webnovel

Chapter 7

"Ngayon ko lubos naintindihan, dahil ang amoy na ito ay masyadong pamilyar sa ating uri. Kapatid, napakahusay. " Nakangisi pa nitong dugtong at mabilis na sinunggaban si Alex. Marahas nitong tinanggal ang tali sa kamay ng binata at mariing inamoy ang dugong halos bunalot na sa kamay nito.

"Napakabango." Wika nito at nagulat pa si Alex nang dahan-dahan nitong dinilaan ang dugo sa kanyang kamay. Nangilabot naman si Alex dahil sa ginawa nito. Ibig man niya iton itaboy ay wala siyang kalaban-laban rito. 

Samantala, patuloy pa rin sa paghahanap Si Celestia, halos malibot na niya ang buong kalsada ay wala pa rin siyang nakikitanag bakas ni Alex. Sa kanyang pag-iikot ay muli siyang nakaramdam ng pananakit sa kanyang kamay. Iyong tipong humahapdi iyon na animo'y nagsusugat dahil sa pagkakatali.

Tiningnan niya ang kamay niya at wala naman siyang nakitang sugat roon, ngunit malinaw sa kanya ang pakiramdam na iyon. 

Sa pagpapatuloy pa ng kanyang paglalakad ay napadpad naman siya sa isang presinto. Bigla niyang naalala ang pinsan ni Alex kung kaya, nagbaka-sakali siyang doon iyon naka destino.

Pagpasok niya ay agad na bumungad sa kanya ang mga kalalakihang naka-uniporme. May iilan na abala sa mga gawain nila at may iilan naman na nakatayo lang at nakikipag-usap. Inilibot niya ang kanyang paningin sa pagbabakasali na makita roon si Marcus, subalit mukhang magigung bigo rin siya.

Nang akmang aalis na siya ay bigla siyang mapahinto nang maamoy niya ang pabango na madalas gamitin ni Marcus. Lumingon siya at doon nga bumungad sa kanya si Marcus na papalabas pa lamang ng isang silid.

Mabilis niya iting nilapitan na halos ikagulat pa ng binata.

"Celestia, bakit ka nandito? May nangyari ba sa bahay?" Tanong ni Marcus.

"Hindi ko makita si Alex." Wika niya at napangiti lang si Marcus.

"Baka nasa trabaho pa. Alam mo naman minsan sa mga ganyang trabaho, pagmaraming tao, kailangan nilang mag-overtime." Mahinahong paliwanag ni Marcus at marahas na napailing si Celestia.

"Galing na ako sa trabaho niya, ang sabi ng isang kasama niya kanina pa daw siya nakauwi. Marcus, kailangang mahanap ko siya. Pakiramdam ko nasa panganib siya ngayon." Wika naman ni Celestia at kumunot ang nok ni Marcus. Mabilis niyang hinatak si Celestia papasok sa nilabasan nitong kwarto at doon bumungad sa kanya ang napakaraming malilit na animo'y television.

"Migz, kailangan ko ang tulong mo. Maari mo bang ma trace yung code ng relong hiningi ko sayo?" Agad na wika ni Marcus sa lalahing nakaupo sa harap ng mga television na iyon.

"Oo naman, teka sino ba yang kasama mo ? Bakit parang taranta kayo?" Tankng nito habang patuloy na tumitipa ang mga kamay sa keyboard ng kanyang computer. May kung ano itong inilagay doon na hindi maintindihan ni Celestia, at kitang kita niya ang paggalaw ng mga television sa harap niya. Nagbabago-bago ang lugar na nakikita niya.

"Nawawala ang pinsan ko Migz, siya ang may hawak ng relong iyon. Kailangan makita namin kong nasaan siya. " Tugon naman ni Marcus.

"Bingo." Wika ni Migz, makalipas ang ilang minutong paghahanap. "Teka bro, alam ko ang lugar na ito ah. Ito ang bahay ng isang mayamang businessman dito sa lugar natin ah. Naalala mo yung si Mr. Eleazar, napuntahan na natin to dati noong masangkot ito sa pagkawala ng isang estudyante na scholar umano niya". wika ni Migz at lalong kinabahan si Celestia.

"Eleazar? Nasa panganib si Alex." Sambit ni Celestia at nagulat naman si Marcus dahil noon lng niya nakita ang pagkatakot sa mata ng dalaga.

"Kilala mo ba ang Eleazar na yan? Matagal na namin siyang tinitiktikan."

"Hindi ako sigurado, pero kung tama ang hinala ko, nasa panganib si Alex ngayon. Marcus, sabihin mo sa aking kung anong lugar yan." Wika ni Celestia habang tinitingnan ang mga monitor sa harapan niya.

"Dito ka lang Celestia, kami na ang pupunta doon, masyadong mapanganib para sayo. " Wika ni Marcus at agad na tinawagan ang kanilang mga kasama. Agaran siyang nagpahanda ng search warrant upang kahit papaano ay may ipapakita sila mamaya sa mga tauhan nito.

Matiyagang naghihintay si Celestia ssa labas ng presinto. Dahil hindi niya alam ang lugar na iyon ay kailangan niyang hintayin si Marcus. Ilang sandali pa ay nakalabas na nga ang mga ito. Agaran na sila sumakay sa sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon.

Sapo-sapo pa rin ni Celestia ang kanyang dibdib habang maiging pinapakiramdaman ang sitwasyon ni Alex.

"Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako, pero si Alex hindi." Wika ni Celestia. Ramdam pa rin niya ang hapdi sa mga kamay niya at lalo iyong sumisidhi sa pagdaan ng oras. Ilang sandali pa ay nagulat siya nang makaramdam siya ng pagbaon ng pangil sa kanyang pulsuhan.

"Alex. Sandali na lang. " Wika pa niya habang hawak-hawak ang nasasaktan niyang kamay.

"Nandito na tayo. Magmasid muna tayo."

"Hindi pwede, kapag nagmasid pa tayo, mauubusan na ng dugo si Alex." Wika ni Celestia. At agad na lumabas ng kotse. Pilit man iyong pigilan ni Marcus ay nagulat siya sa lakas ng dalaga.

Patakbong pinasok ni Celestia ang lugar. Nanlaki ang mga mata ni Marcus at ng mga kasama niya nang makita nila ang pagtalon ng dalaga sa napakataas na pader ng lugar.

"Anak ng pating. Ano yun Pre, paano nangyaru yun?" Tanong ni Migz habang kusot-kusot ang mata.

" Di ko alam pre, walang -hiya, natakasan pa tayo ng babaeng iyon. Tara na " inis na sambit ni Marcus at bumaba na din sa sasakyan dala- dala ang warrant na inihanda niya.

Nang mapasok na nang tuluyan ni Celestia ang lugar ay doon bumungad sa kanya ang amoy ng dugo ni Alex. Nanlisik ang kanyang mata sa sobrang galit at dahil doon ay walang-awa niyang pinugutan ng ulo ang lahat ng ulipon at balrog na humaharang sa kanya.

"Ang tagapaslang, sabihan niyo si Panginoong Eleazar." Sigaw ng isang Balrog. Bago pa man ito makatagpo sa loob ng mansiyon ay gumulong na ang ulo nito sa lupa. Iyon ang inabutan nina Marcus nang tuluyan na silang makapasok. Hindi sila makapaniwala dahil parang halang ang kaluluwa ni Celestia habang patuloy na pinupugutan ng ulo ang mga taong naroroon.

"Celestia ano bang ginagawa mo?!" Sigaw ni Marcus. Hindi nila maintindihan kung bakit ginagawa iyon ni Celestia, isa lang ang alam nila, mali ito sa mata ng Diyos at mata ng Batas.

Akmang pipigilan niya ang dalaga nang biglang may sumunggab sa kanya na isang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang malahalimaw nitong wangis . Kulu-kulubot ang mukha niti habang namumula ang mga mata at may matutulis na pangil na nangingitim pa.

Nakipagbuno siya rito at doon lamang niya napagtanto na hindi basta-basta ang lakas ng kalaban niya. Wala siyang nagawa kundi ang bunutin ang kanyang baril at mabilis iyong ikinasa at pinaputok sa ulo ng kalaban niya. Tumalasik ang nilalang papalayo sa kanya at mabilis siyang tumayo ngunit nakita niyang muli ding tumayo ang kanyang kalaban. Kitang-kita niya kung paano mabilis na naghilom ang sugat nitong natamo sa noo.

"Naloko na . Hindi tao ang mga to. Mga kasama mag-iingat kayo, hindi tinatablan ng bala ang mga nilalang na ito. " Sigaw ni Marcus upang paalalahanan ang mga ito.

Napalingon naman sa kanila si Celestia, nakita niyang pinagtutulungan ng mga ito ang ibang ulipon na umatake sa kanila.

"Dapa." Sigaw niya sa mga ito na kaagaran naman sinunod ng mga kasamahan ni Marcus. Isang kisap-mata lamang iyon nang biglang lumitaw si Celestia sa harap nila at iwinasiwas nito ang dalang espada dahilang upang magsitalsikan ang mga ulo ng mga nilalang na dumudumog sa kanila.

"Walang ibang sandata ang makakgapi sa kanila. Hindi na dapat kayo pumasok pa. "

"Ano ba ang mga ito? Bakit hindi sila tinatablan ng bala. Ang mga zombie sa pelikula tinatablan naman ah." Tarantang wika ng isamg pulis. Mga maton sila sa harap ng tao ngunit dahil ito ang unang pagkakataong masabak sila sa ganoong sitwasyon ay tila nababahag ang kanilang mga buntot.

"Rick, pwede shut up ka nalang. Pelikula yun, hindi yun totoo. " Saway naman ng isa nolang kasama.

"Akin na ang mga sandata niyo." Utos ni Celestia. Walang pag-iisip na silang gianwa at agad na ibinigay ang mga baril nila sa dalaga.

"Alin dito ang tatama sa kalaban?" Tanong niya habang pinagmamasdang maigi ang mga baril sa harapan niya.

"Ang mga bala." Wika ni Marcus at isa-isang inalis nito ang nakasalpak na bala sa kanyang baril. Maging ang mga reserba ay inilagay na din niya sa harap ng dalaga.

"Ano bang gagawin mo diyan Celestia? Hindi mo naman siguro yan dadasalan ano?" Tanong pa ni Marcus na tila ba nahihiwagaan na sa dalaga.

"Wala akong alam na dasal. Pero may paraan para magawa niyong masugatan ang mga kalaban natin." Sagot ng dalaga. Walang anu-ano'y bigla nitong hiniwa ang kanyang palad at ipinatulo sa mga bala ang kanyang dugo.

Napanganga na lamang sa gulat ang mga ito dahil, kahit sila ay hindi nila kayang gawin iyon nang hindi pumipikit. Napapangiwi na lamang sila habang pinagmamasdan ang pagtulo ng dugo ng dalaga patungo sa mga bala nilang nandoon sa lupa.

"Kunin niyo ang mga balang iyan. Gamitin niyo para makaligtas kayo. Marcus, papasukin ko lang ang bahay na ito para kunin si Alex. Sigurado na akong nandito siya. " Wika niya sa mga ito. Wala na siyang sinayang na oras at mabilis na nilisan ang mga kalalakihan.

Napatingin lang si Marcus sa mga kasama bago mabilis na dinampot ang kanyang maga balang ngayon ay nababalot na ng dugo ni Celestia.

"Sigurado ka ba diyan pre,parang ayokong hawakan. " Tila nadidiring wika ni Rick.

"Rick, parang hindi ka pulis ah, dugo lang yan. " Saway ni Marcus. Matapos itong maisilid sa kanyang baril ay agad niyang pinaputukan ang isang nilalang na papalusob sa kanila. Lahat sila ay nagulat dahil sa biglaang pagkaabo ng nilalang matapos na tumagos rito ang bala ng baril ni Marcus.