webnovel

UNO (Tagalog)

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020

Blessedy_Official1 · Action
Not enough ratings
36 Chs

First Encounter

"I am Agent 34." Pakilala ng dalaga na walang kangiti-ngiti sa labi nang tanggapin nito ang inilahad niyang mga palad.

"This is Agent 2. And I am-"

"Agent 1. Lahat naman dito kilala ka, Kyel." Sarkastikong wika ng babae saka inilapag ang hawak na baril at kinalas iyon ng mabilis upang linisin.

Sinenyasan niya si Kervy at isang kindat ang ibinigay nito sa kanya nang iwan silang dalawa sa maliit na silid.

"Any reason why parang di mo ako gusto, Agent 34?" Prangkang tanong ni Kyel sa babae.

"Tinatanong pa ba 'yan? I am Agent 34. See the big difference between 1 and 34?!" Inis nitong wika.

"I asked for you dahil I heard you excel in the spy test." Banggit niya sa pagsubok na ginawa kamakailan lang kung saan nakapasok ang babae sa top 10.

"I know but why me? Pwede naman na sina Marcus or Allen ang makasama mo." Tila inis pa ring wika ng babae.

Sandali naman siyang nag-isip habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng dalaga.

"I need a woman." Sagot niya ngunit palihim na sinaway niya ang sarili dahil tila may iba pa siyang nais ipahiwatig dito.

"I need a woman na makakasama sa mission and you're the only one qualified to that position."Mabilis niyang dagdag.

"And do you think paniniwalaan kita, Agent 1? Lahat nang nakasama mo galing sa station namin ay umuuwing demoted because of you! I know what you want, Kyel. Dahil napasama ako sa top 10 at nalalaglag ang ibang team mates mo, kaya you plan this. You want to put me down." Madilim ang mukhang wika nito ang nanlaban ng titigan sa kanya ngunit ito rin ang unang bumawi sa tingin na ikinangiti niya.

"Hey, where did that come from? Everything happened in the field was not my fault." Depensa niya sa sarili kahit alam niyang totoo ang paratang nang babae. Hindi siya pumapayag na may mas aangat sa kanyang team kaya nga tinatawag silang Alpha dahil sila ang laging nangunguna sa lahat ng mga pagsusulit at training. At nang isang babae lamang ang tumalo sa isa niyang member ay hindi niya ito lubos na matanggap.

"Really?" Nakapameyawang na wika ng dalaga habang nakaguhit ang sarkastiko nitong ngiti sa mga labi na ginantihan naman niya nang mapang-akit na titig saka niya pinapungay ang mga mata.

"Believe me, Agent 34. I need a spy na babae sa mission who will pretend as my wife." Mahinahon naman niyang paliwanag kasabay ang mas paglawak pa nang kanyang ngiti nang makita nga ang reaksyon nito na nai-imagine niya sa isip.

"What?!" Inis na wika ng babae kasabay ang malakas na paghampas nito sa mesa.

"Why? You're included in the top 10 best spies of Greater Heights so I think di ka mahihirapan sa mission natin." Balewala naman niyang ani saka nagpasimulang humakbang palapit dito.

"We're newly wed. It's our honeymoon. So you have to show the people that we're really in love. Meet me at Grand Hotel at 6pm. Wear your sexiest attire." Bulong niya sa tenga nang babae saka niya ito iniwan sa silid. Isang masamang tingin na lamang ang ibinigay niya dito.

"So you're in Alpha team now? Congrats!" Bati sa kanya nang kasamahan sa Delta team ng bumalik siya sa headquarters nila upang kunin ang kanyang mga gamit.

"Don't congratulate me, Anton." Inis na wika ni Caroline habang nagpasimulang ilagay ang mga damit sa maleta.

"Well, you're a woman..a beautiful woman so I think they will not be rough on you." Pampalubag nang loob na wika nito.

"At kelan nila ginawa 'yun ha? Lahat nang pinasama nila sa Delta team, asan na sila ngayon? Kung hindi mga naging guards at janitor na ngayon, karamihan nag-quit na!" Mapait niyang wika.

"That's right. That's why when I heard na ililipat ka sa Alpha team I know may gagawin na naman sila." Pag-sangayon ng isang agent na babae na pumasok sa silid na kinaroroonan nila.

"Hey girl!" Malungkot na bati ni Caroline dito saka niya ito niyakap ng mahigpit.

"What should I do, Becca? I have no choice!" Giit niya dito habang muling binalikan ang iniimpakeng mga gamit.

"I know. Don't worry. Tawag ka lang. We will try our best to help you. You are still our team leader. Right, Anton?" Wika nito.

"Makakaasa ka, boss." Pabirong ani ng lalake.

"Ofcourse, di kau pwedeng makiinvolve dahil misyon to ng Alpha team. You know, Agent 1. Walang pinapalampas ang lalakeng 'yun." Wika niya kasabay ang malalim na buntong-hininga.

"But he's so hot! Isipin mo na lang na kasama mo si Mr. Cutie."Tila kinikilig na ani ni Becca.

Naiiling naman siya habang isinasara ang kanyang maleta.

"So ano anong pinapagawa niya ngayon?"Usisa nang kaibigan.

Huminga siya ng malalim saka napapikit.

"He wanted me to pretend that I am his wife!" Inis na pag-amin niya. Kapwa naman napaawang ang mga labi ng dalawang kaharap saka makahulugang tumitig sa kanya.

"Oh...my...God!" Tila di makapaniwalang bulalas ni Becca.

"Hihimatayin yata ako!" Dagdag pa nito na nagkunwari ngang hinimatay pero natatawang sinalo naman ito ni Anton.

"I hate you! Both of you!" Matalim anp mga matang singhal niya sa mga ito saka mabilis na hinila ang maleta para lumabas ng silid.

Napabuga siya sa hangin ng marinig pa rin ang malalakas na halakhakan nina Anton at Becca.

"God, help me." Bulong ni Caroline sa isip habang inaalala ang mga binitiwang salita ni Kyel.

"We're newly wed. It's our honeymoon. So you have to show the people that we're really in love. Meet me at Grand Hotel at 6pm. Wear your sexiest attire."