webnovel

Unveiled Love

Romance Lovestory of Ivanna Aragon and Ares Campbell

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
28 Chs

Chapter 6

"Ate, Malalate na ako!"

"Mama si ate hindi parin nagising!"

Iyon ang una kong narinig pagkagising ko. Ang sigaw ng letse kong kapatid.

Mabilis na tumayo ako at ngayon lang din napansin na mag-aalas otso na!

Nagmamadaling lumabas ako at nakitang handa na ang pag-alis ni karius.

"Mama, malalate na po ako! Si ate mabaho pa!" Sumbong nito.

"Bakit kasi naginom kapa kagabi, iha..at tignan mo, iba pa ang naghatid saiyo. Sino ba yung lalaki? Si akes ba iyon o ares?"

"Si kuya ares po, mama?" Sulpot ni karius.

"Oo siya nga iyon."

Nagulat ako sa tanong ni mama. Ngayon ko lang din naalala na hinatid pala ako ni ares kagabi dito!

At ang bad timing pa nun, kasi inaantok na ako sa kotse niya. Ni hindi ko man lang siya napapasalamatan. Pumasok na kasi agad ako at si mama na mismo ang kumausap sakanya kagabi.

"Mama, ano ba ang sinabi mo sakanya kagabi?"

"Naku! Nahiya pa ako. Sabi niya huwag na raw kitang papayagan sa susunod."

Nagulat ako. Sinabi niya iyon kay mama?

"At ano pong sabi niyo?"

"Naku! Wala akong masabi. Pagkakaalam ko kasi may-ari iyon ng campbell corp! Mayaman pala iyon, Ivanna. At ang gwapong bata pa."

Hindi ako kumibo at pilit na inalala ang nangyari kagabi.

"Iyan ang karenderya namin. Punta ka dito ha para naman matikman mo mga luto ni mama."

Iyon lang ang naalala ko. Basta pagkatapos ng usapan doon na ako nakaramdam ng pagkaantok!

At shit! Malalate na ako sa klase. Hindi nalang siguro ako papasok sa unang klase, kay sir jon.

"Mama, magdadala parin ako ng tatlong ulam, pero ibang putahi naman." Sabi ko.

"O, sige. Ako nalang maghahatid sa kapatid mo at mahuli kapa sa klase. Si meneng nalang muna magbabantay sa karenderya natin."

Tumango ako.

"Mama, si kuya ares lang bibigyan niya sa pagkain na iyan." Narinig kong sabi ni karius kahit nakalayo na sila ng kaonti saakin.

"Karius!"Sigaw ko pero binelatan lang ako.

Tinignan ko rin ang cellphone at halos tinadtad ako nang texts at tawag ni stefan kagabi. Mabilis na naligo ako at nagbihis.

"Stefan, kita nalang tayo sa cafeteria. Hindi na ako makakapasok saunang klase."

Agad na sinend ko iyon. Bago ko pa maibaba ay tumunog at nagring agad ang cellphone ko.

Mabilis na sinagot ko ito.

"Ivanna!" Bulyaw niya mula sa kabilang linya. Inilayo ko namn iyon ng konti. "Nasaan ka kagabi? Halos mabaliw ako kakahanap saiyo! At kung hindi lang ako tinawagan ni ares hindi ko malala—"

"Pwede ba, mamaya nalang tayo mag-usap. Nagmamadali ako, e!" Umirap ako sa kaartehan niya. Akala mo naman hinanap talaga ako. Ni hindi niya na nga ako pinansin kagabi dahil sa krish jart na iyon!

"Talaga lang. Bilisan mo. Bye na andito na si sir jon ko." Sabi nito at binabaan na ako ng tawag. Ambastos talaga. At hindi ata siya mauubusan ng lalaki sa mundong ito!

Nagkita agad kami mi stefan sa cafeteria pagkatapos ng unang klase. Walang discussion ang nagaganap dahil malapit na ang event sa school. At paniguradong baka bukas ay magsisimula na ang practice namin para sa cheering.

"Kinuha ka ni ares?"

"Oo!" Mayabang na sabi ko.

"Akala ko ba umuwi na siya kagabi?" Tanong niya.

"Baka hinintay talaga ako." Tumawa ako. Inirapan niya naman ako. "Ito oh, as I promised, dinalhan kita ng adobo. Paborito mo ito, 'diba?" Mabilis na binigay ko ang dala kong ulam para sakanya.

Tatlong putahi rin ang dinala ko para saamin ni ares. Pancit, caldereta at eskabetche.

"Buti naman at dinalhan mo na ako! Ang sarap talaga magluto ni tita eva."

"Alam mo kagabi, feeling ko parang sinusundo ako ng boyfriend ko." Sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Ang kapal mo, ivanna." Umikot ang mata niya. "Sa susunod naman magpaalam ka saakin. Ako mapapagalitan ni tita nito, e!" Tinukoy niya si mama.

"Diyan ka na nga lang at darating na si ares. Uupo na ako doon sa dulo." Sabi ko at mabilis na tumayo. Umapela si stefan sa ginawa ko pero hindi ako nagpatinag at diritso na ang lakad ko doon.

Malapit na ang susunod kong klase pero wala parin siya dito.

Tumingin ako kay stefan at nakita ang pagbukas ng bibig niya.

"Ano na?"

Umiling-iling ako sakanya at inirapan siya. Inilabas ko ang cellphone ko sa mula sa loob ng bag at nagtipa ng mensahe para sakanya.

"Nasaan kana?"

Busangot na ang mukha ay ibinababa ko ulit ang cellphone ko. Iritang-irita na ay padabog na binuksan ko ang mga ulam. Baka may ginawa pa iyon? O dikaya..alam kong darating yun!

Nasaan ba iyon? Nakakainis naman! Talagang hindi ako kakain, hangga't hindi siya magpapakita rito!

Napahinto ako sa ginawa ko nang pumasok ito. Hindi siya nagiisa at kasama niya ang isang babae na hindi ko makilala. Magkasingtangkad lang sila. Maputi ang babae at lumilipad ang maalon niyang buhok. Hindi ko rin maiwasang pagmasdan ang dala-dala niyang gucci bag. Binaling ko ang atensyon ko kay ares at nakitang nakangiti na nakikipag-usap ito sa babae.

Alam niya palang ngumiti pero hindi man lang niya iyon pinapakita saakin!

Agad na binalot ako ng iritasyon at pagkainis.

"We'll talk later in the office, amanda." Ngumiti si ares at nagpaalam na sa babae na iyon.

Nagtama ang tingin namin at nakita kong nawala na ang ngiti sa labi niya. Umiwas ako ng tingin at yumuko.

"I'm sorry, I'm late. May ginawa lang ako." Sabi nito at umupo na sa harapan ko.

Hindi ako kumibo. Kita ko nga, e. Busy ka sakanya. Pakiramdam ko sobrang iba ng pakikitungo niya saakin. Kung mayaman ba ako, baka ganoon din siya makikipag-usap saakin?

Biglang nahiya ako sa mga pinanggagawa ko. Bakit ko nga ba siya dinadalhan ng ganito?

Can you see, Ivanna, May-ari sila ng campbell corp at isa rin siya sa pinakamayaman dito sa university.

Dahil sa halo-halong emotion at negatibong pag-iisip ay mabilis na kinuha ko ang mga dala kong pagkain at padabog na sinara iyon.

"What are you doing?" He asked.

Hindi parin ako nagsalita at pinagpatuloy ang ginawa.

"Ivanna." He demanded.

Mabilis na umangat ang ulo ko dahil sa kauna-unahang pagtawag niya sa pangalan ko. That pissed looked on his face made my heart flutter.

Nababaliw na ata ako at kahit ang pagiging suplado niya ay nagugustuhan ko.

"Ayokong napipilitan ka sa mga binigay ko. Baka nga naawa kapa. Tsaka, sige na, umalis kana may pag-uusapan pa kayo, 'diba?" I asked like it was a sarcastic question.

He lowered his gazed at me. Umigting rin ang kanyang panga na tumitig saakin.

"I didn't say anything, Ivanna." Pagalit na sabi niya.

Buti naman at tinawag niya na ako sa pangalan ko. Dapat pala dalasan ko ang pagtatampo.

"You're a campbell. Hindi bagay saiyo ang mga ganito."

Hindi siya nagsalita sa sinabi ko, kung hindi kinuha niya ulit ang isinara kong ulam at binuksan iyon isa-isa.

Ngumuso ako. My heart pounded so hard.

Seryosong nilapag niya iyon at sinimulan na ang pagkuha sa pagkain. He didn't say anything. Nang mapansin ang paninitig ko ay huminto ito.

"Eat." Tipid na utos niya.

Sinunod ko naman agad ang utos niya. Hindi ko mapigilan ang pag-angat ng labi ko. Tumingin rin ako sa direksyon ni stefan at nakita ang pagkuha ng litrato niya. Namumula nga siya at natutuwang pinagmasdan kami.

Binelatan ko siya.

Mabilis na napaupo ako nang maayos nang makita ni ares ang ginawa ko. Shit..

Inayos ko ang sarili ko at tumingin sakanya.

"Uhh..salamat pala sa paghatid mo kagabi." Sabi ko.

He stopped and looked at me.

"You having fun last night, huh?" He smirked. Nagulat ako.

"Hindi nga, e, kasi hinatid mo agad ako." Sagot ko.

"Really?"

Pakiramdam ko ang sarcastic ng mga sagot niya saakin. Hindi narin siya nagsalita at pinagpatuloy ang seryosong pagsubo ng pagkain.

Mag iisang oras rin ay natapos kaming dalawa. Nagpaalam narin si ares saakin. Hindi man niya sabihin ay alam kong mag-uusap nanaman sila ng babaeng yun. Sino naman kaya yun? Sigurado akong may gusto sakanya yun!

Maganda parin ako doon.

Nagpaalam narin ito and as usual hindi parin ito nagpasalamat saakin. Sabagay, kabayaran narin iyon sa paghatid niya saakin kagabi.

Nagsimula narin ang practice namin for cheering sa loob ng gym. Hindi ko naman maiwasan ma excite.

Sa susunod na araw ay iyon lang ang ginawa namin. Tatlong araw na kami nag papractice para sa magaganap na event. Hindi rin kami nagkasama ni ares sa tatlong araw na iyon dahil busy narin ito para sa championship ng game nila. Pero kahit ganoon ay tinetext ko parin siya. Buti nga at nirereplayan ako.

Hindi ko rin siya tinanong doon para sa game at hindi niya rin alam ang tungkol sa pagchecheering ko.

I know he will be surprise.