webnovel

CHAPTER 30

@Z_laurent

I missed you too, love..

Napatulala ako sa message sa'kin ni Zack sa Ig, sinagot nya ung message ko sa kanya nung ilang taon nang nakakalipas na sinabi ko na miss ko na sya. Ngayon lang sinagot amp.

Bigla naman may nag pop na text message galing kay Mr. Z

Mr. Z:

I'm sorry for yesterday, I didn't come sa meeting dapat na'tin.

Naks! Marunong palang mag Filipino 'to?! Akala ko afam! Puro kasi English ng English sa'kin 'to eh!

Ako:

Naku dapat ako din mag sorry sainyo, Sir. Hindi din kasi ako nakapunta kasi may asungot na dumating ulit sa buhay ko.

Putek! Nagrant na nga ata ako!

Mr. Z:

Asungot? Who?

Ako:

Ah, wala po haha! Ex ko lang. Aalis alis kasi tapos bigla ba namang magpapakita sa'kin na parang kabote! Mga lalaki nga naman, sa una lang magaling!

Mr. Z:

Sorry, Miss?

Ako:

Haha, wala po. So, what time ang kita na'tin for today ba?

Mr. Z:

Yeah today. I guess after lunch?

Ako:

Omsim po, teka isend ko nalang ung loc kung san po tayo kikita.

Sinend ko na kung saan kami magkikita, sa Café ko nalang hehe para may kita din ako. Bumaba na ako ng kama at lumabas na ng kwarto, dito nga pala ulit ako natulog kila Kuya. Sinabihan ko kasi si Dristan kagabi na dito muna ako matutulog para makapag bonding naman sila mag ama, buti nalang pumayag pero nagtatampo sya kasi nga lagi nalang daw akong na kay Kuya.

"Tinanghali ka'na ah? Bakit dito ka pala ulit natulog?" Bungad sa'kin ng kapatid ko pagka baba ko ng hagdan. Kumakain na sila ng almusal kasama si Ate Jill. Nginitian naman ako ni Ate kaya ngumiti din ako pabalik.

"Dito naman ako nakatira!"

"Really? Bakit hindi ka umuwi sa bahay nyo ni Xanth? Diba wife ka nga daw nya?" Sarkastikong sabi nya. Napangiwi naman ako sa kanya samantalang si Ate ay ngumisi lang sa'min at umiling.

"Pano mo naman nalaman yan?" Tanong ko at umupo na sa katabi ni Ate.

"Ewan ko sayo." Irap nya sa'kin. Aba! Attitude ka gurl? "By the way, talk to Perrier. Cai.." Pahabol nya pa. Naku naman! Ang aga aga tapos yung lalaking lang yun ung pag uusapan namin?

"Tapos na kami mag usap." Simpleng sabi ko at nagsandok na ng pagkain.

"Ni hindi mo nga alam ang dahilan nya kung bakit sya umalis." Agad naman akong nagtaka sa sinabi nya. Bakit yata ayan lagi sinasabi nila sa'kin? Dapat ba talaga akong makinig sa lalaking yun?

"Teka.. bakit parang okay na kayong dalawa ngayon? Hindi ka naman ganyan magsalita pag tungkol sa kanya ah!" Tanong ko. Nag iwas lang sya ng tingin sa'kin at uminom ng kape.

"People change." He just shrugged. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kapatid kong 'to at parang ipinagtatanggol na ngayon si Zack.

Umakyat na agad ako sa kwarto at naligo na agad, nang matapos ay nagsuot lang ako ng casual na damit, naglagay din ng light make up na lagi kong nilalagay pagtapos ay nag beep ang phone ko kaya napatingin ako dito.

Mr. Z:

Where are you?

Putek! Akala ko ba after lunch?!

Ako:

Sir? Akala ko ba after lunch?

Mr. Z:

My bad, I'm already here at the Café.

Nanlaki naman ang mata ko kaya nagmadali na akong mag sandals at kinuha na ang mga gamit ko. Bumaba na ako ng kwarto at saktong naabutan ko si Kuya, magpapahatid ako!

Buti nalang ay hindi na sya nagreklamo at hinatid nalang ako, mukhang masaya pa nga sya eh. Ang weird talaga ng mga tao ngayon. Pagkarating ko sa Café ay hinanap ko agad si Mr. Z, hindi ko pala alam itsura nya! Agad ko syang tinext at tinanong kung anong kulay ng damit nya at kung nasaan sya. Ang sabi nya naka gray daw syang polo tapos- si Zack?! Bakit sya nandito na naman? Pinagmasdan ko ang paligid pero sya lang ang naka gray! Don't tell me?!

I walked towards him. His eyes darted on me, I saw how the corner of his lips curve into a smile.

"Ikaw si Mr. Z.."

"That's right, love.. I'm glad that you knew.."

Tinaasan ko naman sya ng kilay at naupo na agad sa katapat nyang upuan. Hindi na'ko magpapaligoy ligoy pa!

"Why are you doing this, Zack? Bakit gusto mong bilhin ang plantation? Bakit nagpanggap ka pang Mr. Z keneme? At bakit ka pa ba bumalik?" Sunod sunod na tanong ko. Nakita ko naman ang biglang lungkot sa mata nya.

"I-uh I'm doing all of this because of you, Caila.. You always don't want to hear my side.. ganun ba ako kahirap pakinggan? Why are you hurting me like this, love?" He said. Pagak naman akong napatawa sa sinabi nya. Ano namang ineexpect nya? Na pagkatapos ng lahat babalik nalang agad ako sa kanya ng ganun?

"Ganun kahirap pakinggan? Niloloko mo ba ako, Zack?! Hindi ba tinanong na kita dati kung bakit gusto mong umalis? Pero anong sagot mo? Ang sabi mo hindi pwedeng sabihin! Tapos ano? Magsusulat ka sa'kin na sinasabi mo na hindi mo alam kung kelan ka babalik! Bakit hindi mo nalang sinabi sa'kin na wag nalang kitang hintayin? Ha Zack?!"

"I'm sorry, Caila.. I wasn't that brave enough back then.. I wasn't brave enough to tell you the truth, the reason why i have to leave.."

"Kaya ngayon may lakas ng loob ka'na para sabihin sa'kin lahat ganun ba? Kung kelan nakalimutan ko na ang lahat tska ka pa manggugulo! You know what? Ang tanga ko sa part na inantay kita non eh.. kahit nung sinabi mo na hindi mo alam kung kelan ka babalik.. inantay kita Zack eh.. halos araw araw kong tignan lahat ng social media accounts mo para lang updated ako sa buhay mo sa Paris pero.. nag deact ka eh! Diba? Akalain mo yun, ganun ako nagpakatanga na akala ko.. sasagot ka din sa mga messages ko.. akala ko sasabihin mo na okay ka lang doon.." My voice broke. Hindi ko na din napigilan ang luha ko.

Ganun ako nagpakatanga sa kanya eh, kahit sabihin ko na wala na sa'kin lahat.. na okay na sa'kin.. pero ang sakit pa'rin pala maalala ung ginawa kong paghihintay sa kanya non..

Napatahimik ako saglit at pinunasan ang mga luha ko, napalunok naman sya bago magsalita.

"I already know that you and Xanth are not together.. that asshole.." His jaw clenched.

"Ano naman sayo kung kami nga o hindi?" Tanong ko sa kanya. Napatingin nalang ako sa mga tao sa loob.

Hindi talaga mawawala ang mga nagdadate dito sa Café ko eh. Paalisin ko kaya 'to? Tapos magpapabillboard ako sa harap ng Café ko na mga single lang ang pwedeng pumasok dito sa Café ko?

"Actually, I don't really care if you and Xanth are together.." He bitterly said. Napatingin naman ako sa kanya. "Because even if you too were together or not.. I will still takes what's mine.. And it's you, you are mine Caila.." My lips parted. He smirked at my reaction. 

Tinanong nya ako kung nasaan na daw ang pipirmahan nyang kontrata kaya naman nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Oo nga pala! Kaya nga pala kami mag uusap ay para sa kontrata! Nagdrama pa'ko shit!

Inilabas ko na ang kontrata at binigay sa kanya, walang salitang pinirmahan nya agad iyon pagkabigay ko. Pambihira!

"B-bakit mo pinirmahan agad? Bakit hindi mo muna binasa ang nakasulat bago mo pirmahan?!"

"Kahit hindi ko basahin yun, wala namang magbabago. pipirmahan ko pa'rin." He said lazily.

Wadahell?

"Pinagpuyatan kong gawin yan tapos hindi mo babasahin?! Pano nalang pala kung ang nakasulat jan ay makukulong ka pag hindi mo binayaran ng buo ang lupa?!"

"I don't mind. I don't mind even if that contract is our marriage contract, love.. Nothing else could ever change my mind to sign that contract.. Mas okay pa nga yan eh, eh di mapapalapit ako sayo.." He pursed his lips.

"Baliw ka ba?!"

"Yes, love.. you always driving me crazy, Caila. Kaya panong hindi ako mababaliw?"

Sa inis ko ay napatayo na ako at nagpaalam na sa kanya, sinabi ko nalang na iuupdate ko nalang sya sa lupa at buti naman nakahinga na ako ng maluwag nang umoo sya.

You always driving me crazy, Caila.. Kaya panong hindi ako mababaliw?

You always driving me crazy, Caila.. Kaya panong hindi ako mababaliw?

You always driving me crazy, Caila.. Kaya panong hindi ako mababaliw?

You always driving me crazy, Caila.. Kaya panong hindi ako mababaliw?

Ako na ata ang mababaliw dahil ayaw nang matanggal sa sistema ko ang sinabi ni Zack sa'kin kanina. Hininto ko ang kotse ko at napasabunot sa buhok ko. Mababaliw na talaga ako! Kasalanan mo 'to Zack! I hate you!

I drove papunta sa boutique ni Ate Jill, nagtext kasi sa'kin si Kuya kanina na umalis na naman si Ate at pumunta sa boutique nya. Ipapark ko na sana ang kotse ko sa lagi kong pinagpapark-an ng makita ko na may nakaparada na dito. Hmm, baka may bisita si Ate. Nagkibit balikat nalang ako at ipinarada nalang sa pwedeng paradahan ang kotse ko at bumaba na ng sasakyan.

Napaawang ang labi ko ng pumasok ako sa loob ng boutique, may lalaking kausap si Ate.. Puta! Napatingin sa'kin si Ate at nginitian nya ako, hindi manlang ako makangiti sa kanya pabalik dahil nasa lalaki ang buong atensyon ko, ni hindi din ako makagalaw sa kinatatayuan ko! Para akong nanigas shit!

"Cai! Hindi ko alam na pupunta ka pala." Salubong sa'kin ni Ate. Napatingin sa'kin ang lalaki at nakita kong may maliit na ngiti sa kanyang labi. Bwisit ka talaga!

Napalunok naman ako bago magpilit ng ngiti kay Ate. Hindi ko alam ang gagawin ko! Lumapit sa'min ang lalaki at hindi na nga nya napigilang mapangiti sa'kin. Bwisit ka!

"H-ha? Uh ano eh.. S-si Kuya kasi.. S-sabi nya puntahan daw kita.." Nauutal na sabi ko. Puta naiiyak na'ko nakakahiya talaga ako!

Napatango naman si Ate sa'kin, ang lalaki naman na katabi nya ay napakagat sa ibabang labi at nakita kong napangisi sa'kin.

"Uh.. hindi ko nga pala nasabi kay Luke na pupunta ako ngayon sa boutique. Sya naman kasi Cai.. ayaw nya akong pakilusin pag nasa bahay! Alam ko namang malapit na akong manganak pero kaya ko pa namang kumilos.."

"Ganun lang talaga si Kuya, Ate.. Masyado talaga yung protective.."

"Yeah, lagi naman syang ganun pero ewan ko ba sa kapatid mo. nakakainis minsan!" Parang batang sabi nya, napatawa naman ako dahil sa inis nya kay Kuya. Bigla naman syang napatingin sa'min ng lalaki at napangisi kaya kinabahan ako. "Ikaw ba, Zack? Gaano ka ba kaprotective kay Caila dati?"

"Ah, Ate! Ano palang pwede kong matulong ngayon sainyo?" Pag iiba ko ng usapan pero hindi nakinig sa'kin si Ate at kay Zack lang nakatingin na para bang nag iintay ng sagot.

"I don't know.. Maybe I'm not 'that' protective to her? Ayoko lang kasing masakal sya sa'kin.." Seryosong sabi nya. I bit my lower lip to stop myself from smiling.

That's true, hindi sya ganun ka protective sa'kin dati.. ang akala ko nga ay parang wala lang talaga syang pakielam pero ayaw nya lang palang masakal ako. Pero no guys! Hindi tayo rurupok ngayon!

"Why don't we have a lunch together? Sigurado hindi pa kayo naglulunch ngayon." Masayang sabi ni Ate Jill. Tatanggi na sana ako pero hinaltak na nya ako palabas ng boutique at nagpaalam na sya sa mga empleyado nya habang si Zack ay nakasunod sa'min.

Napahinto kami ni Ate sa may kotse kanina na umagaw ng parking ko. Biglang binuksan ni Zack ang pintuan ng kotse at sinenyasan kami na pumasok na. Napaawang ang labi ko. Sa kanya pala 'to?!

Sumakay na si Ate sa backseat at akmang sasakay na din ako pero biglang sinara ni Zack ang pinto. Nagulat ako sa ginawa nya pero ngumisi lang sya sa'kin. Loko 'to ah! Binuksan nya ang pinto ng passenger seat at sinenyasan akong pumasok. I faked smiled bago pumasok sa kanya pero nginitian nya lang ako bago pumasok na din ng kotse.

Nagdrive na si Zack papunta sa kung saan man kami kakain. Napatingin naman ako kay Ate Jill na ngiting ngiti sa'min. Ano na naman ba 'to? Tumingin din ako kay Zack na nagdadrive. His right hand was just holding the steering wheel while his left hand was holding his lips as if he was trying to stop himself from smiling.

Nang makarating na kami sa isang restau na pagmamay-ari daw ng kaibigan ni Ate ay nagulat pa'ko dahil pinagbuksan ako ng pinto ni Zack. Pumasok na kami sa loob ng restau at agad naagaw ng atensyon ko ang mga nagviviolin dito. May lalaking lumapit sa'min at niyakap si Ate, siguro ito ang kaibigan nya. Panigurado pag nakita ni Kuya na yinakap si Ate ay magwawala na yon. Mahinang napatawa nalang ako sa iniisip ko kaya napatingin sa'kin si Zack.

"Why are you giggling?" He whispered.

"I'm not!" I whispered. He raised a brow.

"You are. Why? You like that guy huh?" His eyes narrowed at me, his voice is a bit annoyed. Magsasalita pa sana ako pero tinawag kami ni Ate, sabi nya ipapakilala nya daw sa'min ang kaibigan nya.

We both looked at the guy na niyakap ni Ate, ngumiti sya sa'kin kaya ngumiti din ako. Magkaedaran lang siguro sila ni Zack, matangkad ito at medyo singkit ang mata, maputi din ito. Gwapo nya shet! Zack cleared his throat kaya napatingin ako sa kanya, he just looked me annoyed. Problema nito?

"Hi, I'm Andrew.." Pagpapakilala sa'kin nung pogi, kakamayan nya sana ako pero agad itong tinanggap ni Zack. Napaawang ang labi ko dahil sa ginawa nya. Rude!

"I'm Zack." Pagpapakilala ng bwisit na 'to. Andrew nodded at him and gave him a half smile, hindi pa din binibitawan ni Zack ang kamay nya na mukhang nahihigpitan na ata ni Zack?! Mukha kasing nasasaktan na si Andrew sa hawak ni Zack sa kamay nya! Baliw na talaga 'to!

Zack coldly looked at him, hindi nya inaalis ang tingin nya dito. Napahinga ako ng maluwag nang bitawan na ni Zack ang kamay ni Andrew. Napahawak naman si Andrew sa kanang kamay nya na medyo namumula na!

"Uh, Hi I'm Caila.." I smiled at him. Ngumiti din sya pabalik sa'kin at akmang makikipag kamay pero biglang mag kamay na pumulupot sa bewang ko at hinila ako palayo ng kaunti kay Andrew. Nanlalaki ang mata ko at napatingin sa kamay ni Zack bago tumingin sa mukha nya, madilim na ang tingin nya sa'kin at para bang inis na inis na.

"Uh, Andrew, May mauupuan pa ba kami? Mukhang andami na kasing tao dito eh." Natatawang sabi ni Ate bago tumingin sa'ming dalawa ni Zack.

Tumango naman si Andrew at niyaya na kami sa table namin. Nakahawak pa'rin sa bewang ko si Zack! Kahit sinabi ko sa kanya na tanggalin na nya ay ayaw nya pa din!

Nagsimula na kaming umorder at mabilis din itong nabigay sa'min kaya naman nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nagpaalam si Andrew sa'min na kung pwede daw ay makisali sa'min if okay lang, pumayag naman kami ni Ate pero walang pakielam si Zack.

Magkatabi kami ni Zack samantalang sa katapat naman namin ay si Ate at Andrew ang magkatabi. Napuno ng kwentuhan at tawanan ang table naming apat.

"So, Caila.. you owned a Café?" Andrew asked. I nodded at him. "How was it? Well mahirap magpatakbo nun for sure.."

"Uhm, hindi naman ako gaano nahihirapan kasi may mga taong tumutulong sa'kin sa pagmamanage ng Café ko.." Sabi ko. Napatango naman sya sa'kin.

"Sa foods naman tayo, Mahilig ka ba sa brownies or cookies?" He asked again.

"Uh, mahilig ako sa brownies oo pero hindi ako kumakain ng peanut sa brownies.."

"Why?"

"She's allergic to peanuts.." Pagsingit ni Zack kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. He knows? How?

He cleared his throat at tumayo na kaya nagtatakang napatingin kami sa kanya. Tumingin sya sa'kin at hinawakan ang kamay ko, dahilan upang mapatayo ako. Nagulat ako nang biglang hinila nya ako palabas ng restau at sinenyasan nya akong sumakay sa kotse nya, hindi ko alam kung susundin ko ba sya pero tinignan nya lang ako na mukhang inis na inis na kaya wala akong nagawa kundi pumasok ng kotse. Naiwan namin sila Ate sa loob!

Zack quickly started the car and drove away from the place. Hindi ko alam kung saan kami pupunta! Magtatanong na sana ako pero agad nyang hininto ang sasakyan sa gilid ng daan. Bigla nya nalang pinalo ang manibela at ginulo ang buhok nya na para bang inis na inis na.

"Damn! Why do you look so happy with that Andrew?! But when you're with me, you're always annoyed!" Hindi ko naintindihan ang sinabi nya kasi napako ang atensyon ko sa ginawa nya. Why do i find it hot?

"Ano bang sinasabi mo?"

"Quit playing innocent here, Caila!" He hissed.

"I'm not! Pwede ba Zack?! Bumalik na tayo sa restau-"

"For what?! To see that Andrew again?! No way!" His jaw clenched. Ako naman ang nainis sa sinabi nya. Baliw na talaga 'to!

"Buntis si Ate, Zack! Wag ka ngang mag inarte jan na para kang bata!" Inis na  sabi ko sa kanya.

"I'm jealous, love.." He whispered. He avoid my gaze and i can see his ears are turned into red.

"A-ano?" Napahawak ako sa batok ko sa pagkadismaya sa sagot nya. Napabugtong hininga naman sya.

"Luke will take care of his wife, and me? I will take care of what's mine.."

"Anong mine?!"

"I told you, Caila.. You are mine.." He smirked.

Hindi ako kumibo sa sinabi nya. Shit! Hindi ako rurupok ngayon! Nagsimula na ulit syang magdrive. Ni hindi ko alam kung saan ba kami pupunta! Kinuha ko ang phone ko sa bag at sinubukang tawagan si Kuya. Tama sya lang makakatulong sa'kin! Ilang beses nag ring pero walang sumasagot kaya tinawagan ko ulit at buti nalang sumagot na sya!

"Hello?" Zack looked at me with a frown.

"Who's your talking to?" He asked. Hindi ko sya pinansin at humarap nalang ako sa bintana.

[Hello? Bakit?]

"Kuya, kinikidnap ako ni Zack! Tulungan mo'ko please?!" Pagsusumbong ko sa kanya. Napabugtong hininga lang sya sa kabilang linya.

"The hell?!" Zack said in disbelief.

[Kidnapped? Okay. Nugagawen ko?] Bwisit! Ano daw gagawin nya?!

"A-ano?! Tulungan mo'ko! Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng lalaking 'to!" Sabi ko sa kanya pero binabaan nya lang ako ng tawag. Daheck?! Parang di kapatid ah?! Napatawa naman si Zack sa'kin at napailing.

Tinago ko nalang ang phone ko sa bag, I crossed my arms at busangot na mukhang tumingin nalang sa daan. Nakakainis! Maya maya ay biglang may tumawag sa kanya kaya agad nya itong sinagot at ni speaker.

[Zl, ipaalala ko lang ung meeting mo bukas. Nine a.m.] Sabi ni Kylie sa kabilang linya.

"Yeah, cancelled all my meetings this week Kylie.."

[Okay.. wait, magkasama na ba kayo ni Caila?]

"Yes." He sighed. Lumapit naman ako sa phone nya para batiin si Kylie.

"Hi, Kylie.." I said.

[Hi, Caila! So, kamusta date nyo?]

"Date?! T-teka anong date? Eh kinidnap nga ako ng lalaking 'to!" Pagsusumbong ko. Natawa lang sa'kin si Zack kaya sinamaan ko sya ng tingin. Loko 'to ah?!

[Really?! Well that was his plan, anyways I have to go bye lovebirds!] Masayang sabi ni Kylie bago ibaba ang tawag.

"Love what?!"

"Come on, love.. we'll just have a one week vacation, just the two of us.."

"Nababaliw ka'na ba talaga ha Zack?! Ni hindi nga ako pumayag dito! Hinaltak mo lang ako bigla palabas ng restau tapos isinama mo na dito sa kung saan man tayo pupunta!"

"We'll just talk.."

"Yes! And tapos na tayo mag usap! Kaya naman sana ihinto mo na ang kotse at bababa na'ko!" Inis na sabi ko sa kanya pero parang wala lang syang naririnig.

"Zack! Ano ba?!" He just sighed.

"Whatever you say, love. I'm not gonna stop this car."

Inuubos talaga ng lalaking 'to ang pasensya ko ah! Hindi ko nalang sya pinansin at pumikit nalang, hindi ko namalayan na kinain na pala ako ng antok. Nagising nalang ako ng makita ang lalaking sobrang lapit sa mukha ko. Daheck?!

"You're so beautiful even if your asleep." He huskily said. Nanlaki naman ang mata ko at itinulak sya. He just let out a sexy laugh.

Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong nasa dagat kami. Bakit nandito kami? Teka nasang lugar ba kami? Bumaba sya ng kotse kaya agad din akong bumaba at sinundan sya. May nakita kaming malapit na kainan d kaya pumasok kami para kumain saglit. Hinawakan ni Zack ang bewang ko kaya agad akong nagulat at naitulak sya ng mahina, tumawa lang sya sa'kin kaya inirapan ko sya at akmang maglalakad na ng hinaltak nya ang kamay ko kaya sa hindi sinasadya ay may natamaan akong babae. Nanlalaki ang mata ko at tutulungan sana ang babae pero tinabig nya lang ang kamay ko.

"What the hell?! Bakit ba hindi ka nagdadahan dahan Miss?!" Galit na baling sa'kin ng babae. Pinulupot naman ni Zack ang braso nya sa bewang ko kaya napabugtong hininga nalang ako.

"I-I'm sorry, hindi ko sinasadya.." Hingi ko ng tawad pero inirapan nya lang ako at inis na tinignan.

"Tanga ka ba or what?!" Sabi nya pa. Naramdaman ko naman na humigpit ang hawak sa'kin ni Zack na ani mo'y naiinis na.

"I apologize, Miss. It's my fault, not my Wife.." Seryosong sabi ni Zack. Inirapan lang sya ng babae. Napaawang ang labi ko nang makita ang lalaking papalapit sa'min.

"What's the problem here, hon?"

"D-dad.." I muttered. Nakita ko ang gulat sa mata nya pero bigla din iyong nawala. Pumulupot ang braso nya sa bewang ng babae. Anong ibig sabihin nito?

"What did you call her, Miss? Teka, hon. Kilala mo ba ang babeng 'to?" Tanong sa kanya ng babae. Tumingin naman ako kay Daddy pero umiling lang sya sa babae.

"Daddy.. so, is this your new-" Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol na ako ni Daddy.

"I don't know her, hon.. come on let's go, baka naghihintay na sa'tin sila Xofhia.." He said. Tinignan ko sya sa mata bago sya umalis at iwan ako, pero wala manlang pagsisisi akong nakita sa mata nya..

Walang salitang lumabas sa bibig ko, bigla nalang bumuhos ang luha ko.

"Hush now, love.." He softly said, trying to calm me down. He hugged me. Why do i have this feeling that, I miss the feels that I'm safe in his arms? Parang ung feeling na to ay matagal ko nang inaantay..