webnovel

CHAPTER 1

Musika. Musika ang paborito ko sa lahat pati narin ang libro, habang nakikinig ng kanta at nagbabasa ng libro ay may naka bangga sa'kin, dahilan upang mahulog ang librong hawak ko.agad ko itong pinulot at nagpa umanhin sa nabangga ko, ni hindi ako tumingin kung sino ba yun at naglakad na lang patungo sa room ko, Pag pasok ko ay  Nakita kong nagkkwentuhan sila Xiana kaya naman tumabi ako sa kanila.

"Estelle naman, sige na sumama ka'na sa'min mamaya" pagmamaka awa ni Xiana kay Estelle.

"Oo nga! Di ka naman siguro papagalitan ng kuya mo. " Sabat naman ni Khione.

"Si kuya hindi nga ako pagagalitan, pero sila mommy Oo. " Saad ni Estelle.

Napabugtong hininga nalang ang dalawa, at bigla silang napatingin sa pinto ng magbukas ito, kahit ako ay nagulat dahil may pumasok na isang gwapong lalaki sa pinto.

Matangkad ito at Medyo Maskulado ang katawan. Hmm.. Siguro naglalaro sya ng sports. He's wearing a tight black jeans and a plain white v-neck shirt. Masasabi kong sobrang lakas ng kanyang dating.

Napukaw ng mata ko ang mga kulay brown nyang mata, napansin ko din ang perpektong jawline nito. Ang makapal nyang kilay.. Ang kanyang mahahabang pilikmata.. At ang labi nya...

Napailing nalang ako sa panghuli kong sinabi, Oo gwapo sya pero bakit mo naman tinitigan ang labi nya, Caila?!

Hindi ko alam kung gaano ba ako ka tagal nakatingin sa kanya, nataranta ako nang bigla syang tumingin sa'kin.

Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko nang tignan nya ako.

Nakarinig ako ng hagikhik sa aking katabi, nang tignan ko ito ay nagtatawanan sila Xiana.

"Oh panyo! Tumutulo na laway mo" saad ni Xiana at binibigyan ako ng panyo, habang tumatawa silang tatlo.

"Crush mo 'no?" Siningkitan ako ng mata ni Khione.

Agad ko naman silang inirapan at binalewala ang mga pinagsasabi.

Kanina pa'ba ako nakatingin sa lalaking yon? Tsk.

Itinuon ko nalang ang sarili ko sa pagsusulat, nang biglang may lumapit sa'kin "Excuse me, Miss Can i sit here?" Saad ng lalaking nasa harap ko.

"Huh? A-ano?" Saad ko.

Bat ba'ko nauutal?!  Umayos ka nga Caila!

He chuckled "I said can i sit here? Wala na kasing bakanteng upuan eh" Turo nya sa upuang katabi ko.

Wala palang nakaupo dun, ngayon ko lng na realize!

"O-okay!" Tanging nasabi ko at kinuha ang bag ko dahil dun ko pala nalagay sa pag uupuan nya.

Ngumiti naman sya. Nang maka upo ay agad syang nagpakilala sa'kin.

"Hi, I'm Zack. Zack Laurent Perrier" Sabi nya habang nakangiti sa'kin.

Tumango na lamang ako sa kanya, siya naman ay may kinuha ang phone niya at may pinindot dun.

Wait perrier? Parang narinig ko na yung apelyido na yun, hmm san ko nga ba narinig yun? Tanung ko sa aking sarili nang bigla kong maalala. Aha! Apelyido ni Estelle yun ah! Omg don't tell me?

"Kapatid mo si Estelle?!" Tanung ko sabay turo sa kanya.

Agad namang syang napatingin sa'kin at nagulat pa ngunit ngumiti din.

Gosh, Wag ka ngang ngumiti ng ganyan!

"Yeah...Why?" Saad nya at kumamot sa batok.

"Ahh wala wala" awkward akong napatingin sa kanya.

Tumango nalang sya at may kinuha sa bag nya, magsusulat na ata. Bigla syang tumigil sa ginagawa nya at tumingin ulit sa'kin.

"Hey uhm I forgot to ask you're name"

Oo nga pala! Nakalimutan kong magpakilala!

"Oo nga pala, I'm Aisha Caila." saad ko at ngumiti sa kanya.

Ngumiti naman sya sa'kin.

"Nice Name.. bagay sayo" Agad na nag init ang pisngi ko sa mga salitang binitawan nya, umiwas agad ako ng tingin at kunwaring may ginagawa.

Nang mag pakilala sa isa't isa sa harap ng buong klase ay nag orientation lang kami, buti nalang wala pang gagawin. Nang matapos ang klase ay agad kaming pumunta sa cafeteria dahil gutom na daw si Khione. Habang kumakain ay natanaw kong may naglalaro ng basketball sa labas malapit sa cafeteria, agad napukaw ng aking mga mata si Zack.

Tumatawa sya habang kausap ang kanyang mga kasama. Pawis na pawis na sya at nakita kong may panyo nakasabit sa kanyang leeg.

Agad akong nagising sa reyalidad ng tawagin ako ni Xiana, ang pinsan ko.

Hmp, panira ng moment.

"Hoyy Cai! tigilan mo na nga ang pagpapantasya sa kapatid ni Estelle! Halika na at baka maubusan na tayo ng pagkain dun!" Sigaw nya.

Anlayo na pala nila!

Agad akong tumakbo papalapit sa kanila.

"H-hindi ahh! Ba't ko pag papantasyahan kapatid nya?" Tanggi ko.

"Sus! Huli ka'na nga magpapalusot pa!" Sabat ni Khione.

Ito talagang babaeng toh, lagi akong inaasar!  Hindi nakatakas sa'kin ang kanilang pag ngising tatlo. Kaasar! Ito na nga bang sinasabi ko eh.

"H-halika na nga, b-baka mahuli pa tayo dun!" Saad ko at kinakabahan na.

Habang kumakain ay panay ang kwentuhan ng tatlo, samantalang ako ay iniisip pa rin ang nakita ko kanina.

My gosh Cai! Itigil mo na nga ung pag iisip dun sa lalaking yun!

Di ko maiwasang mapangiti habang kumakain, dahil sa nakita ko. Agad namang pinitik ni Xiana ang noo ko.

Ouch ha! Masakit yon! Grabe talaga tong babaeng to!

"Aray! Problema mo?! "Tanung ko sa kanya habang nakatingin ng masama.

"Kanina kapa ngiting ngiti jan! Para kang baliw!"Saad nya at nakangisi pa.

"Ano? Hindi parin ba matanggal sa isip mo si kuya?" Tanung naman ni estelle.

"Crush mo noh!" Pambibintang ni khione

Oh No! This is bad, really really bad!

"H-hindi ahh!!" Pagtanggi ko agad, Habang Nag iinit na ang pisngi ko.

Hindi ko naman crush yon! Na attract lang ako okay?

"Sus, kunwari pa!" Saad ni Xiana. "Sabihin ko kaya sa kanya?" Saad ni khione.

Ang babaeng to!

"Wag!" Biglang sabi ko. "Tigilan nyo nga ako."

"Don't tell me, na love at first sight ka kay kuya?!" Gulat na tanong ni Estelle

"No! Hindi nga kasi!" Saad ko habang kinakabahan na.

Biglang ngumisi ang tatlo.

"Eh bakit ganun nalang ung tinginan mo kay Zack?" Siningkitan ako ng mata ni Khione

"Ang kukulit nyo. Bahala na nga kayo." Inis na sabi ko at sumuko na sa kanila.

"Fine." Sabay sabay nilang banggit.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nila.

Bumalik na sila sa kanilang ginagawa habang ako ay kumain nalang at 'di na nagsalita.

Hays buti naman at tumigil na sila.

Hindi naman ako na love at first sight dun kay Zack diba???? Tanong ko sa sarili ko habang tulala sa pagkain.