webnovel

UNO (Tagalog)

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020

Blessedy_Official1 · Action
Not enough ratings
36 Chs

Becca

Matapos siyang ihatid ng lola niya sa kanyang silid ay inayos niya muna ang gamit at nagbihis ng pantulog. Nang makahiga na sa kama ay agad niyang kinuha ang cellphone at nag-dial.

"My God, Melissa!!! I miss you so much!!!!" Tili ng kaibigang si Becca ng makipagkita siya dito sa isang restaurant. Nagyakapan sila ng mahigpit.

"Parang walang nagbago sa'yo after almost five years na hindi kita nakita! You still look so beautiful and sexy, my friend!" Papuri nito sa kanya ng maupo na sila't makapag-order.

"Ikaw din, Becca. Iba talaga pag nakapangasawa ng milyonaryo." Nakangiti niyang ani sabay kindat dito. Isang mayamang businessman kasi ang napangasaw ng kaibigan kaya halata sa pananamit nito ang pagiging sosyalera.

"Hindi naman…" Natatawa nitong ani. "So what happened sa China? I thought you'll be staying there for good?" Pag-uumpisa ni Becca sa pag-uusisa sa tunay na dahilan ng kanyang pagbalik.

"Well, it's politics. 'Pag hindi ka na gusto ng management, they will let you go." Mapait niyang ani saka nginitian ang waiter na kasalukuyang naghahain sa mesa ng kanilang orders.

"How sad..I've heard you worked hard para makuha sa national team ang mga tine-train mo." Ani ni Becca saka sumubo sa inorder niyang lasagna. Isa kasi siyang professional martial arts trainer.

"Well, tingin ko mas ok na rin ang nagyari. Maaalagaan ko na si lola." Wika naman niya habang nakapukol ang mga mata sa labas ng restaurant. Dahil glass lamang ang dingding nito ay makikita ang mga sasakyang paroo't parito maging ang mga taong dumaraan.

Napatango naman ang kaibigan sa sinabi niya.

"At madalas na tayong magkikita." Nakangiting dagdag nito.

"So ano ng plano mo ngayon?" Pagpapatuloy na tanong ni Becca.

Sandali siyang nag-isip habang sumisipsip sa straw ng inorder na milkshake.

"I am planning to establish my own sports clinic." Masigla niyang pagbabalita sa kaibigan. Namilog naman ang mata nito at masayang tumunghay sa kanya.

"That's great, Melissa! At alam kong may kailangan ka sa akin." Nakangiting ismid nito sa kanya. Napatawa naman siya ng malakas saka muling kinidatan ang kaibigan.

"Anyway, are you still single?" Pag-iiba ng usapan nito.

"Yeah. Single since birth." Natatawa niyang sagot.

"O…M..G..! May plano ka bang tumandang dalaga?!" Reklamo ng kaibigan saka siya umismid. Lalo lang napalawak ang ngiti niya saka piniagtuunan ng pansin ang pagkain.

"I heard Kervy visited you in China every now and then. What happened?" May langkap na panunudyong ani muli ni Becca na binigyan siya ng isang makahulugang tingin.

"Almost every day kamo." Pagtatatama niya sa sinabi ng kaibigan.

"Every day?! From Philippines to China?!!!" Hindi makapaniwalang bulalas nito.

"I don't know bakit halos araw-araw siyang sumisilip sa gym. He said my business transaction daw siya doon at nagkataon na andun din ako so 'yun…" Pagkwekwento niya. Lalo naman namilog ang mat ani Becca sa narinig.

"What do you mean? Hindi mo siya binigyan ng chance? Melissa, since high school pinopormahan ka na niya! At ngayon, he is still single…waiting for you! And take note, he now owns a multi-billion company and his dad is now our governor!" Binigyang-diin ni Becca ang bawat salitang namutawi sa bibig.

"Eh di wow." Tipid naman niyang reaksyon sa sinabi ng kaibigan.

"And speaking of Kervy…he's here." Pagbabalita ni Becca. Huli na para umalis si Melissa dahil nakalapit ngayon sa pwesto nila ang lalake na umaliwalas ang mukha pagkakita sa kanya. Agad naman siyang napatayo upang salubungin ito at binigyan niya ito ng matamis na ngiti.

"I miss you, babe." Bungad nito pagkalapit sa kanya saka siya niyakap at dinampian ng maliit na halik sa pisngi. Inabot din nito sa kanya ang dalang bulaklak.

"Don't call me that." Bulong niya dito bago maghiwalay ang kanilang mga katawan. Napatawa na lamang ito saka siya muling tinunghayan.

"You're still gorgeous, Melissa. My God!" Tila wala sa sariling bulalas nito ng pag-aralan siya mula ulo hanggang paa.

"That's what I told her a while ago, Kervy." Sabad ni Becca.

"Oh, Becca. I'm sorry, you're here pala. I almost forgot about you." Natatawang ani ni Kervy na nakipagbeso-beso sa babae.

"Ok. So I think, I should go." Nakangiting ani ni Becca saka binigyan ng makahulugang tingin si Melissa. Bago pa man makapag-react ang dalaga ay mabilis na silang iniwan nito.