webnovel

Unexpectedly In Love With You

Were too different from one another. Magkaiba ng hilig, gusto, ugali, at relihiyon. Kung anong ayaw niya gusto ko, at kung anong gusto ko ayaw niya. But unexpectedly, I fall in love with him. I fall in love with his weirdness. I fall in love with his uniqueness and most of all I fall in love with his perseverance.

Maria_Ayagil · Teen
Not enough ratings
4 Chs

KABANATA 2

"Mama, aalis na ako!" Sigaw ko matapos masuot ang aking itim na sapatos.

"Mag-ingat ka. 'Wag kang gagawa ng kalokohan." Lagi niyang paalala.

"Hindi po ako gumagawa ng kalokohan. Ang bait bait ko." Sambit kong tama lamang na marinig niya. Nasa harden siya at nagdidilig ng kaniyang mga iba't ibang uri ng halaman.

Iniabot sa akin ni Kuya ang helmet. Sinuot ko iyon at umangkas na sa kaniyang Nmax na motor. Nagpasalamat akong maaga siyang pumapasok ngayon. Patagilid akong umangkas dahil ayokong bumukaka. Hindi ko trip bumukaka kapag may period ako.

Gaya ko'y nag-aaral rin si Kuya Julius. Graduating college student na siya na may kursong BSA sa Divine Word College of San Jose. Ang Divine na siguro ang pinakasikat na private school dito sa bayan ng San Jose, though marami namang ibang private schools, this catholic school really stand out for good.

Kaya nga sobrang laking gulat ng lahat nang nalaman nilang sa University National High School ako nag-enroll ng High School. Simula't sapol kasi'y sa private school nag-aral ang Kuya, kaya ganpon nalang ang gulat ng iba nang malamang sa pampublikong paaralan ako nag-aaral.

Hindi naman talaga siya big deal sa akin. Wala akong paki kung private o public ang school na pinapasukan ko as long as natuto naman ako. Marami lang talagang tao ang mapangmata at ginagawang big deal ang mga ganoong bagay.

Naalala ko pa dati, nang pauwi ako ng bahay sakay ng tricycle. Since, barangay captain ang papa ko at public school teacher ng Mapaya ang Mama ko kahit hindi ko kakilala ay kilala ako maslalo na kung taga-barangay namin.

"Anak ka ni Jose 'di ba?" Ang ginang na naover sa clear skin ang pisngi at tila ba nagmumukha nang longganisa.

"Yes po." Sagot ko.

"Saan ka nag-aaral?" Masigla niyang tanong.

"Sa UNHS po."

Napakunot noo siya bigla. Mukhang hindi sa inaasahan niya ang naging sagot ko.

"Hindi ka nag-private school?" Tanong pa niya.

Tumango ako. "Opo. Hindi po." Magalang kong sagot.

Pilit siyang ngumiti tsaka bumulong kung bulong nga ba talagang matatawag iyon dahil rinig ko namang talaga.

"Anak ng kapitan tapos sa public school lang nag-aaral."

Hindi nalang ako umimik. I keep my mouth shut hanggang sa huminto ang tricycle sa gate ng aming bahay.

But deep inside, natanong ko rin sa sarili ko. Kapag ba anak ka ng kapitan dapat sa private school ka nag-aaral? Required ba 'yon?

In searcing for the right answer narealize kong iba pala ang tingin talaga ng ibang tao kapag politician ang iyong magulang at sa kilalang pamilya ka nagmula. Na dahil tingin nila ay nakakaangat kayo sa lipunan at may inaalagaang imahe na kailangan i-maintain ng tuluyan ay ganoon na lamang ang expectation na kanilang inaasahan.

Pressure, surely is the word that could make one's life miserable. Na dahil ang laki ng expectation ng mga taong nakapaligid sa'yo doon ka nalang nakafocus. Sa kanilang sasabihin ka nalang nagkabase. Kaya sa huli, hindi mo na alam kung ano ba talagang gusto mong gawin sa buhay dahil sa ibang tao nakabase lahat ng iyong kagustuhan.

Laking pasasalamat ko rin dahil hindi ganoon sina Papa at Mama. Hindi nila kami prinipressure ni Kuya na gumaya sa kanila. Hindi sila authoritarian. Lagi silang masaya sa kung anong nakayanan naming magkapatid.

"Baba na," masungit na sabi ni Kuya nang itigil niya sa gate ang kaniyang motor.

"Atat? Nagmamadali?" Asar kong sabi habang tinatanggal yung helmet ko. Wala pa nga isang minuto siyang nakapark eh.

"Kapag ako nalate nang dahil sa'yo hindi na kita isasabay bukas ng umaga." Panakot niya sa akin.

Siyempre, effective 'yon. Mabilis akong pumadaos sa kaniyang motor para tuluyang makababa.

"Ingat ka kapatid!" Nagflying kiss pa ako kay Kuya pero tanging usok galing sa tambutsiyo ng kaniyang motor ang aking natanggap.

"Bastos!" Gigil kong usal. "Pasalamat ko sa lababo ko lang kinuskos ang toothbrush mo hindi sa inidoro!" Hindi ko alam kung narinig niya 'yon o hindi. Wala rin naman akong pakialam kung narinig niya.

"Aga aga, badtrip ka agad." Sambit ni Psalm na kakarating lang din. Buti pa 'tong isang 'to. Sampung hakbang lang ang layo ng bahay sa school.

Tinitigan ko siya. Malapad siyang ngumiti sa akin. "Kung mukha mo ba naman una kong makikita sa umaga talaga namang nakakabadtrip."

Nawala yung ngiti niya sa labi. "May regla ka ba? Para kang asong bagong panganak ah."

"Gusto mo kagatin kita?" Pinakita ko ang ngipin ko sa kaniya.

Lumayo siya sa akin. "Ayoko nga. Mas matindi pa rabies mo kaysa aso eh."

Inirapan ko siya bago ako tuluyang pumasok sa gate. Naramdaman kong sumunod si Psalm sa akin.

University National High School is a public high school here in Mangarin. Nag-iisang high school sa gitna ng malawak na bukirin. Bilang lamang sa kamay ang pasilidad ng paaralan ngunit sadyang tama lang naman sa bilang ng mag-aaral. Dalawang seksyon ang grade seven at grade eight. Tatlong seksyon naman ang grade nine at grade ten.

Kung tutuusin ay napaka liit lang ang paaralang ito. Hindi gaya ng ibang private school sa bayan. Ngunit, maliit man ang paaralang ito'y hindi naman matatawaran ang laki ng alaalang ipinagkaloob nito sa akin mula noon hanggang sa kasalukuyan.

"Psalm, naglalakad ako." Asar kong sambit kay Psalm dahil kanina niya pa ako kinakalabit habang naglalakad kami sa hallway papunta sa aming silid.

Isang kalabit pa ulit ang aking naramdaman sa aking likuran, sa bandang braso. Pinagwalang bahala ko iyon. Dinalangin ko na tumigil na siya kasi naiinis na akong talaga. Ngunit hindi niya ata narinig ang dalangin ko dahil sinundan niya pa ulit ng isang kalabit, sa badang siko naman. Tapos isa pa uling kalabit sa bandang batok.

Bigla ako tumigil sa paglalakad tsaka siya hinarap. Tinaas ko ang isa kong kamay para gawaran siya ng isang malakas na sampal.

Pak!

Umupo paluhod si Psalm!

Huli na para mapigilan ko ang aking sarili.

Ibang lalaki ang nasampal ko!

Napasinghap lahat ng nakakita sa ginawa ko. Natutop ko naman ng kamay ang aking bibig nang mapagsino ang lalaking nasampal.

To all the people! Bakit yung pinsan pa ni Krizzia!

Namula ang mukhang ng inosenteng lalaki sa ginawa ko. Ang mukha niya'y lumihis sa kabilang direksiyon dahil sa lakas nang ginawa kong sampal.

Hindi naman ako brutal pero kapag naiinis talaga ako at kapag may period maslalo na kapag first day nagiging sadista ako at mainitin ang ulo. Minana ko raw iyon kay Mama.

"I-I...." Tila naparalisa ang aking boses sa sobrang guilty.

Binalik ng lalaki ang tingin niya sa akin na walang kangiti ngiti.

I gulped.

"S-Sorry," nauutal kong hingi ng paumanhin sa mababang boses.

Mataman niya lang akong tinitigan ng ilang segundo bago umiwas ng tingin at walang salitang naglakad. Linampasan niya ako. Dumaan siya sa gilid ko.

Gusto kong sabunutan ang aking sarili sa katangahan kong ginawa. Nagbulong bulungan ang mga nakakita habang linalampasan lang ako ng lakad.

Gusto ko nalang tuloy palamon sa semento.

"Okay lang 'yan. Ang mahalaga buhay ka." Si Psalm na hindi ko alam kung nang-iinsulto o ano nang makarating kami sa room.

Masama ko siyang tinitigan. "Kasalanan mo 'tong lahat!" Asar kong sambit sa kaniya bago siya sinakal.

"Bakit ako?" Nagmamaang-maangan niyang tanong habang nakaturo sa kaniyang sarili.

Ibinagsak ko na lamang ang aking mukha sa aking desk.

"Don't worry, mabait naman iyon." Si Krizzia habang kumakain kami ng lunch sa canteen.

"Baka hindi na ako pansinin, Kri. Itong si Psalm kasi eh. Padayaw!" Sambit kong maiyak iyak na. Hindi ako nakafocus sa pang-umagang kong mga subjects kanina kakaisip sa nagawa kong kasalanan.

Ni maski kumain ngayon ay hindi ko magawa dahil sa guilt. Dinuro duro ko lang ng tinidor ang tinolang manok na ulam ko.

"Ilang sorry pa ba ang kailangan mong marinig mula sa akin mapatawad mo lang ako?" Si Psalm na hindi ko alam kung nagbibiro o nang-iinsulto.

"Four," sagot.

"Apat lang pala eh," aniyang suminghot.

"Fourever," dagdag ko sabay irap.

Ngumisi siya. "Walang ganon." Aniya sabay kain.

"Nakakayanan mo rin lumunok kahit ikaw yung dahilan ng lahat, Psalm?" Nanunuya kong tanong sa kaniya.

"Oo naman. Masarap kasi yung ulam tsaka maganda yung tirik ng araw." Sagot nitong hindi mawala ang ngisi sa labi.

"Maganda pa rin kaya kung mata mo yung patirikin ko?" Gigil kong tugon.

"Mata nalang ni Austin patirikin mo dahil hindi mo mapapatirik mata ko."

Mahigpit kong hinawakan ang aking tinidor at dinuro iyon sa kaniya. "Di ka titigil, itutusok ko 'to sa mata mo."

"Shut it, Psalm." Kampi sakin ni Krizzia.

Psalm rolled his eyes.

"Fine. I'm gonna shut my mouth now." Aniya at tumahimik na nga.

Halos hindi ko pa nakalahati ang aking pagkain dahil wala talaga akong gana.

Nang uwian naman hindi ako mapakali.

"Sure ka kaya mong mag-isa rito?" Si Krizzia na may bahid ng pag-aalala.

Wala na si Psalm dahil nauna nang umuwi may aasikasuhin daw kasi siyang importante.

Nagtext sakin kanina si Kuya na medyo gagabihin siya kaya wala akong magawa kundi ang maghintay dito sa canteen kasama si Krizzia.

"Oo naman, Kri. Kaya ko." Nakangiti kong sagot.

Alam ko namang kailangan siya ng mama niya sa Carenderia nila. Alam kong sa tuwing matapos ang klase'y tumutulong pa siya sa Mama niya. Kaya ko namang mag-isang mahintay.

"Sige mag-ingat ka ha. Chat mo ko kapag nakauwi kana."

Tumango ako bilang sagot.

Eksakto alas singko na ng hapon. Thirty minutes na rin ang nakalipas pala. Hinatid ko ng tingin si Krizzia sa gate hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Ang message sakin ni Kuya'y eksakto ala sais niya ako susunduin. Ibig sabihin isang oras pa ang gugugulin ko sa paghihintay.

Bumili ako ng chuckie, pampakalma sa aking sarili. Ilang minuto pa ang aking pinalipas bago nahagip ng aking tingin ang classroom ng science class na nasa second floor. Bukas na ang ilaw noon.

Tumingin ako sa aking relong suot suot. Limang minuto nalang ang natitora at mag-a-alas singko imedya na. Ibig sabihin matatapos na rin ang special class ng science class.

Nang tumuntong pasado alas singko imedya ang aking relo'y manaka nakang bumaba na ang estudyante ng science class.

Nakagat ko ang aking ibabang labi nang mahagip ng aking tingin ang pinsan ni Krizzia kasama ang iba pa nitong mga kaibigan.

Yumuko ako at itinuon sa aking cellphone ang aking tingin nang mapansing palapit sila sa aking gawi. Mukhang bibili sila ng pagkain.

Nang maramdaman kong paalis na sila'y maingat kong itinaas ang aking ulo para lang makitang nakatingin din sa akin si Austin.

Ako ang unang bumawi ng tingin dahil hanggang ngayon ang nakakahiyang pangyayari kaninang umaga ang aking naaalala kapag nakikita ko siya.

Nang makasigurong wala na talaga siya kasama ang kaniyang mga kaibigan ay doon ko palang itinaas ang aking ulo.

Unti-unti na ring nagligpit ng paninda ang mga tindera ng canteen kaya minabuti ko nalang na tumayo at sa labas nalang maghintay kay Kuya.

Tumingin ako sa aking relo. Sampung minuto pa bago mag alas sais. Humugot ako ng malalim na paghinga nang makarating sa waiting shed. Umupo ako sa bench at tumingin sa panggagalingan ng motor ni Kuya. Wala akong nakikitang ilaw.

Umihip ang malakas na hangin at naramdaman ko ang samyo ng lamig nun sa aking balat. Mahigpit kong yinakap ang aking bag.

Madilim ang buong kapaligiran, walang makikitang bituin sa kalangitan. Mukha atang uulan pa.

Maya maya pa'y bigla nalang ang manaka nakang paglagiktik ng yero dahil sa pabugso bugsong patak ng ulan.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang bulto na papalabas ng gate. Humigpit pang lalo ang yakap ko sa aking bag habang pinapakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Hindi pa ako makapaniwala nang mapagsino ang lalaki. Lumapit siya sa aking gawi para makisilong.

Hindi ba umuwi na siya kanina? Sambit ko sa aking isipan.

"Don't give me that kind of look. I forgot something." Aniya na tila ba nabasa ang tumakbong tanong na nasa aking isipan.

"Nakuha mo naman ba?" Tanong ko sa kawalan ng masabi. Sinisi ko pa sarili ko kung bakit ko iyon natanong.

"Yup," he answered.

I bite my lips from asking another stupid question.

"Sorry nga pala kanina hindi ko sinasadya." Sa huli ay sabi ko. That's good, kaysa naman magtanong ako.

"Don't mind it. No worries." Sabi niya. Bigla akong inatake ng hiya. Napayuko ako.

"Pero ang sakit mo palang manampal kahit ang payat payat mo lang." He chuckled.

Oh gosh! Gusto ko nalang magpalamon sa semento.

"Sorry." Sambit ko ulit.

He chuckled again. "Favorite word?"

Napalingon na ako sa kaniya. He seemed amuse or something.

Umiling ako. "You're Krizzia's close friend?" He asked. Mukhang wala pang balak umalis o di kaya'y nagpapalipas oras lang dahil medyo malakas pa ang ambon.

"Yup. Ikaw? Pinsan niya?"

Tumango ito. "Second cousin."

"Hindi ka pa uuwi? May hinihintay ka?" Taka niyang tanong.

"Hinihintay ko sundo ko. Hinihintay ko si Kuya." Sambit ko tsaka pasimpleng tumingin sa aking relo sakto alas sais na.

"Ayan na ata sundo mo." Aniya tsaka lumingon sa kalsada. Napalingon na rin ako roon. Nakita ko ang isang ilaw ng motor na papalapit sa aming gawi.

"Una, na ako." Aniya bago tumalikod. Di ko na rin siya pinigilan dahil bumusina na si Kuya. Sakto rin namang tumigil na ang ambon.

Mabilis akong umangkas sa motor ni Kuya. At habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang mainis sa aking sarili.

"Hindi man lang ako nagpakilala sa kaniya." Mahina kong sambit at napatapik sa aking noo.

:)