webnovel

UNTIL WHEN

dafloxe · Fantasy
Not enough ratings
37 Chs

I got it

Samantalang si Lola at lola Flory ay may pangiti-ngiti naman.

"May pa sorry sorry pang nalalaman." bulong ko.

"Eh? May gusto po ba kayo sa lalaking yan lola at lola Flora?" pangbasag ko sa malawak nilang ngiti habang tutok pa rin sa TV.

"Sshhh manood ka apo." sabay nilang sabi na pangbabalewala sa sinabi ko.

Nakakairita man talaga pero binalik ko pa rin ang tingin ko sa TV dahil hawak ako nila lola at talagang pinilit nila akong manood kaya sige, pagtiisan nalang ang pagmumukha ng Danny na yan.

"Ngayon lang po namin nalaman na dalawa ang tawag niyo kasi kami we all call her Doña." magalang na tanong ng isang babae pero hindi na kita kung ano itsura dahil kung kanina ay dalawang hati na may part sa mga reporter at kina ate Merly pero ngayon focus nalang talaga sa kanila kaya wala ng makikitang reporter.

"Doña Fetherston hates it when we call her Doña inside the mansion at mas gusto niyang señora kaya nakasanayan na rin. Sino ba naman kasing may gustong tawagin kang Doña, right? We all know naman na kapag sinabihan kang Doña dito sa Pilipinas ay isa kang tamad" maikli at mabilis na sagot ni ate Merly. Seryoso si ate Merly habang sinasabi ang mga ito pero para sa mga nakikinig ay isang katawatawa.

Matipid na ngumiti lang si ate Merly bilang pagresponde sa pagtawa nila, senyales yan na nagmamadali na siyang matapos ang interview nila dahil gabi na at ilang oras nalang 8 pm na at yan ang oras ng dinner time namin dito sa mansyon na for sure ay hindi na sila makakaabot.

"Sa nangyari kahapon kung saan nalaman naman na ninyo na nahuli na rin kung sino ang nagkalat nito. Unfortunately nalaman nating wala talaga silang kaalam alam. Binayaran lang sila para gamitin ang computer shop nila in just 1 month at kung sino man talaga ang nasa likod nito ay wala pa po kaming idea. Ang gusto lang po naming sabihin kaya pinaunlakan namin ang interview na 'to ay upang ipaalam sa publiko na si Miss Mcain ay buhay na buhay. Ito ang isa sa mga rason kung bakit hinayaan ni Doña Fetherston na itago niya ang pagkatao nito dahil sa mga insidenteng ganito. Alam nating lahat kung gaano kalawak ang kapangyarihan nila, we should all be thankful na dito sa Pilipinas nila napiling mamalagi at dahil dito ay kilalang kilala ang ating bansa. Dahil din sa dami ng koneksyon nila sa iba't ibang bansa, ganun din kadami ang mga taong gustong makuha ang kinaroroonan nila. Sa nangyari din palang pagsang-ayon ni Carter ay hindi rin po totoo, na hacked din po nila ang cellphone nito. Maghintay lang po tayo at baka sa darating na mga araw ay makikilala na rin po ninyo si Miss Mcain. Salamat po." pormal nitong sabi at saka sila sabay na tumayo ni ate Merly.

"Yun lang lola?" tanong ko kay lola na tumayo na sa pagkakaupo at ganun din si lola Flory.

"Sinabi kong 'wag magsabi ng gaanong detalye iha. Kahit simple lang ay ayos na basta sinabi nating buhay ka ay ayos na yun dahil yun talaga ang punto ng interview - ang makumpirmang buhay ka." paliwanag ni lola.

"Tara na at ng makapagdinner na tayo. Hintayin na rin kaya natin sila?" sabi naman ni lola Flory.

"Ai oo, mas mabuti pa nga. Mag ayos ka na apo at mga kalahating oras ay baka nariyan naman na sila." sabi naman ni lola at saka sila tuluyang umalis.

Yes, knowing Danny, mabilis yun magdrive. Madalas sumabay sa kaniya si Kayra sa paglabas ng mansyon at pag-uwi kasi habang kumakain na kami ay sabay silang dumarating at sinasabi nila lola na nakipagkarera na naman siguro sila.

"Congratulations Crystal" rinig kong sunod-sunod nilang bati habang palapit akong dinning.

"Champion sa laro nila kanina si Crystal iha! At dahil siya ang nanalo, mas madali nalang natin siyang kunin para sa isa sa magiging model ng sportswear natin." sabi ni lola habang paupo na ako.

Tiningnan ko si Crystal na sobra ang ngiti niya.

"Congratulations kung ganun. Okay na ba sayong kunin kang model?" maligaya ko ring pagbati at saka kumuha ng makakain.

"Oo yan, halatang halata naman sa mukha eh." sabay na sabi ni Mix, Kyla at Kayra na ikinatawa namin.

"Inggit lang kayo." pagbalik sagot naman ni Crystal na hindi nalang pinansin ng tatlo at ngumisi nalang.

Madalas kaming ganito sa hapag kainan, parang isang pamilya kahit na hindi kami ganun kalapit sa isa't isa.

"Bakit pala wala pa dito sina nanay Flora?" tanong ko ng mapansin kong walang nakaupo sa upuan niya dahil maliban kay ate Merly at Danny ay sila nalang ang wala pa.

"Sinusumpong na naman kasi si Maro. Iyak na naman ng iyak, hinahanap si ate Merly." pagsagot sakin ni Olena.

"Ganun ba. Sige puntahan ko lang" pagpapaalam ko sa kanila kasi kawawa naman si nanay Flora kasi kung kanina pa umiiyak si Maro siguradong pagod na siya.

May pagkasuplado pa naman ang batang yun at ayaw niyang kinukuha siya ng iba maliban nalang kay nanay Flora, tatay Roman, at ako ang nakakapagpalayo sa mama niya.

Kami lang ang nakakabuhat sa kaniya dahil kapag kukunin siya ng iba ay mas lalo itong iiyak, depende nalang kung maganda ang mood nito.

Ayaw niya rin kay lola kaya hindi na rin siguro ako pinigilan kasi alam niyang ako lang naman ang makakatulong kay lola Flora kapag umiiyak ito.

Palapit na ako sa room nila ni ate Merly at dinig ko ang malakas na pag-iyak nito.

Tinignan ko ang relo ko at 15 minutes nalang ay narito naman na siguro sila ate Merly.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Oh naparito ka iha. Ainako at pasensya ka na at sinusumpong na naman ang batang 'to oo." bungad sakin ni lola Flora pagkakita sakin habang buhat buhat si Maro at inaalo ito.

"Naku lola magpahinga na po kayo. Hayaan niyo po at akin na si Maro. Pinagpapawisan na din po kayo." pag-aalala ko dahil kahit naka aircon sila at sakto lang ang temperatura nito ay hindi naman dapat pagpawisan ito.

"Oh sha at salamat iha. Masakit na rin kasi ang braso ko at bewang sa bigat ba naman ng apo ko" nakangiting sabi ni lola Flora habang inaabot sa akin si Maro.

"Narinig mo yun Maro? Mabigat ka daw sabi ni lola mo kaya dapat 'wag ka ng umiyak." pangaral ko kay Maro na tinitignan nalang ako. Ang totoo niyan ay tumigil na ito sa pag-iyak pagkarinig pa lang ng boses ko kanina.

Nakakatuwa naman at mukhang mahal na mahal ako ng batang 'to.

"Naku naku.. ikaw ata ang hinihintay ng batang yan at hindi ang mama niya" pagkomento ni lola Flora na nagpupunas na ng pawis.

"Oo nga po ata 'nay eh." natutuwa kong pagsagot kay nanay Flora at saka lumakad malapit sa bintana nila kung saan matatanaw ang kalsada papuntang mansyon.

"Tumawag pala ang tatay Roman mo kanina iha. Maganda daw ang kinalabasan ng binigay mong lupain sa mga magsasaka sa probinsya ng Baay. Marami din daw silang pinadalang mga prutas lalo na ang paborito mong orange at ubas." ani nito. Pinagmamasdan niya ako habang buhat-buhat ko si Maro.

"Mabuti po kung ganun 'nay. Kumakain na po pala sila lola kaya lumabas na din po kayo at kumain. Hihintayin nalang po namin sila ate Merly dito at siguradong malapit na din naman sila." at sakto namang sa kalayuan kung nasaan ang mga naglalakihang puno ay kitang-kita ko na ang mabilis na pagpapatakbo ng isang sasakyan.