webnovel

CHAPTER 8

Pano mo nga ba masasabi kung gusto ka talaga ng isang tao?

Kasi ako? Gulong gulo na. Gusto kong itanong sa kanya kung para sa'kin ba talaga ung sinabi nya or nag aassume lang ako...

Tumakbo ako papunta sa Comfort Room para maghilamos ng mukha, para naman magising ako sa katotohanan. Saglit lang akong naghilamos at lumabas na ng Comfort Room. Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Zack na nakasandal sa pader at mukhang may inaantay.

Lumingon sya sa'kin at lumapit. "Are you okay? Nawala ka kasi bigla."

"Y-Yeah. Naghilamos lang ako saglit.. Bakit ka pala nandito?"

"Inaantay kita." Napaawang naman ang labi ko dahil sa sinabi nya.

Inaantay nya ako? Bakit?

"Bakit?" Ani ko. Lumunok naman sya bago magsalita, kitang kita ko ang paggalaw ng Adams apple nya. Bakit ang hot?!

"I have to tell something.." Saad niya na tila kinakabahan, at pansin ko din na parang pinagpapawisan na sya?

"Ano yun?" Kunot noong tanong ko.

"Are you free tomorrow?" Kahit naguguluhan ay tumango nalang ako sa kanya.

"Really?" He exclaimed. Tumango naman ulit ako kahit gulong gulo na sa kinikilos nya.. Ano ba'ng nangyayari dito?

"Alright. See you tomorrow.. Uh guess I'll text you when I'm on my way to your house?"

"Okay." Anong sabi nya? Bakit sya pupunta sa bahay? Teka niyaya nya ba-

"Wait, are you asking me on a date?" I exclaimed. Bakit ngayon ko lang naisip yun?! Ang hina mo talaga Caila!

"Silly. Well, obviously. I'm asking you on a date, gorgeous.." Napangiti naman sya at pinipigilang matawa dahil sa sinabi ko.

"Pano mo pala ako maitetext kung hindi mo alam number ko? Tska hindi mo nga din ako friend sa fb or ig eh!" I mentally smirk. Tama yan Caila, pag butihin mo pa.

" I already know your number, and i also know your social media accounts. Ayoko lang maging friend mo sa mga social media accounts mo." Ano daw?

"Ha? Pano? Bakit?"

"Well, i have my ways. and I don't want to be just your friend" He smirked.

"Bakit?" Bakit ayaw nya akong maging kaibigan? Kahit fb lang!

"Maybe because i like you?" He said and winked at me, naglakad na sya palayo. Naiwan naman ako dito at nakaawang ang labi.

What was that? Did he just say that he likes me?

Nakangiting bumalik naman ako kila Estelle. Kanina pa sila nagtatanong kung anong nangyari sa'kin, dahil para na daw akong baliw.

"Wala nga! Masaya lang ako, okay?"

"Weh? Baka naman dahil sa akala mo na sayo nakatingin si Zack kanina?" Ani Xiana.

"Or baka naman akala mo para sayo ung kinanta nya?" Ani Khione.

"Or baka naman nakakita ka ng pogi malapit sa cr?!" Xiana exclaimed.

"Tigilan nyo na nga si Cai!" Napailing na sabi ni Estelle. Tumawa lang ang dalawa bago magsalita ulit si Khione.

"Uhm, may gusto sana akong sabihin sainyo.."

"Ano yun?" Kunot noong tanong ni Xiana. Kinabahan naman ako bigla, baka sasabihin na nya ung tungkol sa kanila ni Khael?!

"Uhm... I.. I have a boyfriend.." Napaawang naman ang labi ng dalawa dahil sa sinabi ni Khione.

"What?" Gulat na tanong ni Estelle.

"Sino?" Sumeryoso naman bigla si Xiana. Dito ako kinakabahan eh, kapag sumeseryoso sya ng ganyan.

"Khael.." Tumahimik naman ang dalawa.

"Bruha ka! Kaya pala ayaw mo nang mang hunting tayo ng pogi?!" Hindi makapaniwalang saad ni Xiana. Natawa naman ako sa kanya.

"Hoy, Aisha Caila Vergara. Baka ikaw din may hindi sinasabi sa'min??" Tinaasan pa ako ng kilay ni Xiana.

"What? Ano naman ang hindi ko sasabihin sainyo?"

"Well, I don't know. Kelan mo kaya balak sabihin sa'min na si Zack ang First kiss mo?" Ani Khione. Na ikinagulat ko ng bonggang bongga!

Pano nya nalaman yon?!

Gulat na gulat ang dalawa, naka O pa ang bibig ni Xiana. Si Estelle naman ay nanlalaking matang nakatingin sa'kin.

"What the hell?!" Ani Xiana.

"How? I mean kailan 'to Cai?" Ani Estelle.

"Well, the day na nalasing ang kapatid mo, my dear Estelle" nakangising sabi ni Khione. Sinamaan ko naman sya ng tingin na ikinatawa nya lang.

"Wait let me explain! Umakyat ako sa kwarto ni Zack nun kasi ang sabi sa'kin ni Khael na naiwan nya daw ang susi nya sa kwarto ni Zack dahil binuhat nya ito. At hindi ko naman ineexpect ang makikita ko." Mahabang paliwanag nya.

"It was accident, okay?! Yayakapin nya dapat-"

"Yayakapin ka nya?!" Putol ni Xiana sa'kin.

"No. I mean.. basta it's just an accident!" Namumula na ako sa hiya ngayon, i swear.

Maya maya ay bigla namang nagsalita si Estelle.

"I also have to confess something.."

"Ano? Wag mong sabihin na may nangyari-" agad ko namang tinakpan ang bibig ni Xiana dahil sa sasabihin nyang hindi maganda.

"What?! No, that's not what i meant to say!" Namumulang sabi ni Estelle.

"Oh eh ano yun?"

Huminga muna ng malalim si Estelle bago magsalita. "Well, gusto ni Mommy na sa ibang bansa na ako mag aral.." nalulungkot na sabi nya.

"Teka, kasama ba si Zack?!" I exclaimed.

No way! Magsisimula palang ang love story namin tapos aalis na sya?!

"I don't know.."

Inirapan naman ako ni Khione at Xiana. Ano na naman ba ginawa ko sa dalawang 'to?

"Caila, pwede ba? Si Estelle ang aalis! Hindi yang Zack mo!" Masungit na saad ni Xiana. Napanguso naman ako sa kanya. Aba malay ko ba!

"Saan ka naman pupunta?" Curious na tanong Khione.

"Paris.."

"Oh!" Sabi naming tatlo. Nagtagal pa ang kwentuhan namin at maya maya ay dumating na si Kuya.

"Hi, Girls!" Sabi nya sa'min. Kasama nya ang mga kaibigan nya sa basketball, agad namang hinanap ng mata ko si Zack pero wala sya.

"Masyado mo bang namiss ang kuya mo? Lil Sis?" Ngisi nya sa'kin. Inirapan ko naman sya bago magpaalam na kila Xiana dahil uuwi na kami.

Nang makasakay kami sa sasakyan nya ay napaawang ang labi ko sa tanong nya.

"Nililigawan ka'na ba ni Zack?" Seryoso ang itsura nya. Napalunok naman ako dahil sa tanong nya.

Anong isasagot ko?! Hindi pa naman nya ako nililigawan eh?

"No.."

"Narinig ko kayo kanina.. Hindi ko naman sinasadya yun pero galing akong cr kaya ko narinig yun."

"No, kuya. Hindi pa nya ako nililigawan.."

"Hindi pa?!" He exclaimed. Uh-oh wrong move Cai!

"I mean.. basta!"

Bumugtong hininga sya bago magsalita " Actually, ayoko sya para sayo. He's an asshole. Alam mo bang babaero yun? Nung una hinahayaan ko lang sya na lumapit sayo dahil alam kong kaibigan lang naman ang ituturing nya sayo, pero nagkamali ako.. Pero kahit pa, kung gusto ka man nya o hindi. mabuti pang alamin mo muna ung totoo, para hindi ka masaktan.. and besides he always hiding his truly feels kaya naman mag iingat ka. Kung ako lang ang masusunod hindi na kita palalapitin sa kanya eh! Pero kilala kita at alam kong susuwayin mo'ko. Pag sinaktan ka nya sabihin mo sa'kin at bubugbugin ko sya!"  Agad naman akong yumakap sa kanya ng mahigpit.

Kahit lagi kaming nagtatalo ng kuya ko,eh mahal na mahal ko pa'rin naman yan!

"Love you, kuya!" I heard him chuckled

"Love u too, Lil Sis.."

Tama si Kuya.. kikilalanin muna kitang maigi... Zack Laurent Perrier..

Don't forget to Vote and Comment!