa akin kasi mas challeging kung ako ang hahawak ng sarili kong negosyo.

Nagpalinga linga ako sa paligid dito sa village merong basketball court , may village garden din at park. Pwede magjogging dito sa umaga. Hmmm next time hehe

Malapit na ako sa School natatanaw ko na ang arko kung saan nakasulat ang pangalan ng school. ROMEO SCHOOL OF COLLEGES UNIVERSITY. Sa school na ito ako ipinasok nina Papa kasi may benefits sa Company nila sagot na rin nila ang scholarship ko kaya wala kaming naging problema sa paglipat ko ng school.

Malaki at halatang pang mayaman ang RSCU pero hindi na siguro halata sa histura ko na scholar ako hahahaha .. Hanep ang pogi ko! Hahah Hindi naman sa poging pogi ako tamang kulay lang ang balat ko, matangkad, may katangusan ang ilong, bilugang mata, at may dimples din ako magkabilang pisngi at higit sa lahat malakas ang appeal. Yowwwn talaga hahaha sabi lang yun ng mga kaibigan ko dun sa probinsya namin sa Marinduque. Kamusta na kaya yung mga yun? Baka sa mga oras na to papasok na din sila ng MSC.

Pagkababa ko sa bike iginaya ko ito sa parking-an ng bike at nilock. Mami rami din palang nagbibike papasok ng school dito.

Nilabas ko ang sched at map ko para mahanap ko ang unang klase ko.

S

a paglalakad ko napapansin ko na may mga nakatingin sa aking mga babae. Napapahagikhik sila ng tawa at parang kinikilig yung iba naman natutulala. Naku ang karisma mo totoy ay nadala mo na dini sa Maynila iba ka talaga. Nginingitian ko na lang sila at mabagyang kakaway.

"Hi :)"

"IIIHiiiiihhhhhhhhhh!! "

"Yaaaah!! Ang cute nya!"

"Sino kaya sya? Ngayon ko lang sya nakita dito!! "

"Baka transferee!! Aaay ang cute ng dimples nya!! Hihihi"

"Grabe ang pogi!! "

I know right ;) hahahaha

"Anung pangalan nya??waaah!!"

Ahhh heheheh grabe ganito ba dito ako ang nahihiya sa kanila eh. Binilisan ko na lang ang paglalakad para mahanap ko na ang room ko. Sa wakas! Ayun na ilang pinto na lang at makakarating na ako ng biglang ...

May nabangga ako...

Babae...

Hindi ko makita ang mukha nya kasi nakatalikod na sya sakin. Mahaba ng buhok nya at tama lang ang katawan mula sa likod na nakikita ko.

"So-sorry Miss hindi ko sinasa---"

Aba. Pambihira.

Nilayasan ako! Abat ang babaing to. Aissh magsosorry naman ako eh. Ay bahala ka nga.

Hindi ko na yun inisip at pumasok na sa room konti pa lang ang estudyante pero yung mga babae nakatingin sa akin mula sa pinto pagupo ko sa upuan.. nakikita kong nagbubulungan sila tapos titingin sa akin na mga nakangiti. Ngumiti na lang ako ng tipid. Yung mga lalaki naman masamang nakatingin sa kin. Suus buong araw yata ako maiilang.

Wag naman!!

Matapos ang ilang minuto dumagsa na ang mga estudyante hanggang sa mapuno ang classroom. Hindi ako napapansin ng iba dahil nasa may bandang likuran ng row ako nakaupo. Maya maya dumating na ang professor.

"Good morning class! Go back to your proper seats!! I believe we have a transferee here? Where are you? Come here infront and introduce yourself."

Napatayo ako ng alanganin at dahan dahan naglakad papunta sa unahan. Nakita kong napalingon silang lahat sa akin. Yung ibaba napanganga pa, grabe ganun ba ako kagwapo? Tsk

"Hi! Im Zairon Joseph Soberano, just call me Zairon, 18 years old, i came from the province of Marinduque. Nice to meet you all!"

Nagbow ako ng bahagya at napakamot sa batok ng marinig kong maghiyawan ang mga kaklase kong babae..

"Silence Class!! You may now seat Mr. Soberano. " Napatango na lang ako kay sir at naglakad papunta sa upuan ko.

Haaaa this is gonna be a long day.

******

Dumaan ang mga oras hanggang sa magLunch Break na. Napagod ako kakatayo upo dahil sa paulit-ulit na pagpapakilala.

Papalabas na ako ng may tumawag sakin.

"Hey, Zairon right? "

Napalingon ako at nakita ko isang gwapong lalaki, maputi , halos katangkaran ko rin , singkit ang mata at matangos ang ilong tsaka mukhang yayamanin sa tindigan pa lang. Hindi naman sa nababakla ako pero nasisiguro ko habulin din to hahahaha

"Ha?"

"Transferee ka diba? Im Lee", sabay abot ng kamay nya sakin." I just want to be friends with you. Kung wala kang kasama halika sabay ka na sa akin maglunch? "

Close ba tayo? Hindi ba pwedeng gusto ko muna mapagisa? Sabi ko sarili ko at isinantabi ang nasa isip ko.

"Naku hindi na, na-nakakahiya naman."

"No worries papakilala din kita sa mga tropa ko para may mga kaibigan ka dito. Sure ako magugustuhan ka nila kasi gwapo ka naman pasok ka sa amin."

"Bakit pag panget ba hindi pwedeng tropahin?" Napataas ang kilay ko, discrimination agad pala.

"Hahahahahhahaha," nangunot ang noo ko sa kanya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"No no that's not what i mean, i mean Clubs. Kailangan kasi dito for extra curriculum. Handsome Club ang amin palagay ko pasok ka. May naiisip ka bang ibang clubs na sasalihan?? "

"Ahh hindi ko pa alam eh."

"Is that so, tara dun na lang natin pagusapan sa canteen kasi gutom na ako. Pero bago yun tanggapin mo muna tong kamay ko mangalay na eh. "

Nakangiti nyang sabi sakin naguluhan man ako tinanggap ko ang kamay nya. Mukha namang mabait sya baka pwede ko naman silang maging kaibigan kung ganun.

"Nice to meet you. "

"Sayo rin."

"Tara."

Cafeteria

Malawak ang cafeteria nila, ang mga round tables nasa bawat gilid tapos yung mahabang rectangular na table sa bandang gitna, kahoy ang Lahat ng upuan. At sa bawat estudyanteng nakikita ko mukhang mga rich kid sila ibang iba sa dating school na pinasukan ko.

"Dito tayo Zairon." Turo nya sa may banda gitna sa rectangular table kami pupwesto. Bawat madaanan namin ay napapatingin sa amin hindi ko alam kung sa akin ba o sa kasama ko. Kung sabagay parehas naman kaming gwapo. Tsk Zairon iba ka talaga, 1st day na 1st day, pakiramdam ko sisikat ako dito sa school hahahaha

"Usually dito ang spot ng Handsome Club. Hey yow!! "

Nakipagapir sya sa limang lalaki sa table at talaga namang Handsome talaga. Literal eh. -_-

"Guy's may bago akong recruit. His name is Zairon Joseph. Classmate ko sya sa back subject ko at transferee rin sya. At wala pa syang club na sasalihan kaya sinama ko na sya. Ayos ba? "

Akbay nya sakin at hinarap sa mga kasama nya. Napatameme ako nahiya bigla ang gwapo kong mukha . Kung gwapo ako mas gwapo sila eh

"Hmmm, Welcome sa RSCU. Im Jhon Michael Morales, Mike na lang. Sa Engineer Department ako. "

Nakipaghand shake ako sa singkit din ang mata at bilugang mukha, makapal ang kilay, at mapulang labi.

Napatango at nakipagkamay ako sa kanya sumunod naman nagpakilala ang bilugang mga mata, may nunal sa may baba, matangos ang ilong at mapula din ang mga labi.

"Im Rielmar Morales, Riel na lang. Engineer din. This is my brother Reymark Morales, same din samin Engineer actually pinsan namin si Lee. "

Napatingin ako sa katabi nya, maputi, matangos ang ilong at mapulang mga labi. Nakangiti din sya nararamdaman kong mababait na tao tong mga nakasalamuha ko. Swerte pa rin pala ako.

"Yow!! Im Jay Jay Narvaez, Jay na lang Engineer din balak kasi naman magpagandahan ng bahay hahahahaha!!"

Well mukhang ito ang joker sa barkadahan na to at sa tingin ko pa lang mukhang womanizer. Tsk tsk tsk. Moreno, malakas ang dating, matangos ang ilong at maliit ang mga labi.

"Zairon"

"Cool name." Sabi pa nya.

Napalingon ako sa isa na hindi pa nagpapakilala. Mukhang walang pakialam sa paligid nya at umiinom lang ng in can softdrinks. Nakatingin ito sa kabilang direksyon kaya siniko sya ng kasama.

Tumingin sya sa mga kasama nya at napatingin sa akin. Medyo nagulat pa ako ng magtama ang mata namin. Laylay ang mga mata nya, humihiyaw ang jawline, matangos ang ilong at mapula din ang mga labi. Mukhang model at mukhang sya ang presidente ng mga gwapo.

"JC." At uminom ulit sya. Yun na yun?? Weird.

"Upo ka." Aya ni Lee sa akin.

"Tsk tsk tsk. Si Pres talaga. Sya pala si Jhon Carlo Ola. Sya ang President ng club natin. Ganyan lang talaga yan pero mabait yan."

"Tsk." Napalingon ulit ako kay JC at halatang nakikinig sya sa sinasabi ni Lee kahit hindi sya nakatingin.

"Sa Agriculture Department sya kasi maalaga yan sa halaman at mukha hindi lang halata sa kanya hahahahaha Model din sya sa isang sikat na magazine."

"Well, actually lahat kami Model." Sabi ni Riel habang kinakain nya ang pasta nya. Hindi ko na nagawang pumila kasi may mga pagkain ng nakahain. Iniabot sakin ni Mike ang isang Pasta palagay ko Carbonara to, at juice. "Salamat."

"Welcome"

"Kung gusto mong rumaket magsabi ka lang pwede ka namin isama sa studio kung gusto mo lang magmodel din. Palagay ko papasa ka naman kay Mamang. Momolestyahin este kikilatisin ka muna nun bago magshoot hahahahahaha." Napangiwi ako sa sinabi ni Jay. Nagtawanan naman ang mga kasama ko.

Napatango tango naman ako sa kanya. Nahihiya pa ako ng konte kasi baka isipin nila feeling close na agad ako. Kaya tango at ngiti muna ako. Mahaba pa naman ang school year para makilala ko silang talaga..

Aaahh. Napatingin ulit ako kay JC Kaya pala mukhang maalaga sa sarili at malinis tingnan. Ganun din naman sa mga kasama nya pero iba yung awra nya kaya sya ang pansinin sa grupo nato.

Nagkwentuhan na sila ng kung anu anu dahilan para hindi pa ako makasabay sa kanila kaya luminga linga ako sa paligid.

May mga kanya kanya itong grupo. May grupo ng mga sosyalin halata sa mga pananamit at mga gamit nila. Merong mga mukhang gangster hindi naman literal na may mga tattoo ganun, yung maaangas ba, mga nakacap na itim halos sila at yung isa nakaupo pa sa lamesa.

May mga normal na estudyante kung titingnan mo at meron din namang mga loner, meron ding mga grupo ng sexy na mga babae palagay ko mga cheerleader. Teka observant na yata ako masyado hahah

Napalingon ako sa may banda unahan ng may mahagip ako. Napa second look pa nga ako. Teka...

Sya yung..

Nakabangga ko kanina!!

Alam kong sya yun kahit nakatalikod sya kanina kasi sya lang naman ang may brown na buhok dito. Nangunot ang noo ko ng mapansing nagiisa sya. Sa gawi ko ngayon nakikita ko ng buo ang mukha nya.

Masasabi kong maganda sya, maputi, matangos ang ilong, at makapal ang mga labi pero bagay na bagay sa kanya at halatang yayamanin din. Malamlam ang mga mata na parang makakatulog na. At wala syang kasama sa lamesa o wala lang bumabalak. Anu pa nga ba eh mukhang karamihan sa school na to lahat mayayaman kaya ayaw nila magshare? Napabalik anh ulirat ko ng may sumiko sakin.

"Huuuy!!" Si Lee lang pala.

"Ha!" Napakamot ako sa batok ko. Nagulat din ako dun nasira ang paghanga at pagobserba sa babaeng brown ang buhok. Whaaat??!!

"Kanina kapa namin tinatanong. Sino bang tinititigan mo dyan at nakanganga kapa?? "

"A-anu ba yun?"

"Hahahahah. Kita mu nga naman baka pinana ni kupido!!" Komento naman ni Jay.

"Ahh wala wala. " Winagayway ko pa ang palad ko. Baka kasi pag nalaman nila nakatitig ako sa babae mapahiya lang ako.

"Naku alam na namin ang ganyang galawan. Sino dyan ang nakapag patigil ng mundo mo? Hahaha" Sabat naman ni Riel. Pansin ko tahimik lang kapatid nya.

"Ahhh." Napalingon ako sa babae kanina at nakita kong patuloy lang syang kumakain parang wala din pakialam sa mundo kagaya ni JC.

"Ayuuun!! Oh si Mahlia pala eh? Haha olats ka dyan pre walang makaporma jan! Hahaha "

Mahlia. Magandang pangalan kasing ganda nya. Hah!! Zairon anu bang sinasabi mo?!!

"Hindi nuh! Na-napansin ko lang na nagiisa sya." Nautal pa ako sh*t.

"Pare kahit naman sino pwedeng mapagisa diba? Pero iba ang tingin mo kay Mahlia eh parang lumagkit!! Hahaha" pasaring namang biro ni Mike.

Si JC naman iiling iling. Tsk

"Oo nga naman. Tsaka pare hindi ka tataluhin nyan. Hindi ka nyan sasagutin!! Pipi yan eh hahahaha". Sabi ni Jay.

Binatukan naman sya ni Mike.

"Gago!! Wag mo nga pagsalitaan ng ganyan pinsan ko!! "

Pinsan nya?? Sh*t nakakahiya nalaman nyang tinitingnan ko pinsan nya.. Aarghh Zairon nababakla kana naman!

"Totoo naman ah!!" Pabiro pa ni Jay.

"Tumigil na kayo." Sabi ni JC. Tumahimik naman sila. Pero masama pa rin ang tingin ni Mike kay Jay yung isa naman nakangisi lang. Si Riel at Reymark naman natatawa na lang sa kaibigan. At napaisip ako, Pipi? As in hindi nagsasalita? Literal? Bakit?

Anu ba yan? Bakit sa loob loob ko gusto kong malaman kung bakit? Anung nangyare sayo?

Napatingin ulit ako kay Mahlia, ganun pa rin sya walang reaksyon habang kumakain. Ang focus nya lang ay sa pagkain. Napalingon ako sa lamesa namin at hindi ko sinasadyang mapatingin sa gawi ni JC na masamang nakatingin sa akin.

Problema nito?

****************************

Iiihh, im done with my first part ;* oww gosh nagkabanggan na sila!! Hehehe

Please follow and read read read my story kung nagustuhan nyo message nyo lang ako hehehe..

It is not so easy but I will try my best. AJA!!!!

Belle_Labaguiscreators' thoughts