webnovel

Until We Meet Again Book I: 1903

Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperanza ay isang mabuti, mahinhin at maalagang babae mula sa taong 1903 at si Elyca isang masungit, spoiled at mayamang babae mula sa taong 2018, ating alamin kung ano ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa at ano ang mangyayari sa pagibig na meron sakanila.

Hephaestus4 · History
Not enough ratings
32 Chs

KABANATA XIX

"Magkita tayo bukas sa ganap na alas seis ng hapon sa may parke ng San Francisco"

Yan ang laman ng liham na iniabot saakin ni patrick pagtapos niyang umalis kahapon, ngayon ko lamang ito nabasa dahil naging medyo abala na din ako pag uwi at inaalala pa din si Ethan, hindi ko alam kung sisipot ba ako sa paanyaya niya saakin maghihintay nalang ako ng magandang klima mamaya kung maayos naman ay tutuloy ako kung hindi ay hindi na ako tutuloy paabutan ko nalamang siya ng liham kay Rosalinda para naman hindi na niya ako hintayin kung hindi ako makakapunta, kung ako ang tatanungin ayoko talaga pumunta dahil hindi ko dama ang umalis ng casa ngayon, sa madaling salita ay tinatamad ako pero dahil ayaw ko naman iwanan sa ere si Patrick ay kailangan kong pagisipang mabuti kung sisipot ba ako hindi,dahil maaga pa naman mapapakaabala muna ako para makapagdesisyon na din ako. Naging abala si esperanza sa pagtatahi at paglilinis ng kaniyang silid dahil ayaw niyang pinapagalaw ang kaiyang cuarto sa kahit na sino kaya siya mismo ang naglilinis dito, nagaral din siya ng iba pang puedeng tugtugin sa piyano, napagod siya ng husto kaya pinagpasiyahan niya munang umidlip o magsiesta.

"Señora Esperanza" kumakatok si Rosalinda sa silid ni Esperanza, nagising naman siya sa pagkakaidlip at napansin niyang tila lumamig ang paligid, bumuhos ang malakas na ulan, tumayo siya at pumunta sa may pintuan at pinagbuksan si Rosalinda

"Señora alas siete na po maghahapunan na po tayo""Sige bababa na, anong oras na ulit?"

"Alas siete po Señora"

"AlAS SIETE? Hindi ito maaari kailangan kong magayos, samahan mo ako Rosalinda pupunta tayo sa may plaza"

"Pe-pero po Señora malakas po ang buhos ng ulan at isa pa po ay gabi na"

"Isang oras na akong hinhintay ni Ginoong Patrick, hindi ko akalain na makakatulog ako ng sobra, sana ay naroon pa siya" nagmadali akong magbihis at nagayos, nagpaalam ako kay mama at isinama ko si Rosalinda, nagmamadali ang kutsero upang makarating kami kaagad sa plaza, mahirap bumiyahe dahil sobrang lakas ng buhos ng ulan, sana ay maabutan ko pa si Ginoong Patrick doon. Pagdating sa plaza ay pinayungan ako ni Rosalinda at naglakad lakad kami upang hanapin si Ginoong Patrick, medyo tumila na ang ula kaya ambon ambon na lamang. Nagulat ako saakin nakita, hindi ko lubos akalain narito pa din si Ginoong Patrick, mayroong lamesa na may kandila sa gitna, may mga pagkaing nakahain pero basang basa na lahat pati si Patrick na nakatalikod kaya hindi kami napansin kaagad, nangingini siya at basang basa dahil sa ulan, maya maya pa ay humarap siya at napangiti ng makita kami ni Rosalinda, nahihirapan siyang ngumiti dahil sa nginig pero pinilit niya pa ding ngumiti na para bang walang nangyari, lumapit siya sa puesto namin ng dahan dahan

"E-esperanza I-I'm happy that you're here" yayakapin niya sana ako pero naaalala niyang basa siya kaya hindi na niya itinuloy, hinawakan na lamang niya ang aking kamay.

"I'm sorry pe-pero ba-basa na lahat ng pagkain, hindi na na-natin makakain ang mga iyan, sorry talaga, si-siya nga pala pa-para saiyo ito" binigay niya saakin ang isang maliit na kahon, bakas naman sa mukha niya ang pagkalungkot, nakaramdamn ako ng kirot dahil hinintay pala niya ako ng halos isang oras kahit na malakas ang ulan, kaya hindi ko lubos maisip bakit hindi ako sumipot kaagad, nagsisisi ako ng sobra

"Patawad Ginoong Patrick, patawad po talaga" ngumiti lamang siya at nakahawak pa din saaking mga kamay na nanginginig dahil sa sobrang lamig at dahil basang basa na siya.

"It's okay my lady, masaya na ako na dumating ka-" laking gulat namin ni Rosalinda dahil nawala sa ulirat si Ginoong Patrick nahawakan naman namin siya at sobrang bigat pala niya, tinulungan kami ng kutsero at binuhat niya si Ginoong Patrick papasok ng kalesa, hinawakan ko ang noo niya at pinakiramdaman, sobrang init niya, kasalanan ko ito, nagaalala ako sa lagay niya sana ay hindi siya mapaano. Dinala namin siya sa casa at agad siyang inasikaso ng mga ayudante, inihiga siya sa silid pangbisita. Pinunasan siya ng mga ayudante at binihisan. Nang matapos siyang asikasuhin ng mga ayudante ay umupo ako sa isang silya sa may tabi niya upang bantayan siya, hanggang ngayon ay sinisi ko pa din ang sarili ko kung bakit siya nagkasakit kaya hindi ako mapakali at alalang alala ako sakniya dahil alam kong kasalanan ko kung bakit siya narito. Maya maya ay napagdesisyunan kong bumaba muna at kumain, pagkatayo ko sa silyang iniuupuan ko ay hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko

"E-Esperanza, I love you" mahina niyang pagkakasabi pero narinig ko iyon, natigil ako ng ilang saglit sa narinig ko at pagkatapos ay nginitian ko na lamang si Ginoong Patrick

"B-Bakit hindi ka sumipot sa plaza?"

"Uhm, kasi po Señor nakatulog po ako, pasensya na po talaga babawi na lamang po ako sa susunod pangako" nginitian ko si Ginoong Patrick

"I Love You Esperanza, bakit hindi mo magawang mahalin din ako?" Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Ginoong Patrick mula sa pagkakahawak saakin pero ibinalik niyang muli iyon

"S-Seryoso ako Esperanza,I love you, I really do, mahirap ba akong mahalin?""Hindi naman po sa ganun Ginoo pero-"

"P-pero ano? Dahil mahal mo si Ethan? E-Esperanza please ako nalang, ako nalang ang mahalin mo huwag na si Ethan, Kaya kitang mahalin ng higit pa sa pagmamahal ni Ethan saiyo, mahal na mahal kita Esperanza" unti unting tumulo ang luha ni Ginoong Patrick, hindi ko lubos maisip na ngayon mismo siya magtatapat ng ganito saakin kahit na nakakadama siya ng lagnat ay nagawa niya pa ding sabihin ang gusto niyang iparating, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakniya, ayoko siyang saktan pero bakit ganoon?

"I love you Esperanza" dahan dahan niyang binitawan ang pagkakakapit saakin at dahandahan siyang pumikit, nalulungkot ako at nakakadama ng hindi ko maintindihang damdamin, ayaw ko siyang saktan o paasahin pero kung sa sakit magmumula ang katotohanan kailangan ko itong bitawan upang sa gayon ay makalaya na si Ginoong Patrick sa pag ibig niya saaking hindi ko kayang suklian. Kinabukasan ay nagulat ako dahil pagbaba ko ng hagdan ay nakaupo na sa mesa si Patrick at kinakausap ni mama, dahan dahan akong bumaba ng hagdan at umupo sa silya ng mesa. Umalis muna si mama at sinabing iiwan muna kami para makapagusap daw kami ng maayos.

"Good morning Esperanza"

"Magandang umaga din, maayos na ba ang iyong lagay?"

"Maayos na ang aking lagay, salamat nga pala" nakangiti niyang tugon saakin

"Seryoso ka ba diyan? Kagabi lang ay ang taas sobra ng iyong lagnat kaya hindi ako makapaniwalang maayos na kaagad ang iyong lagay" ngumiti siyang muli at parang pinapakitang ayos na talga ang lagay niya

"Yes, I'm really okay now don't need to worry, siya nga pala pasensya na din kung nakaabala pa ako sainyo"

"Wala po iyon Ginoo bagkus ay ako nga dapat po ang humingi ng paumanhin dahil hindi po kita sinipot po kaagad kagabi"

"No, ayos lang iyon, ewan ko ba anong pumasok saakin isip at hindi ako sumilong kaagad nung umulan ng pagkalakas lakas hahaha"

"Siya nga po pala Ginoo, yung sinabi niyo po saakin kagabi, pasensya na po talaga" nginitian lamang ako ni Patrick na para bang walang nangyari

"Last night? Uhm I don't remeber anything, ang sarap ng tulog ko kagabi kaya wala na akong maalala, ano bang nangyari?"

"Hi-hindi niyo po maalala?"

"Yes, what happened last night? O! May nagawa ba akong masama saiyo, I'm sorry"

"Hindi po Ginoo, wala po kayong nagawang mali o kasalanan saakin,talaga po bang hindi niyo maalala? Kung gayon ay huwag na lamang po nating pag usapan iyon" nakangiti kong tugon sakaniya, hindi talaga ako makapaniwalang nakalimutan niya iyon ng ganun ganun na lamang, hindi kaya nagsisinungaling lang siya saakin para hindi ko na ungkatin pa ang mga nasabi niya kagabi? Pagkatapos magalmusal ay nagpaalam na si Patrick saamin, hinatid siya ng aming kutsero sakaniyang bahay. Hindi pa din ako makapaniwalang nakalimutan niya ang sinabi niya saakin kagabi, medyo nag aalala din ako sakaniya dahil nararamdaman kong hindi pa siya tuluyang magaling. Ayaw ko talagang saktan si Patrick lalo na't malaki ang kasalanan ko sakaniya kagabi, sana ay magkaroon ng kaliwanagan si Patrick, pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sakaniya, sana ay maintindihan niya iyon. Mahal ko siya bilang kaibigan at kaya kong maging mabuting kaibigan para sakaniya.