webnovel

CHAPTER 11

Nagising ako nang bigla akong niyugyog ni Xiana. Sinamaan ko naman sya ng tingin pero ang loka, nag peace lang sa'kin. Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok na sa resort. Sinalubong kami ng mga nagbabantay dito, ang sabi sa'min ay ipasok na daw namin ang gamit namin sa mga kwarto na ibibigay namin. Pero ang sabi ni Xiana na sama sama nalang kami sa isang kwarto para masaya daw. Kaya wala na kaming nagawa kundi ipasok ang mga gamit namin sa kwarto na sinabi ni Xiana. Pagkapasok palang ay nag halungkat na agad sila Khione ng gagamitin daw nilang swimsuit at magbibihis na daw sila. Hindi manlang napagod sa byahe!

Pagka labas nila ng cr ay rumampa sa harap ko si Khione na parang model. Proud na proud pa syang ipinapakita ang pula nyang swimsuit na bumagay sa kulay ng kutis nya.

"Ano bagay ba?" Ngising tanong nya. Napa thumbs up nalang ako sa kanya. Sunod namang lumabas ng cr sila Xiana at Estelle. Itinutulak pa ni Xiana si Estelle palabas ng cr, dahil ayaw pa nitong lumabas.

"Xiana!" She exclaimed. Napatingin naman ako sa suot nya. She's wearing a  one-piece swimsuit. Color green ito at backless.

"Okay lang yan! Ang sexy mo nga e!" Tumataas baba pa ang kilay nya.

"Hindi ba masyadong maikli?" Nahihiyang Saad niya.

"Girl?! Nag swimsuit ka pa! Dapat nag jacket ka nalang para hindi ka makitaan ng balat jan!" Xiana rolled her eyes. Napailing nalang ako sa dalawa. Tumingin naman sa'kin si Xiana at tinaasan ako ng kilay.

"Ikaw? Ano hihiga ka nalang jan?" Sabi nya at tinanggal ang twalya na nakapalibot sa katawan nya. Kaya naman napatingin ako sa swimsuit nya. Naka high waist bikini two-piece naman sya. Color blue ito.

"Oo na! Magbibihis na!"

"Erkey. Intayin ka namin. Bilisan mo ah!" Maarteng sagot nya.

Pumunta na ako sa cr at nag bihis na ng susuotin ko. Naka Black Push Up Two Piece Swimsuit naman ako. Pagtapos magbihis ay lumabas na agad ako. Narinig ko ang mga sipol ng dalawa. Si Estelle naman ay nakangisi. Sabay sabay kaming lumabas ng kwarto at pumunta na sa pool.

Umupo muna ako sa may duyan habang ang tatlo ay sabay sabay na tumalon sa pool. Tinatawag pa nila ako pero sabi ko ay mamaya na ako dahil mag susunblock muna ako, masyado din kasing tirik ang araw. Pagtapos kong mag sun block ay kinuha ko muna ang cellphone ko para tignan kung nag text nga si kuya. Pero wala! Nag scroll nalang ako sa ig ko. Habang nag iiscroll ay naramdaman kong may nakatayo sa gilid ko kaya naman tumingin ako dito, at sa gulat ko nakita ko si Zack!

"A-anong ginagawa mo dito?"

"I told you pupunta kami. Bakit ganyan ang suot mo?" Kunot noong tanong nya. Ramdam ko din na parang inis sya.

"Ha? Bakit?"

"Change your clothes. May mga lalaki kaming kasama. " Kalmadong sabi nya.

"Bakit? Hindi pa nga ako nag sswimming eh!" Nagsisimula na akong mainis ha! Hindi naman kami nagtatalo nito ni Zack pero parang magtatalo na kami ngayon.

"Pag nakita yan ng kuya mo, for sure yari ka. Go change your clothes." Pananakot nya. Halatang malapit na din maubos ang pasensya nya.

"Papagalitan din naman nya ako eh. Lulubusin ko na." I just shrugged.

"Caila!" He hissed.

"What? Minsan lang ako mag swimsuit!"

"Magpapalit ka ba o babalutin kita ng kumot jan?!" Banta nya.

"Ano?!"

"Change."nakita kong pilit nyang pinapakalma ang sarili nya.

"No."

"Okay." Akala ko ay titigil na sya pero kinuha nya ang twalya ko at ibinalot yon sa'kin. Bigla nya din akong binuhat.

"What the hell, Zack?! Ibaba mo'ko!" Sabi ko pero hindi nya ako binaba! Papunta na kami sa kwarto namin nila Xiana ngayon!

"No." Matigas na sabi nya.

"Put me down! Hindi na'ko nakikipag biruan!" Inis na sabi ko.

" Hindi din ako nakikipag biruan! I told you to change your clothes dahil may mga lalaki kaming kasama!"

"And so?! Anong pake ko sa kasama nyo?!" Binuksan na nya ang pinto ng kwarto at inis akong binato sa kama. Buti nalang hindi masakit dahil malambot ang kama.

"Your driving me crazy, Caila!" I rolled my eyes. Ano bang problema nya? Ngayon ko lang sya nakitang ganto na naiinis sa'kin. Lagi naman syang sweet sa'kin ah!

"Change. Now." May diing sabi nya. Wala na akong nagawa at kinuha nalang ang oversized t shirt ko at pumunta sa cr. Isinuot ko lang ito, hanggang tuhod ko naman ito kaya okay na to. Pag labas ko ay nakita ko si Zack na nakaupo sa kama at tahimik na nag iintay.

"What the hell? Hindi ka manlang ba magsshorts?"

"Mahaba naman 'to." Sabi ko. Inis na tinignan nya lang ako at  sinabihanh lumabas na kami. Pagka punta namin sa pool area ay nakita ko si Kuya na mukhang inis na inis na. Lumapit sya sa'kin at tinignan ako ng masama.

"Bakit hindi ka nagpaalam sa'kin?!" Bungad nya.

"Akala ko sinabi na nila Manang." Simpleng sagot ko.

"Yari ka talaga kay Dad." Banta nya. I rolled my eyes, parang sasabihin naman nya? Eh takot nga sya kay Dad.

Napatingin ako sa likod nya. Nakita ko ang mga kaibigan nila. Si Khael, Raiz at may isa pa silang lalaking kasama. May isang babae palang nakakapit sa braso ni Raiz. Kunot noo akong tumingin kay Raiz. Nakita kong kinakausap sya ng babae pero ang atensyon nya ay na kay Xiana lang. Napatingin naman ako kay Xiana pero nakita kong nakikipag usap sya kay Estelle.

Alas dose na kaya naman napag desisyunan nila na umahon na at kumain na kami ng tanghalian. Habang nag aayos ng mga plato pati narin ang kakainin namin ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga kasama ko. Parang ang awkward kasi nila sa isa't isa. Si Xiana ay nag aayos ng plato at tinutulungan naman sya ni Raiz na titig na titig sa kanya. Huminto sa pag aayos si Xiana at inis na binalingan si Raiz.

"Excuse me, Raiz. Alam ko namang maganda ako, pero pwede ba?! Itigil mo nga yang titig mo!" Inis na sabi nya. Natawa naman sa kanya si Raiz at napakamot ng ilong.

Si Khione at Khael naman ay busy sa pag sandok ng kanin. Grabe ha! Kanina pa ata tong dalawa na nag sasandok ng kanin eh! Nagtatawanan silang dalawa at pasimpleng kinikiliti ni Khael si Khione. Napangiwi nalang ako sa kasweetan nila. Anak ng tupa naman! Harap harapan ba talaga ang ganyanan nila?!

Estelle on the other hand ay tahimik na naghahain ng ulam. Kasama nya ung lalaking kaibigan nila kuya, ano nga ulit name nun? Ah! Ethan! Ethan ang name nya! Grabe kailangan ba talagang by partner pag maghahain?! Napatingin naman ako sa babaeng nakaupo sa duyan. Lumapit ako sa kanya at tumabi. Nginitian nya naman ako.

"Hi."

"Hi, ano nga pala name mo?"

"Jill. I'm Jill." Pagpapakilala nya.

"Caila"

"Ah. Bakit ka mag isa dito? Tara punta na tayo doon. Kakain na." Pag aaya ko sa kanya. Bigla nya namang hinawakan ang kamay ko. Napakunot naman ako ng noo sa kanya.

"Cai? I know na magkapatid kayo ni Luke... Nakwento nya sa'kin dati."

"Close kayo ni Kuya?"

"Y-Yeah." Napatango naman ako sa kanya. Ang weird lang parang may gusto syang sabihin. Niyaya ko na syang kumain at sumama naman sya. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Kuya at Ate Jill. Oo ate, dahil nalaman ko kanina lang na mas matanda pala sya sa'kin. Pasimpleng tumitingin si Kuya kay Ate Jill. Pag nagkakatinginan naman sila ay bigla silang parehong mag iiwasan ng tingin. Weird.

Napagdesisyunan namin na pumunta sa may dagat. Habang naglalakad ay hindi namin maiwasan na magtulakan nila Xiana. Pano ba naman kasi itong si Xiana, nababaliw na naman at tinulak ako bigla! Edi gumanti din ako! Kaya ngayon hindi kami tumitigil at nagtutulakan pa'rin.

"Girls, stop!" Stress na sabi ni Kuya. Tumigil naman kaming dalawa nang bigla kaming hatakin ni Estelle at Khione sa dagat.

"Bilisan nyo! Kuya Luke, picturan mo nga kaming apat. Bili!" Excited na sabi ni Khione. Napakamot naman ng batok si Kuya at inis na kinuha ang phone nya para picturan kami.

Nakangiti lang ako sa camera samantalang ang tatlo ay parang mga model na nagpopose sa camera. Si Xiana ay nakahawak sa gilid ng bewang nya at naka pose. Nakakapit naman sa kanya si Estelle na nakaside view. Si khione naman ay nakahawak sa sunglasses nya at naka fierce pa ang mukha. Napangiwi nalang sa'min si Kuya. Pagtapos kaming picturan ay ibinigay nya sa'kin ang cellphone nya at sabing picturan ko daw sya. Hinawakan nya naman ang shades nya at tumingin sa taas na akala mo'y nasisilaw.

Isang picture lang ang kinuha ko sa kanya at ibinigay na ang phone nya. Aalis na sana ako para maglakad lakad pa nang biglang may humawak sa kamay ko. Agad akong napatingin sa mapangahas na humawak ng kamay ko nang bigla kong nakita si Zack na nakahawak doon.

"Let's take a picture." Ani nya. Wala sa sariling napatango nalang ako sa kanya.

Pumwesto naman kaming dalawa at inabot nya kay Kuya ang phone nya. Sinamaan naman sya ng tingin ng kapatid ko pero kinuha din ang phone. Ngingiti palang sana ako sa camera nang biglang hinawakan ni Zack ang bewang ko at inilapit ako sa kanya. Gulat pa'rin akong nakatingin sa kanya at ang loko nakangiting nakatingin din sa'kin.

Hindi ko namalayan na nakuhaan na pala kami ng picture ni Kuya! Sinamaan ko sya ng tingin pero nginisian nya lang ako!

"Akin na nga! Patingin ako!"

"Ayoko nga! Oh Zack!" Bato nya kay Zack ng phone nito. Napatingin naman ako kay Zack at ngumisi lang din sya sa'kin at tumakbo dala ang phone nya!

Hinabol ko sya pero sadya syang mabilis. Naririnig ko ang tawanan ng mga kasama namin. Pero hindi ko sila pinansin at hinabol lang si Zack. Bwisit baka panget ako dun! Hindi pa naman nagbilang si Kuya kaya hindi ako ready!

Sa huli ay sumuko nalang ako at inirapan sya. Nakakainis ha! Kung ayaw nya ipakita edi wag!

Naglaro nalang kami ng volleyball pero hindi ko pinapansin si Zack kahit magkakampi kami. Bahala sya, hindi ko sya kakausapin hangga't hindi ko nakikita ang picture! Pagpalo ko ng bola ay saktong sa buhangin ito tumama kaya naman may points kami! Natutuwang yinakap ko ang mga kagroupo ko na sina Ate Jill, Khione, at Raiz. Yayakapin ko na sana si Zack nang bigla kong naalala na naiinis pala ako sa kanya, kaya hindi ko sya pinansin.

Pagtapos ng laro ay nanalo sila Kuya. Buong hapon kaming nasa dagat hanggang sa bumaba na ang araw. Naisipan naming gumawa ng bon fire at umupo kami paikot doon. Katabi ko si Ate Jill sa kaliwa at si Estelle naman sa kanan naka sandal sya sa'kin. Nasa tapat ko lang si Zack, nakatingin sya sa'kin na parang may gustong sabihin pero umiwas ako ng tingin.

Kumanta kanta sila at nakisabay nalang ako. Si Raiz ang nag gigitara habang nakangiting nakatitig kay Xiana. May something talaga dito sa dalawa! Natapos ang kanta at sinabi ni Khione na mag laro nalang kami. Sabi nya pa Truth or Dare. Pinaikot nya ang bote at tumama yon kay Xiana.

"Truth or Dare?" Tanong ni Khione.

"Truth."

"Who was the last person you searched on Instagram?" Ngisi ni Khione.

"W-what?"

"Answer it."

"R-Raiz." My jaw dropped. Gulat din na napatingin si Khione kay Xiana.

"Ano?! So you stalked him?!" Turo nya kay Raiz.

"Hindi ba isang tanong lang!" Napangisi naman si Khione at inikot ulit ang bote. this time humarap ito kay Estelle.

"Truth or Dare?" Tanong ni Khael dahil magkatapat sila ni Estelle kaya sya ang magtatanong.

"Dare."

" I dare you to take a shot." Ngisi ni Khael at inilapit kay Estelle ang Beer. She's 18 yes, but hell? Hindi pa nya nattry yan kahit anong alcohol!

"What?"

"What the hell, Khael?!" Inis na sabi ni Zack.

"Do it." Kinuha ni Estelle ang Beer at mabilisang itong tinungga. Hindi maipinta ang mukha nya matapos uminom. Hindi sya umiinom!

Pinaikot ulit nila ang bote. Kay Ate Jill naman ito humarap at si Kuya ang magtatanong.

"Truth or Dare?" Tanong ni Kuya.

"Truth."

"Why did you leave me?" Tanong ni Kuya na nagpatigil sa'ming lahat.

Ano daw?

"I changed my mind. Magdadare nalang pala ako."

"No. You choose truth. Panindigan mo. Oh wait.. kaya mo nga bang panindigan?" Ngising sabi nya.

"Of course! It's just a simple question!"

"Then answer it."

"But it's too personal. I mean-" Mapaklang napatawa naman si Kuya.

"Oo nga pala, pag may ayaw kang tanong iiwasan mo. Simpleng tanong lang hindi mo kayang panindigan.. Hindi ba ganun ung ginawa mo dati?"

"Oh crap, Luke! Matagal na yon! Hindi ka pa ba nakaka move on?!"

"Yes! Dahil sa tuwing nakikita kita lagi kong naiiisip kung bakit mo nga ba ako iniwan!" He said and walk out. Napatingin naman ako kay Ate, iyak sya ng iyak at maya maya ay tumakbo kung saan dumaan si Kuya.

What the heck is happening?!

"O-okay, guys i think tama na itong laro natin?" Awkward na tanong ni Khione. Napatango nalang kaming lahat at bumalik na sa kwarto.

Natutulog na silang tatlo pero hindi pa'rin ako makatulog. Gulong gulo ako sa nangyari kanina. Hindi pa'rin bumabalik si Ate Jill dito, dito nalang kasi namin sya pinakwarto eh. Lumabas ako at pumunta sa veranda. Naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin. Umupo ako sa may duyan at muntik na'kong mahulog nang biglang may mag salita.

"Are you still mad?"

"Ha?"

"Ipapakita ko na sayo ang picture.. just don't get mad at me." Mahinang sabi nya.

"Wag na."

"Please? Wag ka namang ganito Cai.. hindi ko kaya kung di mo ako kakausapin.. It's driving me nuts."

"Wag na, okay lang wag mo na ipakita." Pagkasabi ko sa kanya nun ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko at ibinigay ang phone nya. Napatingin ako sa picture namin. At tama nga ako! Ang pangit ko dito! Gulat akong nakatingin sa kanya dito pero nakangiti lang sya sa'kin sa picture na 'to.

"Tignan mo nga! Ikaw lang ang mukhang maayos dito! Ung Mukha ko hindi ready!" Singhal ko.

"But you're cute." He pouted.

"Whatever. Delete it." I rolled my eyes.

"No. Ito lang ang picture nating dalawa." Nakangusong sabi nya.

"Edi magpicture nalang tayo ulit!" Wala sa sariling sabi ko.

"Really?"

"Ha?"

"Hindi mo na pwedeng bawiin yan, Cai. Let's take more pictures until my strorage is full. I don't care if it's run out of storage, as long as it's full of our memories."