webnovel

Until We Meet Again Book I: 1903

Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperanza ay isang mabuti, mahinhin at maalagang babae mula sa taong 1903 at si Elyca isang masungit, spoiled at mayamang babae mula sa taong 2018, ating alamin kung ano ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa at ano ang mangyayari sa pagibig na meron sakanila.

Hephaestus4 · History
Not enough ratings
32 Chs

KABANATA XII

Isang linggo ding hindi nagpakita saakin si Patrick, hindi ko din naman siya masisi dahil na rin siguro nahihiya siya sa ginawa niya saakin pero pinatawad ko na siya, hinihintay ko na lamang na pumunta muli siya dito para sabihin ko na napatawad ko na siya, hindi ko din kasi alam kung saan ko siya makikita dahil nga hindi naman niya sinabi saakin kung saan siya tumutuloy, ay tama si Ethan ang pagkakaalam ko pauwi na siya ngayong araw kailangan ko na magayos pupunta ako sa munisipyo, nagmadali akong magbihis at magayos, tinawag ko si Rosalinda para masabihan ang kutsero na ayusing ang sasakyan kong kalesa, nagpaalam na ako kay Ina pinayagan naman niya ako pero kailangan dalhin ko si Rosalinda dahil walong buwan na akong nagdadalang tao, maselan para saakin ang kumilos ng kumilos pero dahil pursigido na akong malaman kung saan makikita si Patrick. Pababa na ako ng hagdan, nagulat ako ng makita ko si Ethan sa salas

"Good day my Lady" ngumiti siya saakin, mayroon siyang hawak na palumpon ng bulaklak ng Baino (lotus)

"Señor E-Ethan? Kanina ka pa diyaan?"

"Nope, halos kakarating ko lamang dito sainyo, dito na ako dumiretso galing maynila dahil gusto kitang masilayan bago tumungo ng munisipyo at magumpisa muli ng trabaho, saan ka tutungo?"

"Oo nga pala, tamang tama pupuntahan talaga dapat kita sa munisipyo" nagulat si Ethan sa sinabi ko at napangiti din siya ng bahagya, natutuwa ako sa reaksyon niya

"Tutungo ka sa munisipyo para dalawin ako?" mas lalong nahahalata ang ngiti niya at namumula na din siya, nginitian ko nalang siya

"A-ano po kasi Señor, tutungo po ako ng munisipyo para po puntahan kayo kasi po itatanong ko po sana kung alam niyo po kung saan naninirahan si Patrick" bigla siyang napasimangot, di ko alam bakit pero gusto ko talaga malaman kung saan nakatira si ginoong Patrick para masabi kong pinapatawad ko na siya

"Anong sadya mo sakanya?" seryosong tanong saakin ni Ethan, nagulat naman ako dahil kanina lamang ay ang saya saya niya tapos ngayon bigla siyang sumeryoso

"Kasi po Señor mayroon po akong sasabihin sakanya" nginitian ko siya para naman mawala ang pagkaseryoso niya pero mali ata ang ginawa ko dahil mas lalo siyang sumeryoso at sumimangot

"Kung gayon, alam ko kung nasaan siya" malumanay niyang sabi saakin, hindi ko siya maintindihan kung bakit pero natuwa naman ako dahil maituturo niya saakin kung nasaan si Patrick, nagpaalam ulit ako kay ina at sinamahan ako ni Ethan papunta sa lugar na tinutuluyan ni Patrick, isa itong malaking accesoria pero dahil kilala siyang tao, malaking puesto ang nasa kanya, pumasok kami sa loob, malugod naman kaming tinanggap ng mga tao sa loob ng accesoria at itinuro ang lugar kung saan naninirahan si Patrick, pinindot naming ang timbres (doorbell) agad kaming pinagbuksan ni Patrick, nagulat naman ako dahil wala siyang damit pantaas kaya sinarado niyang muli ang pinto at nagmadaling magbihis ng binuksan niyang muli ang pintuan pagkatapos magbihis, nahihya siya saakin nararamdaman ko iyon, nginitian ko siya para kahit papaano ay mawala ang hiya niya saakin

"E-esperanza, yung patungkol sa nakaraan, patawarin mo ako hindi ko sinasadya, pupunta dapat ako sainyo pero dahil na din sa hiya ay hindi ko na itinuloy and also abala din ako sa business ko nitong mga nakaraang araw, Sorry talaga Esperanza, I'm really really sorry" pagsusumamo niya saakin

"Narito ako para sabihin saiyo na yung patungkol sa nakaraan pinapatawad na kita" nginitian o siyang muli, natuwa siya sa sinabi ko at halos mapalundag siya dahil sa tuwa, nasa tabi ko ngayon si Ethan na bakas sa mukha ang pagtataka, nakatingin siya saamin na parang batang walang muwang

"E-esperanza ma-maraming salamat saiyo, maraming salamat" hinawakan niya ang kamay ko dahil sa tuwa at nginitian kong muli siya, sumama ang tingin ni Ethan sakanya pero hindi iyon ininda ni Patrick dahil natutuwa siya na napatawad ko na siya

"Ibig sabihin pala nito ay maaari ko na muling ituloy ang panliligaw ko" natahimik kami parehas ni Ethan, halatang nagulat si Ethan sa sinabi ni Patrick, napayuko siya at napabuntong hininga

"There's no problem right, Ethan?" nginitian niya si Ethan na parang nangaasar

"Uhm... Yeah" sagot niya kay Patrick habang nakangiti at napayuko siya "I think" pabulong niyang sabi, napatingin ako sakanya dahil narinig ko yung huli siyang sinabi at napatingin din siya saakin at ngumiti

"Let's eat together" masayang sabi ni Patrick saaming dalawa binulungan ko si Ethan at tinanong sakanya kung ano ang ibig sabihin ni Patrick, sinabi naman saakin ni Ethan ang ibig sabihin noon

"Pasensya na ginoo pero"

"Shhhh ayos lang ako na gagastos at saglit lang naman" ngiti niyang singit saakin at ngumit ng pagkalaki laki

"Pero ginoo"

"Let's go!" Sabi niya, nagbihis lang siya saglit at umalis kami, sa isang restaurante sa may bayan kami pumunta na pagmamay ari ni Don Lefevre isang frances, Le Bourgeoise Restaurant ang pangalan ng restaurante niya, binigyan kami ng listahan ng mga pagkain ng Mesero (Waiter), ang aking inorden (order) ay Escargot, Confit at Crepe, namili na din sila Patrick at Ethan ng kakainin habang naghihintay ay hindi pa din umiimik si Ethan, nung una ay walang nagsasalita saamin kaya minabuti ko nang basagin ang katahimikan

'Uhm, Ginoong Patrick, nasa iyo pa po iyong pinapasalin kong tula, naisalin niyo na po ba?" napatingin saakin si Patrick at nginitian

"Oh you mean the poem that you gave to me last time?" ngumiti siya at tumingin kay Ethan na parang nangaasar, hindi pa din umimik si Ethan

"Nabasa at naisalin niyo na po ba Ginoo?"

"Nope, not yet pero naalala ko pa yung unang linya ng tula, Thy Love is pure for thee" pagkatapos niyang sabihin iyon ay nginitian niya si Ethan, nagulat si Ethan ng sinabi ni Patrick ang unang linya ng tula, napatulala siya nung una at pagkatapos ay tumingin saakin na dismayado, naramdaman kong parang mali ata na inumpisahan ko ang usapan kaya tumahimik nalamang ako baka ano pang maiudulot kong gulo mamaya pag nagsalita ulit ako, nabalot na naman ng katahimikan ang puesto naming, tanging ang ingay lang ng paligid ang maririnig, maya maya pa ay nagsimulang magsalita si Patrick

"So how are you Ethan?"

"It's okay, nothing's good" malamig na tugon ni Ethan kay Patrick

"Oh I see, nothing's good? Oh common hahaha by the way when will you leave for the general meeting in zamboanga?"

"I still don't know yet maybe next month or next year there's no exact date yet" hindi ko na sila maintindihang dalawa pero natutuwa ako na magsalita na si Ethan kahit papaano, dumating na ang hinihintay naming pagkain, kumain kami at nag usap pa din sila Patrick at Ethan sa wikang Ingles, maya maya pa ay tumahimik ulit ang paligid pero nagsalita ulit si Patrick

"Maaari ba tayong lumabas bukas ng hapon Esperanza?"

"Uhm pasensya na po Ginoo abala po ako bukas" nginitian ko nalamang siya at halatang dismayado siya

"It's okay maybe sa susunod na araw na lamang" ngumiti siya saakin at tinitigan ako napayuko na lang ako, natapos kaming kumain at naganyaya si Patrick na ihatid ako saaming casa pero sinabi ko na sasamahan na ako ni Ethan pauwi, kailangan ko siyang makausap dahil baka galit siya saakin ngayon dahil sa naibigay ko ang tula kay Patrick, nagpasya muna akong maglakad lakad bago dumiretso sa casa dahil malapit lang ang restaurante sa parke ng bayan, dumaan muna kami saglit doon, pag dating sa ilalim ng matandang puno ng acacia kinausap ko si Ethan ng masinsinan

"Se-señor Ethan?" pero hindi pa din ako kinausap ni Ethan, hindi niya din ako tinitigan sa mga mata

"Señor galit ka ba saakin?" hindi pa din sumasagot si Ethan bagkus ay nakatingin siya sa malayo, nakaharap siya siya saakin pero nakatingin siya sa malayo

"Kung patungkol po sa Tula, pasensya na po, kaya po na kay Patrick iyon ay dahil binabagabag ako ng tula dahil hindi ko maintindihan walang makapagsalin ng tula sa casa dahil wala si Samuel, saktong dumating po si Patrick saamin at napilitan akong ipasalin sakanya ang tula dahil gusto ko malaman ang nais niyo pong iparating saakin" tumingin na saakin si Ethan pero nakasimangot pa din siya, hindi ko na alam ang sasabihin ko pero tinignan ko si Ethan sa mata, nagulat ako nang may tumulong luha sa mata ni Ethan pero pinunasan niya iyon at ngumiti saakin

"Hindi naman ako nagagalit saiyo"

"Kung hindi po ay bakit po kanina pa kayo nanlalamig at hindi ako kinakausap?" bigla ulit siyang sumimangot at napayuko

"Nagseselos ako" malalim na tugon saakin ni Ethan

"Na-nagseselos po?"

"Mahal kita Esperanza pero dahil nariyan na si Patrick"

"Ano pong meron kay Patrick Señor?"

"Nararamdaman kong mas masaya ka pagkasama siya, na mas natutuwa kang kasama siya kaysa saakin, pag magkausap kayo kislap ang nakikita ko sa iyong mga mata" nagulat ako sa mga sinasabi saakin ni Ethan ngayon

"Pero Señor kaibigan ko lamang siya"

"Kaibigan? Parang ako kaibigan mo lang din, hindi mo ba ako maintindihan Esperanza?"

"Se-señor"

'Mahal Kita Esperanza" natahimik ang buong paligid sa pag amin saakin ni Ethan parang tinusok ang puso ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang gustong kumawala, ngayon ko lang ulit ito naramdaman, Bakit ganito? Hindi maaari ito, Umiibig na nga ba ulit ako? Mahal ko na nga ba si Ethan?