webnovel

Chapter 1

Margarette's PoV:

Andito na naman ako sa bar. Tamang inom-inom lang muna. Walwal to the max ang peg ko ngayon.

Nag iisip isip kung bakit hindi ako naging sapat sa boyfriend err... I mean ex boyfriend ko. Oo tama kayo. Nag-eemote ako ngayon. Damn that Calix. Hindi mapigilan ang init sa katawan eh. Isa pa yang si Alice. Ang mahadera kong bestfriend. May hint naman na siguro kayo sa nangyari noh.

Hindi ko maiwasang maalala ang tagpo naming tatlo. Pwedeng-pwede na kami sigurong pumasa bilang artista dahil sa nangyayari sa aming tatlo. Tapos ako yung kontrabida sa love story nila. Kikita ako ng malaki non. Ang saya-saya talaga *insert sarcastic laugh*.

F L A S H B A C K

Hmm... nakapagtataka naman. I was calling Calix for many times but hindi nya sinasagot. It's our 3rd monthsary today.

For the past months ay mas lalo ko syang minahal. He is my ultimate crush since then. Alam yun ni Alice, ang bestfriend ko. Kaya nga parang dream come true nung niligawan nya ako. Hindi na ako nag-atubili pa at sinagot na rin sya matapos ang isang linggo. Mahirap na noh. Baka mamaya makahanap ng iba. Sayang naman.

Maraming sabi-sabi na si Calix ay isang playboy dahil na rin sa marami na syang naging girlfriend but sa tingin ko naman ay nagbago na sya. Ang sweet nya kaya sa akin. And nirerespeto nya ako. Halos nasa kanya na ang lahat eh ako na lang ang kulang xD. Kaya nga grabe ang pagkahulog ko sa kanya eh.

I decided na magpunta na lang sa condo nya since Saturday naman ngayon. Walang masyadong ginagawa. 

I brought some cake for us. Siguro ay naghahanda sya ng surprise para sa monthsary namin kaya hindi sya sumasagot. He loves surprises kase. Hindi ko maiwasang kiligin sa aking naisip.

Masaya akong naglalakad sa condo nya. Alam ko naman ang passcode kaya madali lang makapasok. Pagpasok ko palang ay nakita ko na ang mga nagkalat na damit.

Hays, ano ba yan ang burara naman ng boyfie ko. Bakit may t-shirt sya dito na nakakalat lang? Hindi na naman siguro naglinis ang isang yun. 

Nakakita rin ako ng bra sa sahig at hindi ko maiwasang kabahan. Pwe. Baka naman dumating lang dito ang ate nya kaya ganon. Tama Margarette. Huwag kang mag-iisip ng masama kay Calix.

I heard a moan sa bedroom ni Calix. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko. Wait lang Margarette. Baka naman nagzuzumba lang silang dalawa kaya ganon. Oo nga baka ganon nga lang.

Nakaawang ng kaunti ang pintuan kaya sumilip ako para na rin masagot ang mga tanong ko sa aking isipan.

Ngunit sana pala hindi na ako sumilip pa. Unti-unting naglaglagan ang mga luha sa aking mata. Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan.

I just saw my boyfriend banging my bestfriend....

Nabitawan ko ang dala kong cake na nagpatigil sa ginagawa nilang dalawa. Nagtama ang mata namin. Halatang-halata ang gulat sa mga mata ni Calix. Fuck him. 

"B-Babe let m-me explain." Gago anong explain-explain?. Di pa ba sapat yung nakita ko? Pero syempre I let him explain his side.

I heaved a sigh and tried to control myself from doing anything.

"Alam mo naman lalaki ako. May pangangailangan rin ako. And hindi mo kaya yung ibigay. First kiss mo nga di mo maibigay sa ak---" Hindi ko na sya pinatapos pa at sinampal na agad. How dare he?!Tanginang init sa katawan yan. Buti na lang talaga at hindi ako bumigay sa kanya.

"I get it now. Let's break up. Oh, and Happy 3rd monthsary jerk." 

E N D

Oh diba, he's really a jerk. For the past few days, andito lang ako sa bar. Nag-iinom. Nagpapakasaya para makalikutan sya. Syempre masakit eh. First Love at First BF ko yun tapos bestfriend ko pa. Oh diba. Anyways, wala namang maghahanap sa akin dahil nasa ibang bansa sina Mom and Dad.

Mga lalaki talaga, hindi na nagbago. Kapag manloloko, manloloko pa rin kahit anong gawin mo. Tsk.

I think tama na siguro itong ginagawa ko. Napapabayaan ko na ang sarili ko dailh sa nangyari. This will be the last. I need to start moving forward. Mabuti na lang at nagfile na rin ako ng transfer papers. Magtatransfer ako into a new school for a fresh start. And ang napili ko ay Sarxel University.

Marami-rami rin ang tao dito sa bar. Marami na rin ang nagtanong kung pwede daw bang makiupo sa table ko. Mapababae man o lalake. But mas marami ang babaeng nagtatanong. Pinapaalis ko din naman agad ang mga iyon dahil nakakairita sila. Alam ko na galawan nyo. Tsaka wala akong talong hmp.

Nilapitan ako ni Xyzrielle para balaan na wag masyadong maglasing at ayaw nya raw na iuwi ulit ako. Isang tango ang sinagot ko sa kanya. Anyways, si Xyzrielle nga pala ang nag uwi sa akin one time nung nalasing ako ng todo. And super thankful ako sa kanya dahil hindi nya ako pinabayaan.

Medyo tipsy na rin ako but I decided to join the dance floor. Sayang naman ang gabi kung magmumukmok lang ako diba. I can sense na maraming napapatingin sa akin. Well, bahala sila dyan.

I started enjoying the hyper crowd. Grabe. Party-party na talaga. Nawaglit lang ang pagsayaw ko nang may naramdaman akong nakahawak sa mga braso ko. Agad ko namang tinignan ang may-ari ng kamay na ito baka kase mamaya, manyak na lalaki. 

But no, isang magandang babae ang nakita. As in sobrang ganda. Kinabog nya ako. Shit. As our eyes met, I felt some butterflies in my stomach that I cannot explain. Lasing lang siguro ako.

I smiled at her and she smiled back at me. Damn sobrang ganda nya talaga. Ayoko naman magmukhang weird kaya itinuloy ko na lang ang pagsayaw. She also did the same. We're enjoying the beat. And suddenly, I felt happy from that.

"Hey, can you accompany me to the nearest restroom?" tanong ni Ganda. Damn. Hindi naman ako nainform na foreigner pala sya. Mapapasabak ata ako sa englishan.

"Yeah sure. Let's go." I don't want to sound rude to her and baka kase mamaya mabastos sya pagpunta don. Mahirap na noh.

I held her waist to support her. Wala namang akong narinig na pagtutol mula sa kanya.