webnovel

Until We Meet Again Book I: 1903

Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperanza ay isang mabuti, mahinhin at maalagang babae mula sa taong 1903 at si Elyca isang masungit, spoiled at mayamang babae mula sa taong 2018, ating alamin kung ano ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa at ano ang mangyayari sa pagibig na meron sakanila.

Hephaestus4 · History
Not enough ratings
32 Chs

KABANATA XVII

"Saksi ang mga tala at ang rosaryong ito sa pangako kong ikaw lang ang tangi kong iibigin, saksi ang lahat ng halaman na narito sa pangako kong ako'y saiyo lamang at ako'y mananatiling tapat saiyo" iniabot ng lalaki ang rosaryo sa babae

"Kung gayon saksi ang lahat ng narito at ang rosaryong itong mula saiyo na mamahalin din kita ng tapat at walang hanggan" tugon ng babae sa lalaki, nasa may parola silang dalawa ngayon, nababalot ng dilim ang buong paligid at ang ilaw ng parola ang nagsisilbing liwanag sa kailaliman ng gabi, masaya ang dalawang magirog sa gabing ito na parang walang iniindang kahit anong bagay, masaya silang pinagmamasdan ang mga tala sa kalangitan, dinadama ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sakanilang mga balat, pinapakinggan ang huni ng dagat na humahampas sa mga malalaking bato sa may dalampasigan. Masayang masaya ang magirog ng biglang nagkaroon ng hindi inaasahan na pangyayari

"BITAWAN NIYO SIYA AMA!" sigaw ng babae habang patuloy ang kaniyang pagiyak, hawak siya ngayon ng mga guardia civil pati ang kaniyang lalaking iniibig ay hawak din ng mga ito

"Dalhin niyo na sa Casa ang aking anak!" galit na utos ng ama ng babae sa mga guardia, bago siya tuluyang pilit hilain ng mga guardia ay muling nagkahawak ang kamay ng babae at ng lalaki, hawak din ng babae ang rosaryo ng mga oras na iyon kaya kasama sa nahila ang rosaryo at ito ay napigtas, hinila siya ng mga guardia at agad siyang isinakay sa kalesa, pilit kumakawala ang babae ngunit hindi siya nakawala mula sa pagkakakapit ng mga guardia, wala siyang nagawa kung hindi sumama na lamang at tanawin na lamang ang lalaking iniibig mula sa loob ng kalesa habang patuloy na umiiyak dahil hindi niya alam ang maaaring mangyari sa lalaking iniibig niya. Pagkalayo ng kalesa ng babae ay suntok at sipa ang inabot ng lalaki sa ama ng babae, ginulpi at binugbog siya nito na para bang hindi tao, pinahirapan niya ito ng lubos na halos pumutok na ang labi ng lalaki dahil sa sobrang pagkabugbog sakanya, nanghina ang lalaki at napaluhod pero patuloy pa din sa pagbugbog ang ama ng babae sa lalaki sinabayan din ito ng mga guardia. Napahiga sa sobrang sakit ang lalaki na walang nagawa kung hindi saluhin lahat ng sipa at suntok na binibigay sakanya.

"Tigilan mo na ang aking anak!" sigaw ng ama ng babae

"Hi-hindi k-ko po titigilan ang iyong anak dahil mahal ko—" hindi natapos ng lalaki ang kaniyang sasabihin dahil binugbog siya ulit ng ama ng babae

"Ka-kahit gaano p-pa kadami ang sipa at suntok na i-ibibigay niyo saakin, ang pagmamahal ko sainyong anak ay hinding hindi mawawala sa pu-puso ko" hingalong sabi ng lalaki

"Talagang matigas ang ulo mo ha! Eh kung barilin na kaya kita para tumahimik ka na at itapon ko ang katawan mo sa dagat ng walang paglamayan ang pamilya mo!" sagot ng ama ng babae sa lalaki

"Ka-kahit an-anong gawin ninyo saakin ay hinding hindi ako susuko kahit sa kabilang buhay ay mamahalin ko pa din ang inyong anak" sagot ng lalaki sa ama ng babae, muli siyang binugbog ng ama ng babae at ng mga guardia, pagkatapos ay iniwan siya doon sa parola ng bugbog sarado, lumipas ang isang linggo sinubukang dumalaw ng lalaki sa bahay ng babae ngunit wala daw ito doon, pinadalhan niya ito ng liham ngunit hindi siya nito sinagot, naghanap siya ng paraan upang makausap man lang ang babae ngunit walang nangyari, lumipas ang isang taon ngunit walang maski liham ang dumarating sa lalaki na patuloy pa ding naghihintay. Isang araw ay napadaan siya sa simbahan upang magdasal at manghingi ng kasagutan napansin niya na mayroong ganap sa simbahan ngunit pagdating niya sa loob ng simbahan ay hindi niya inaasahan ang kaniyang makikita, laking gulat niya at nahulog niya ang kandilang hawak niya dahil ang kinakasal sa loob ay ang babaeng pinangakuan niya ng pagmamahal na walang hanggan, ang babaeng minahal niya ng higit sa lahat, at ang babaeng nikailanman ay hindi niya nagawang pagpalit sa iba. Naupo siya sa pinakalikod na upuan ng simbahan habang pinagmamasdan ikasal sa iba ang babaeng minahal niya ng sobra, hindi niya napigilang tumulo ang mga luha sakanyang mga mata, mas lalo siyang lumuha ng makita niya ang babaeng pinakamamahal niya na halikan ng ibang lalaki sa harap ng altar, patuloy ang pagtangis niya, patuloy na nawawarak ang puso niya sa kaniyang nakikita. Pagkaharap ng dalawang ikinasal ay nagtama ang mga mata ng babae at lalaki, nagulat ang babae at napatigil ng bahagya ng makita niyang akmang lalapit ang lalaki ay ibinaling niya ang atensyon niya sa mga taong lumalapit sakanila ng mapansin ng lalaki na ibinaling babae ang atensyon niya sa iba ay tumigil ito sa paglalakad papunta sa altar, patuloy pa din siya sa pagiyak, yumuko siya sinarado ang mga palad at dahan dahang tumaliko at naglakad palabas ng simbaha, muli siyang nilingon ng babae at nakita ng babae ang pagalis ng lalaki palabas ng simbahan bakas sa mukha ng babae ang lungkot na nadarama ngunit hindi niya iyon tuluyang maipakita dahil nasa tabi niya ang asawa niya at nasa harap niya ang kaniyang pamilya kaya wala siyang nagawa kung hindi itago sa mga ngiti ang sakit na nadarama.

Paglipas ng dalawang linggo.

Bumuti na ang lagay ni mama, dalawang linggo na din ang nakakalipas mula ng nalason siya, nalaman na din namin kung anong pagkain ang nakain ni mama kaya siya nalason, nakakain siya ng isang kakanin na nabili niya mula sa naglalako sa labas ang sabi ni Doktor Gustavo ay mayroon daw na nahalong halamang nakakalason sa kakanin na iyon kaya ganoon na lamang katindi ang pagkakalason ni ina, sa ngayon ay sinusubukan na naming hanapin ang taong napagbilhan ni mama ng kakanin, isa daw itong matandang lalaki, moreno, manipis ang buhok, at may pagkasingkit. Gusto namin siya mahanap para malaman naming kung ano ang lason na nakalagay sa binebenta niya at kung saan niya ito nakuha, at hanggang ngayon ay patuloy kaming nagsasaliksik kung mayroon pa ba siyang ibang nalason o wala na. Abala ako ngayon at si Leonor sa paghahanap ng sagot sa mga katanungan namin ng biglang dumating si Padre Azul sa casa lulan ng kalesa, wala siyang ibang kasama kung hindi ang kaniyang kutsero. Pinapasok naming siya sa loob ng casa at pinaupo sa salas, binigyan ng mainit na tsokolate at pan (tinapay) na kami mismo ang naghurno (bake).

"Kumusta ang lagay ng inyong ina?" panimula ni Padre Azul

"Bumubuti na po ang kaniyang lagay Padre, tiyak akong matutuwa ang ina pag nalaman niyang binisita niyo siya, medyo nahihirapan na po siyang magsalita at tuluyan na pong lumabo ang kaniyang mga mata Padre, kumusta naman po kayo Padre?" sagot ko kay Padre Azul

"Maayos naman ang aking kalagayan, mabuti naman at bumuti na kahit papaano ang iyong ina, nawa'y tuloy tuloy na ang kaniyang paggaling, tila abala kayo ngayon"

"Opo padre hinahanap po namin ang nakalason kay ina padre para mabigyan ng kasagutan ang mga bumabagabag sa aming isip"

"Kung gayon ay baka makatulong ako sainyo sabihin niyo lamang at tutulungan ko kayo"

"Ganoon po ba padre? Naku po maraming maraming salamat po, tiyak na matutuwa ang ina pag nalaman niya"

"Walang anuman, sana ay mahuli ang may sala, huwag kayong mag alala bukas na bukas din ay kikilo ako upang mahanap ang hinahanap niyo, siya nga pala naibigay mo ba saiyong ina ang rosaryo?"

"Opo Padre, kahit hindi siya gaanong makapagsalita pa ay bakas ang pagkagulat at pagkataka sakaniyang mukha, pinilit niya din akong tanungin kung kanino galing ang rosaryo nang sinabi ko pong galing saiyo ay naluha po siya, hindi ko po alam kung bakit pero ramdam ko po na may kung anong dahilan kung bakit siya biglang nagkaganoon"

"Maraming salamat muli Esperanza, nasaan nga pala ang inyong ina?"

"Nasa cuarto po siya padre natutulog, gusto niyo po ba siyang bisitahin?"

"Maaari ba?"

"Opo padre, tara po sasamahan ko po kayo papunta sakanyang silid" sinamahan ko si Padre Azul papunta sa cuarto ni mama, natutulog pa din si ina pagkabukas ko ng pinto, lumapit si padre kay ina at umupo sa silya na nasa gilid ng kama

"Mukhang malubha talaga ang pagkakalason sakaniya"

"Tama po kayo Padre pumayat nga po ng sobra si mama, kaya po sa tuluyan niyang paggaling ay bibigyan po namin siya ng maraming masusutansiyang pagkain upang bumalik ang lakas niya"

"Bueno kung gayon para naman makakilos na siya at makapagikot ikot"

"Sige po Padre maiwan ko po muna kayo dito, tawagin niyo na lamang po ako o an gaming ayudante kung may nais po kayo, tutulungan ko lamang po si Leonor sa baba"

"Sige, mamaya din ay aalis na ako, sandali lamang ako hindi din ako magtatagal" iniwan ko muna si Padre Azul sa loob ng cuarto ni ina at bumaba upang tulungan si Leonor at ang ilan naming ayudante

"Kumusta na Teodora?" mahinang sabi ni Padre Azul habang hawak niya ang kamay ni Doña Teodora "Kay tagal na nating hindi nagkita, nagkita nga tayo ngunit ito tulog ka at may sakit" dahan dahang tumulo ang luha ni Padre Azul "Kung alam mo lang kung gaano ko katagal hiniling na makita at mahawakan kang muli, akala ko hindi na iyon matutupad pa, akala ko hindi na pero ito narito ako ngayon hawak ang iyong kamay" patuloy sa pagtangis si Padre Azul habang hawak niya ang kamay ni ina at inilagay ito sakanyang pisngi "Matagal kong hinangad ang araw na ito aking Teodora, sana noon pa man ay bumalik ako dito para hagkan ka man lang ngunit hindi ko na nagawa dahil mayroon ka nang ibang minahal, pagkatapos ng araw ng kasal mo ay hindi ko lubos maisip ang mga nangyari saakin, lubos akong nasaktan kaya nagpabaya ako sa buhay ko, nagliwaliw at muntik ko nang kitilin ang aking buhay, araw araw kitang pinuntahan noon at pinagmamasdan mula sa malayo noong makita kong masaya ka na talaga sa piling niya ay tuluyan na kitang binitawan at ipinaubaya sakaniya, pinilit ko nang limutin ka at ang pag ibig ko saiyo, mahirap aking mahal sobrang hirap pero dahil iyon ang katotohanan tinanggap ko na lamang iyon at nagpatuloy sa buhay dahil kung saan ang kaligayahan mo ay iyon na din ang kaligayahan ko at kung ang kaligayahan mo ay ang makasama siya, masaya na din ako para saiyo. Ngayon muli kong naramdaman ang saya saaking puso, muling nabuhay ang puso ko, masaya ako na makita kang muli at mahawakan kahit saglit lamang, alam kong hindi mo ako naririnig dahil natutulog ka ngunit bago kita tuluyang iwanan, gusto ko lang sanang malaman mo na ikaw pa din, ikaw pa din ang laman ng puso ko, mahal pa rin kita, mahal na mahal kita aking teodora, ikaw lamang ang tinitibok ng puso ko, hanggang sa huling hininga ko pangako ikaw lang ang mamahalin ko, mahal kita kahit hindi naging tayo, kahit hindi naging tayo sa huli mananatili ka dito sa puso ko, mananatili ang pag ibig ko saiyo, mananatiling ikaw ang una't huling iibigin ko. Paalam aking mahal na Teodora hanggang sa muli nating pagkikita. Mahal na mahal kita" hindi ko sinasadyang marinig ang huling sinabi ni Padre Azul kay ina, nagulat ako dahil doon kaya minabuti kong bumaba na lamang ulit para hindi makaabala. Hinalikan ni Padre Azul ang kamay ni ina at sunod ang noo ni ina, dahan dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo at dahan dahang inilapag ang kamay ni ina at naglakad papalabas ng pintuan, bago siya tuluyang lumabas ay muli niyang sinilayan si ina na mahimbing na natutulog at ngumit kahit na may luha sa kaniyang mga mata. Kasabay ng paglabas niya ng pintuan ay ang pag-ibig na tunay na iiwan niya ngunit hindi kakalimutan, hindi man naging sila pero ang pag ibig niya para kay ina ay wagas at totoo, hindi ito matutumbusan ng kahit na sino man o ng kahit ano man, hindi man naging sila ang pag ibig ay patuloy na dadaloy sa puso ni Padre Azul na malungkot na lalayo at babaunin sa pag alis ang pag ibig na nikailanman ay hindi mawawala sakaniyang puso.