webnovel

CHAPTER 18

Nakauwi na kami ni Zack. Pagkauwi palang binungangaan na agad ay ni Kuya idamay na din si Dristan na gumagatong pa.

Busying busy ngayon sila Mommy at Daddy para sa birthday mamaya ng Dad ni Dristan. May mga kinuha pa si Mommy na mga stylist para ayusan ako. Kanina pa nga nila ako inaayusan actually. Nagtingin tingin nalang ako sa Instagram ko. Bumungad agad sa'kin ang post ni Zack. Picture ko yon, nung pumunta kami sa Sky Ranch sa tagaytay. Sabi nya kasi daan daw muna kami doon. Nakaside view ako sa kanya tapos nakatingin ako sa mga nakasakay sa mini roller coaster. Halatang stolen pa itong picture ko! Meron pang kumakain kami, pinicturan nya din pala ako.

Naiiling nalang akong sa caption nya nakalagay doon ay ' My paths connected to her' ano naman ibig sabihin non? Nakita kong nag chat sya sa'kin sa ig, naka online pala sya!

@Z_laurent

Hi?

Natawa naman ako sa sarili ko nang may maisip na kalokohan.

@itsaisha_V

LhOu PhOu😁

@Z_laurent

What?

@itsaisha_V

WAtAtAps

Natawa nalang ako nang hindi na sya sumagot sa chat ko at sa messenger sya nag chat.

Zack:

What language is that?

I don't understand you.

Ako:

Hahaha. Na hack ig ko.

Zack:

What?! Really?!

Why don't you create a new one?

The one who chatted me is so creepy. I don't even know what he/she trying to say.

Napahalagapak naman ako ng tawa dahil sa sinabi nya, sinaway naman ako agad ng hairstylist ko dahil ang likot ko daw. Nang matapos akong ayusan ay bumaba na'ko sa sala dahil ako nalang ang inaantay nila Mommy. Nakita kong ready na sila kaya naman sumakay na kami ng kotse, hindi kami matahimik ni Kuya dahil sinusumbong nya ako kila Daddy.

"Totoo naman, nakipag tanan ka!"

"What?! Bakit ko naman maiisipan yon? Umuwi nga ako diba?!"

"Syempre umuwi ka dahil tinakot ko si Perrier!"

"Fyi, Kuya hindi mo sya tinakot, tska hindi ka nga tumatawag sa kanya!"

"Stop now." Saway sa'min ni Daddy na nakapag patahimik sa'ming dalawa ni Kuya. Pero hindi makakaligtas sa'kin ang nakita ko! Kuya stick his tongue out at me! Nakakainis sya!

Nakarating kami sa bahay ng mga Mallanes or should i say a Mansion.  Pinapasok na kami agad ng mga nagbabantay at sumalubong agad sa'min ang pamilyang Mallanes. Hindi gaano marami ang mga bisita nila, siguro mga nasa medical field ang mga ito. Lumapit  na kami sa pamilyang Mallanes. Si Tita Xandy ay ngumiti sa'min at nakipag beso isa isa, Si Tito Dave naman ay nginitian lang kami kagaya ng dati nyang ginagawa sa t'wing magkikita. Ang bunsong kapatid naman ni Dristan na si Drison ay ngumiti lang sa'kin ng tipid, napatingin naman ako sa loko at aba ang gwapo nya today in fairness.

Pinaupo naman kami ni Tita Xandy sa isang malaking table. Sama sama kami ng pamilya ko at sila Tita Xandy, nandito din ang Mommy nila Estelle and her new husband, i guess? pati si Estelle ay nandito din. Hinanap ko kung nasaan si Zack pero wala sya. Napanguso nalang ako at nagpaalam kila Mommy na kukuha lang ako ng makakakain dahil gutom nako. Lumapit ako sa may buffet at kumuha na ng mga gusto kong pagkain, habang kumukuha ako ay may taong nasa likod ko kaya humarap ako dito.

"Mukha kang lumpia." Nakangiwing sabi sa'kin ni Dristan. Agad nag init ang ulo ko sa sinabi nya. Ang ganda ganda ko today tas sasabihan nya akong mukhang lumpia?! How dare him!

"Ano?!"

"Hala! Kelan ka pa nabingi?" Gulat na tanong nya at napatakip pa sa bibig na akala mo hindi makapaniwala.

"Pano mo naman nasabing mukha akong lumpia?! Excuse me! Sa ganda kong 'to?!"

"Mukha ka naman talagang lumpia! Tignan mo nga itsura mo, hapit na hapit sayo yang suot mo tapos diretsong siretso pa ang katawan mo. Tsk wala manlang curves." Pang iinsulto nya. Naiinis na talaga ako sa mga  sinasabi nya. Magsasalita na sana ako pero may nagsalita sa likod nya, napatingin naman kami sa naglalakad na lalaking palapit sa'min.

"Well, I will probably eat that lumpia." Ngising sabi ni Drison. Ang gwapo naman nito kahit nakangiti, kaso ung tingin nya mukhang manyak. Tsk.

"Hoy, kasali ka sa usapan namin? Hanggang dito lang oh!" Sabi pa nya sa kapatid at nag guhit ng imaginary line nya sa pagitan namin at ng kapatid nya. Parang bata talaga kausap 'to.

Inis na tinalikuran ko nalang silang dalawa, lakad lang ako ng lakad hanggang sa mabangga ako sa isang matigas na bagay or should i say a man's chest. Tinignan ko ang pagkain ko at buti naman walang nahulog, umangat naman ako ng tingin sa lalaki and my eyes widened when i saw Zack. He's really hot on his suit.

"Be careful, gorgeous." Nakangiting sabi nya.

"Sorry.."

"It's fine. Where are you going?"

"H-ha? Wala naman"

"Let's go?" Sabi nya at hinawakan ang kabilang kamay ko na hindi nakahawak sa plato.

"Saan?" Takhang tanong ko. Saan naman kami pupunta? Gutom na'ko.

"Sa table kung nasaan ang parents natin?" Sabi nya at hinila na'ko.

"O-okay."

Pumunta kami sa table kanina, Umupo na kaming dalawa ni Zack, agad namang tumabi sa gilid ko si Dristan kasi walang bakante doon. Kumain na'ko ng tahimik at wala munang pakielam sa paligid ko.

"You too are really, like a cute couple." Sabi ni Tita Xandy. Napangiti naman ako sa kanya at ang akala ko ay si Zack ang tinitignan nya pero sa'min ni Dristan pala..

"Stop teasing us, Mom." Ani Dristan.

"Why? It's true naman, well hindi pa yata kayo? Pero for sure naman magiging kayo din." Nang aasar na sabi ni Tita Xandy. Muntikan na akong masamid dahil sa narinig. Napatawa naman si Tita Zira, ang Mommy ni Zack sa kanya. Pati si Daddy at Tito Dave ay tumatawa din.

"Yeah. I agree Mare, bagay na bagay silang dalawa. Ito nga ding si Zack hinahanapan ko na dahil pinipilit na din ng magaling nyang tatay na mag girlfriend na!" Ani Tita Zira. Napatingin naman ako kay Zack at mukhang hindi maganda ang timpla ng mukha nya, kaya agad kong hinawakan ang kamay nya upang kumalma. Gulat naman syang napatingin sa'kin at lumamlam din ang mukha nya.

"Why don't you tell them kung bakit ka umuwi dito, Xanth." Excited na sabi ni Tita Xandy, napatingin naman ako kay Dristan at nakita kong umiwas sya ng tingin sa'kin at namumula din ang tenga nya. Problema nya?

"Come on honey.. tell them, wag ka'na mahiya.."

"Stop it, Mom." Saway ni Dristan sa Mommy nya.

"Okay okay, ako nalang ang magkkwento! Well ganto kasi yan, ang sabi nya sa'kin gusto na nya daw umuwi dahil may isang babae daw ang matagal na nyang gustong makita.." Pagkukuwento ni Tita, naramdaman ko naman na humigpit ang hawak ni Zack sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang dumaang sakit at lungkot sa mata nya, hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko nalang syang yakapin ng mahigpit..

"And that girl is non other than.." Kulang nalang ay magtambol pa sila dahil para kaming nasa palaro kung makasabi si Tita.

"Mom!" Inis na saway ni Dristan kay Tita Xandy. Natatawa na din sila Tito Dave at Daddy sa kanila.

"Aisha.. you are the girl that Xanth's waiting for.." sabi ni Tita, my lips parted at shocked.

W-what?

"Come on son, why don't you tell her the-"

"Stop this Mom." Inis na sabi ni Dristan. Napatayo naman ako at napatingin silang lahat sa'kin. Muntik ko pang matabig ang pagkain ko! Not my food!

"I-uh excuse me.." sabi ko at umalis doon. Parang ayoko munang marinig ang kwentuhan nila, hindi ko alam pero nag iinit na ang pisngi ko dahil lang doon.

Lumabas ako saglit upang magpahangin muna, pumunta ako sa may gilid ng fountain nila dito sa may gitna ng mansion. Umupo muna ako dun at nagpahangin lang, maya maya ay may naramdaman akong may damit na nagbalot sa'kin. Napatingin ako sa likod ko at nagulat ako nang makita si Zack, inilagay nya ang coat nya sa balikat ko. Umupo din sya sa tabi ko.

"Are you okay? You seemed shocked a while ago.." Mahinang sabi nya. Tumango naman ako sa kanya.

Bigla ko nalang naisip ang nangyari kanina. Umakbay sa'kin si Zack at unti unti niya akong niyakap. Parang gusto ko nalang na ganto kami, ung hindi ako aalis sa bisig nya.. ung magkasama lang kami buong araw..

"Zack?" Mahinang tawag ko sa kanya. Hinawakan naman nya ang kamay ko at pinisil pisil yon.

"Hmm?" Malambing na tanong nya.

"Totoo ba ang sinabi ni Tita Xandy? Kaibigan mo si Dristan, kaya baka lang may alam ka.."

"Y-Yeah. But i think it's better if you'll talk to Xanth.." Saglit ulit kaming natahimik, napatingala ako sa kalangitan.

Tama kaya na sabihin ko na sa kanya ngayon? Parang gusto ko nang sabihin dahil natatakot ako.. natatakot ako sa mga mangyayari pa.. natatakot din akong mawala sya.. hindi ko alam pero parang magugulat nalang ako isang araw na, baka nagbago na ang isip nya.. pano kung may iba na syang magustuhan? Ayokong dumating ang araw na iyon, ayokong dumating ang araw na hindi ko nasasabi ang nararamdaman ko para sa kanya..

"Zack?" Pagtawag ko.

"Hmm?" He softly asked at tumingin sa'kin.

"I love you.." I sincerely said and sweetly smiled at him.

"W-what?" His lips parted.

"Mahal kita.." Nag init naman ang pisngi ko ng ulitin ko ang sinabi ko.

"So, that does mean? T-tayo na?" Paninigurado nya. Napatawa naman ako ng mahina bago tumango. Agad nya akong niyakap, sobrang higpit nun at para bang ayaw na nya akong pakawalan. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at marahang hinalikan ang noo ko.

"I'm really happy, love.." He genuinely said.

"Me too.." I smiled.

"I love you.." He sincerely said. Niyakap nya ulit ako ng mahigpit at hinalik halikan ulit ang noo ko ng paulit ulit.

Bumalik na kami sa loob dalawa at pumunta na ulit sa table pero wala na doon ang mga parents namin, sila Estelle, Kuya at Drison nalang ang natira. Wala din si Dristan..

"Where's Dristan?" Tanong ko sa kanila. Tumingin naman ako kay Estelle at nakita kong sa kamay namin sya ni Zack nakatingin, ganun din si Kuya at mukhang may malalim na iniisip.

"Umalis na." Drison just shrugged.

"Saan naman pumunta? Bakit umalis eh dito sya nakatira?" Takhang tanong ko pero nagkibit balikat lang ulit si Drison.

"Nasan sila Mommy?" Tanong ni Zack sa kapatid. Tumingin naman sa kanya si Estelle at napabugtong hininga.

"May pinag uusapan sila nila Tita Xandy." Sabi ni Estelle. Bakit ganto ang mga itsura nila? Bakit parang may malaking problema sila?

"May problema ba? Bakit parang mga problemado kayo?" Kunot noong tanong ko sa kanila. Mga nagsi-iwasan naman sila ng tingin sa'kin. Dumating na sila Mommy at pilit na ngumiti sa'kin.

"Darling, san ka ba pumunta?" Tanong nya. Lumapit din sa'kin si Tita Xandy.

"Nagpahangin lang po, My. Teka asan po si Dristan?" Nagpilit nalang ng ngiti si Mommy at hindi sumagot. Hinaplos naman ni Tita Xandy ang buhok ko at ngimiti.

"Sweetheart, nasa kwarto nya sya.. pwede mo bang puntahan?" Si Tita Xandy na ang sumagot.

"Po?" Napakurap kurap naman ako.

"Please?" Sabi nya pa. Napatango nalang ako at tumingin kay Zack, nakatingin din pala sya sa'kin at seryosong kinakausap ni Kuya. Binigyan nya nalang ako ng maliit na ngiti.

Naglakad na ako papunta sa hagdan nila, nagtanong ako sa katulong nila kung nasaan ang kwarto ni Dristan. Masyado kasing malaki ang bahay nila at andami ding pinto kaya nalito ako, sinabi sa'kin ng katulong na kumaliwa lang daw ako at yung pinaka dulo daw ang kwarto ni Dristan. Naglakad n ako papalapit at nang nasa may pinto na ako ay kumatok ako ng dalawang beses pero walang sumasagot. Kumatok ulit ako ng isa ngunit wala pa din, akmang kakatok ulit ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Can you please go out Mom?! Sinabi ko na sainyo na wag nyo nang ipi-" Napahinto sya ng makita ako, bakas ang gulat sa mukha nya.

"D-dristan?" Napabugtong hininga sya bago sinenyasan akong pumasok. Sumunod naman ako at tingnan lang syang umupo sa kama nya, sinenyasan nya ulit ako na umupo sa may sofa sa tapat ng kama nya kaya't umupo na ako agad.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong nya ng makaupo sa kama nya.

"I-uh just came here to.. bakit ka ba mag isa dito?" Sabi ko at napatingin sa paligid ng kwarto nya. Medyo malaki din ang kwarto nya, black and white ang theme nito.

"Dahil kwarto ko 'to?" Sarkastikong sabi nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin at tinaasan nya lang ako ng kilay. Aba!

"Pinapatawag ka'na sa baba, bumaba na tayo.."

"Mauna ka'na, lumpia." Sabi nya at humiga sa kama. Napatayo naman ako sa inis.

"Ano?!"

"Ewan ko sayo." Bored na sabi nya. Bigla ko namang naalala ang mga nangyari kanina, marami akong gustong itanong sa kanya.

"Uh, may itatanong sana ako.." Lumapit ako sa kama nya, umusog naman sya para bigyan ako ng space upang makaupo, umupo ako sa tabi nya.

"Go on." Bored na sabi nya, napatingin naman ako sa kanya at nagulat ako ng titig na titig sya sa'kin.

"Totoo ba ung sinabi ng Mommy mo?" Nahihiyang tanong ko. Saglit syang natahimik bago magsalita.

"Pano kung totoo nga? Pano kung umuwi nga talaga ako dito dahil sayo?" Mahinang sabi nya, hindi ko medyo narinig yon. Ano ba yan, magsasalita lang ang hina pa.

"H-ha?"

"I like you, Aisha." He softly said. Umupo naman sya bigla at tumitig sa'kin. Ewan ko pero ang bilis ng tibok ng puso ko bigla.. baka siguro sa bigla lang.. o baka naman sa kaba lang..

"D-dristan.."

"Oh, yan na ah.. iyan ang dahilan kung bakit ako umuwi.. I want to see you.. And i want you to know my feelings for you.." He softly chuckled.

"I-I'm sorry.. kaibigan lang ang tingin ko sayo simula dati pa.." Nakayukong sabi ko. Iniangat nya naman ang baba ko para magpantay ang tingin namin. Namumungay ang mata nya na titig na titig sa'kin.

"I know, lumpia. Sinabi ko lang naman na gusto kita, I didn't told you to like me back.. alam ko naman na may Zack ka'na.." I can see the pain in his eyes. Dristan is a great guy, he's funny, polite, gentleman, and handsome. Halos nasa kanya na nga ang lahat.

I know we're at a legal age para sa love na yan pero ngayon ko lang naranasan ang magmahal at mahalin.. Ang mainlove.. at kay Zack ko naramdaman ang lahat ng iyon... I love, Dristan but as a friend.. para na nga din syang Kuya ko eh. Alam kong nung nakaraan lang kami nagkakilala pero gumaan na agad ang loob ko sa kanya, pero hindi ko inaakala na may nararamdaman pala sya sa'kin..

"Sorry.."

"Ayos lang. Sino ba naman ako?" Hindi ko alam kung parang nang aasar lang ba sya o seryoso eh. Bakas kasi sa boses nya ang parang batang nagtatampo.

"Sorry.."

"Tumigil ka nga ng kakasorry! Isa pang sorry mo aagawin kita kay Zack!" Biro nya.

"Ewan ko sayo."

"Pero seryoso, kapag nalaman kong umiyak ka ng dahil kay Zack.. aagawin kita sa kanya.." Seryosong sabi nya. Tumayo na ako.

"Puro ka kalokohan! Bumaba na nga tayo dahil hinahanap na nila tayo." Sabi ko sa kanya at hinila na sya patayo, pero ang loko binibigatan nya talaga! Binitawan ko na sya pero kinuha nya ulit ang kamay ko.

"Hilahin mo ulit ako." He pouted. Parang bata talaga! Natawa nalang ako bago hilahin ulit sya patayo. Success naman at nakatayo na sya. Akmang lalabas na sana ako pero hinawakan nya ang kamay ko at pinaharap sa kanya. My eyes widened when he suddenly hug me tight.

"I wish i could just freeze time and I'll just hug you for this long.."