1 VDFIL 2: Struck Me

IA'S POV

"Wag kang kumanta. Hindi maganda boses mo."

Parang bumagsak ang panga ko sa narinig. Kapal ng apog ng lalaking ito!

"Hoy! Kung sino ka mang mayabang ka, wag kang mangialam sa pagkanta ko! Hindi porket hindi kita nakikita hindi na kita matatandaan! Yabang mo!" Sa inis ko ay patalisod-lisod akong lumakad palayo at tuluyang nilisan ang music room.

BRICE'S POV

Nasa labas ako ng music room nang may marinig akong kumakanta sa loob nito.

May bagong recruit kaya ang banda?

With her voice ay hindi naman maipagkakailang pwede siyang gawing lead vocalist ng isang musical band. And because curiosity struck me, kaagad akong pumasok ng music room at tinignan kung sino man yung kumakanta sa loob.

Hanggang sa I just found myself clapping at her. Hindi ko na pala namalayang pumapalakpak na ako sa kanya when I heard her voice closer.

"Sino po yan?" Tanong nito.

Hindi ako nakaimik. Hindi ko malaman kung papaano ko ipakikilala ang sarili ko sa kanya. Hanggang sa,

"Wag kang kumanta. Hindi maganda boses mo."

Ay, lintik ka Brice Mendez! Ba't mo sinabi yun?

"Hoy! Kung sino ka mang mayabang ka! Wag kang mangialam sa pagkanta ko! Hindi porket hindi kita nakikita hindi na kita matatandaan! Yabang mo!"

Then she suddenly turn herself back. Hindi ko malaman kung bakit pakapakapa yung babae sa music room habang tumatalikod at lumalakad palayo. Maybe she's blind dahil may dala-dala siyang tungkod.

"Hey, Brice." Bigla akong napukaw nang may marinig akong tumatawag mula sa likuran. And when I turn back, it's Alyson together with Flynn, ang drummer ng banda, si Devan, ang bassist, si Jaron, ang pianist, at si Kyan, ang gitarista ng bandang H4M. Na ika nga namin, Hearts 4 Music.

"Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala." - Alyson.

"I just heard somewa---"

"C'mon, guys! Let's rehearsed." Pamutol na usal sa akin ni Alyson. Kahit kailan talaga ang arte-arte ng babaeng ito.

Kaagad kaming sumunod sa kanya papasok ng music room. Si Flynn ay dumiretso kaagad sa pag-aayos ng drum set niya sa isang sulok samantalang si Devan ay kumagat at lumunok kaagad sa baon-baon niyang double layered sandwich. Kahit kailan talaga matakaw ito. Si Jaron naman ay napaupo nalang ng agaran sa isang silya habang abalang-abalang nakikipag-usap sa cellphone nito. Habang si Kyan naman ay senting-senti lang sa isa pang sulok while strumming his guitar playing his favorite song.

At ako? Eto, pumiwesto kaagad sa harap ng mic stand habang inaayos ang pagkakalagay ng mic dito na kanina lang kinantahan ng babae kanina.

Lumapit sa kinaroroonan ko si Alyson, ang second voice ng banda. Pa on and off kung sumali sa mga gigs namin. Ka duet ko minsan, pero mas madalas talaga akong sumu-solo dahil wala siya. Not fully dedicated nga sa banda namin. Ewan ko ba.

"Shall we start?" Tanong ko kay Alyson.

Ngunit kumunot lang ang noo at tumaas ang isang kilay nito nang tinignan niya ang mic.

"Teka, bakit isang mic lang yan? Paano ako kakanta? Lokong Tia talaga yun, ah! Hindi ginagawa ng maayos ang trabaho niya! TIIAAA!!! TIIAAA!!!" Umalingawngaw sa buong music room ang boses ni Alyson.

"Hey, Aly. Come down. You don't have to shout. Hindi kami nagkakarinigan ng kausap ko." -Jaron.

Tinignan ni Alyson si Jaron at inirapan lang niya ito.

"Who's Tia?"

Tinignan muna ako ni Alyson bago siya sumagot.

"K-ka-kapatid ko."

"Whoa. May sister ka pala? Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi tuloy ako nakapagkilala." - Flynn.

"You don't need to know her, Flynn. Actually, lahat kayo. You don't need to know Tia." - Alyson.

"Bakit naman?" -Devan.

"Basta. Anyway, she's not that important kaya hindi na kailangan pang makilala niyo siya."

"Siya ba yung bulag na naglilinis dito sa music room kanina?" -Brice.

Lumaki ang mga mata ni Alyson. "You already met her?"

"Not so. Nakita ko lang."

Hindi na umimik pa si Alyson at niliitan nalang niya ang mga mata niya.

"Why are you letting her clean this whole mess, Alyson? Bulag yung kapatid mo at sobrang mahirap yun para sa kanya. Are you torturing her?"

"Of course not! She's used to it anyway kaya madali lang yun para sa kanya. And besides, ginusto niyang gawin yun, kasi kahit daw papano may pakinabang siya. Wag mo akong pinapasama Brice, ha! You don't know our story. Maybe kilala mo ako, pero si Tia hindi mo pa siya masyadong kilala, ni hindi pa nga kayo nagkabanggaan ng landas, eh."

KYAN'S POV

"...ni hindi pa nga kayo nagkabanggaan ng landas, eh."

"Naku, pasensya ka na! Nasaktan ka ba?"

Nakatulala habang hawak-hawak ang gitara ay bigla nalang fumlashback sa alaala ko yaong babaeng nakabangga ko kanina.

So, she's Tia. I finally got her name.

ONE HOUR LATER

"Let's take a break muna." Usal ni Alyson.

Katatapos lang ng huling beat ng ilang round ng rehearsal. Paunti-unti ay mapeperfect na namin ang kantang ilang araw na din naming pinapractice.

"Fifteen minutes break tapos balik ulit tayo sa rehearsal." -Brice.

"Okay. Then I'll just go to the kitchen to get some snacks." Wika naman ni Alyson at tuluyan na siyang lumabas ng music room.

Dahan-dahan kong ibinaba ang gitara sa isang sulok at bahagyang inayos ang sarili. "CR lang ako." Tugon ko sa lahat.

Pagkasabi n'yon ay kaagad akong lumabas ng music room.

Habang papaliko na ako sa kaliwang sulok ng bahay ay bigla nalang akong napatigil. "Saan nga ba yung CR dito?"

Kamot-kamot ang ulo ay bigla nalang akong nagulantang nang may biglang humampas sa likuran ko.

"Aray! Aray!" Tanging sigaw ko dahil sa sobrang lakas ng pamamalo.

avataravatar
Next chapter