webnovel

Untold Truth (Prologo)

Sa magkahalong pagal na katawan, pagod na utak, amoy ng nakukulong na usok ng sigarilyo na kumapit na sa kaniyang katawan, ito ang mga bagay-bagay na patuloy na nagpapahiwatig ng mga katotohanan sa kaniya. Sa tinagal-tagal nga'y hindi na niya mawari ang kaibahan sa pakiramdam ng nag-iisa at pakiramdam na may iba't-ibang tao kang nakakasama ngunit para ka pa rin nag-iisa...

Sa napagtantong isipin, hindi na naman niya mapigilan magwala ang kalooban niya. Dangat nga lang siya lang naman ang nakakarinig at nakakadama ng lahat ng sakit. Buong ingat niyang wala ni katiting na maririnig ang bawat lalaking nakakasama...

Sa kwartong may mainit na singaw, pigil hininga niya pinagmasdan ang nakahigang sarili sa malaking kwadradong salamin na nasa harap niya. Sa lubos na awa na nakikita siya sa sariling mga mata, agad niyang tinakpan ng manipis na puting kumot ang katawan niya. Na alam naman niya na kahit anong tago ang gawin niya'y patuloy pa rin nasisilayan ng iba't-ibang mata. Sa salamin din, nakita niyang mabilis na nagbihis ang lalaking ngayon niya lang nakita.. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nasanay nalang siya sa mamahaling gamit, mayamang pananamit at iba't-ibang amoy ng pabango ng lalaki ang tumatambad sa kaniya. Sana'y na siya, o nasanay na lang siya.

Biglang nag-ring ang cellphone ng lalaking hindi niya kilala. At base sa naulinigan niya, malakas ang hinala niyang pamilya ito ng lalaki.

Habang galit ang asawa nito sa kabilang linya, siya namang pag-aamo ng sinungaling na lalaking kasama. Hindi na niya mabilang sa daliri kung ilan na ba ang ganitong senaryong narinig niya. Nakasanayan na rin niya.

"Nag text na 'ko kay Derek." Ika nito matapos patayin ang maingay na tawag. Habang patuloy na nagmamadali at mabilis na nag pantalon, halos patapon nitong binigay ang tip sa serbisyo niya para sa gabing ito. At walang limang minuto'y lumabas na rin ito ng kwarto.

May trabahong mas nakaka-baba pa ng dignidad bukod sa ginagawa niya?, alam niyang wala na kaya pikit mata na lang niya'ng hinagap ang tip habang may pag-aasam na sana'y sapat na yun para sa gamot na kailangan ng step brother niya. Dahil ang ang totoong kinita niya sa bawat serbisyo na binibigay niya sa buong linggo'y tuwing sabado niya makukuha. Si madam Luche na mamasang nila ang kumukuha ng kabuuan ng bayad para sa isang gabi na pwede siyang makasama. Bago nito maibigay ang sweldo niya, kailangan muna nitong makuha ang parte na para rito.

Magkailang katok ang nadinig niya mula sa labas. Marahil ay si Derek na ito. Ang kanang kamay ni Madam Luche. Ipinapahiwatig lang ng mga katok nito na tapos na ang serbisyo niya at kailangan na siyang ihatid pauwi nito.