webnovel

Prologue

A Prophecy

A Curse

A War

An Unknown Deity

That will put everything in mess

~•~

"Hanapin niyo siya! Hindi siya pwedeng makatakas," narinig kong sigaw ng isa sa mga kawal.

Hindi, hindi nila ako pwedeng maabutan. Hindi nila pwedeng makuha ang kapangyarihan ko.

Paika-ika akong tumatakbo nang mapansin ako ng isa sa mga kawal.

"Ayun siya!" sigaw niya kaya napatakbo ako.

Argh, kailangan kong gumamit ng kapangyarihan ko para hindi nila ako mahabol. Hinawakan ko ng mariin ang kamay kong nagdurugo para maisagawa ito. May lumabas na itim na anino rito at unti-unti kong ibinukha ang mga kamay ko at ang aninong ito ay nag-anyong tao na kamukhang kamukha ko. Pagkatapos nito ay naging isang uwak ako at lumipad ng mataas kahit pa medyo nagdurugo ang pakpak ko. Pagtingin ko ay hinahabol na nila ang anino napangisi na lang ako sa isipan at lumipad ng lumipad papunta sa malayo.

Nang may madaanan akong kweba ay dumapo ako roon at saka nagbalik sa pagiging anyong tao, malapit na ang oras ko. Hindi ito pwede, hindi nila pwedeng makuha ang kapangyarihan ko. Patawad na lang sa 'yo pero kailangan kong gawin 'to para hindi manaig ang kasamaan sa mundo.

~•~

Takbo, takbo, takbo, iyan lamang ang laging ginagawa ko upang pagtakpan ang sarili ko.

Takot, iyan ang bumabalot sa pagkatao ko. Takot na mamatay at may mamatay.

Kaya ako'y nagtatago na lamang. Nagtatago sa mga anino at kadiliman na siya na ring kaibigan ko.

Pero ngayon, hindi na ako magtatago. Hindi na rin tatakbo at aalisin na ang takot.

Haharapin ko na ang mga problema at mga responsibilidad ko. Dahil ako ang Unknown Deity.

Sorry if it looks cliché to you, but don't worry I'll make it a worth reading story.

Lemonada_WPcreators' thoughts