webnovel

Prologue

I've never been a perfect girl but I am so close to be it. I'm a simple beautiful mean girl. Kontento na ko sa kung ano ang meron ako. Masaya na ang buhay ko pero may dumating na asungot na nagbigay kaguluhan sa masaya at tahimik kong buhay.

My great life is what I really care about. But everything changed nung nakilala ko ang sobrang hambog na si Niall Aron Labrusca. Nakakabwisit na tao, walang galang, napakataas ng tingin sa sarili pero sabihin na nating may hitsura. But I will never fall from his looks kahit sobrang gwapo niya.

Hindi ibig sabihin na nagwawapuhan ako sa kanya ay gusto ko na siya. Jusko, napakalabo. Sobrang labo.

I'm Riva Nathalie Ramos, "Nat" for short.

Nandito ako ngayon sa airport. Susunduin daw kami ng mga volunteers para sa medical mission for Aeta communities sa Capas, Tarlac.

"Hay, salamat. Nakarating na rin tayo rito after 3 hours." reklamo ni Doc Raffi.

Natawa na lang ako. "Ulol, tulog ka nga buong byahe." sumbat ni Nurse Kyla.

"Oh, paano tayo? Ano nang meron?" inis na sabi ni Nurse Sam.

"Ewan, wala tayong magagawa kundi ang mag-intay." saad ni Nurse Kath.

Ang tagal naming nag-iintay ng sundo. Grabe!

"Ang tagal naman ng sundo natin. Nakakainis na." sabi ni Doc Martin.

"Teka, sino ba ang susundo?" nagtatakang tanong ni Nurse Trisha.

Napatingin kami sa itaas nang may marinig kaming tunog ng helicopter.

Napakunot ang noo ko. "Doc, akala ko ba eroplano ang susundo." tanong ko kay Doc Luna.

"Ayaw mo nun, makakasakay tayo ng helicopter." natatawang sabi niya.

I shrugged. Hindi ko naman kasi ineexpect na ganun ang mangyayari. Nabigla akong helicopter pala ang susundo.

Hindi pa naglalanding ang helicopter nang biglang mahulog ng scarf ko. Ugh! Badtrip.

Dadamputin ko na sana ang scarf ko nang makita ko kung sino ang bumaba mula sa helicopter. Hindi ko agad namalayan na nakalapag na pala sila.

Unti-unti siyang lumapit sa'min kasama na ang iba pang volunteers. Para akong tangang natuliro dahil hindi ako makakibo sa kinatatayuan ko.

Wala akong masabi nang biglang dinaanan niya lang ako na parang wala lang. Nilampasan niya lang ako na parang hindi niya ako kilala.

Yung tipong wala kaming pinagsamahan noon at parang ngayon lang kami nagkita.

Yung tipong hindi niya ako sinaktan.

Hindi niya ako iniwan.

Yung parang walang naging kami.

Dahil hindi naman pala talaga naging kami.

"Good morning, medical team." narinig kong bati ng isang volunteer.

Hindi pa rin ako makalingon dahil alam kong nandoon ang ayaw kong makita.

"I think, this scarf is yours." napapitlag ako dahil sa gulat. Hindi ko alam na dadamputin niya pala ang puti kong scarf.

Tinanggap ko na lang 'yon mula sa kanya nang walang pag-imik. Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko.

Bakit parang hindi pa rin ako nakamove on?

It's been five years magmula noong huli naming pagkikita pero hanggang ngayon sobrang lakas pa rin ng dating niya para sa'kin.

Tumalikod siya sa'kin para harapin ang mga kasama ko. Napatingin naman ako sa kanila habang kung ano-ano ang naiisip. Napakarami ng tanong ko para sa kanya.

"Welcome in Tarlac. I am Niall Labrusca, a volunteer from our company. It's a pleasure meeting all of you."

Nanlumo ako sa narinig ko. Volunteer din siya? Pero enginner siya.

Pwede bang magback-out? Gusto ko nang umuwi at huwag na lang tumuloy.

Bakit ko pa kasi siya kailangang makita ulit? Ugh!

"Pasensya na kayo, hindi kayang maglanding ng eroplano sa pupuntahan natin. Kaya sasakay tayo ng chopper." paliwanag ng kasama niya.

"Kaya hindi natin madadala ang lahat ng bagahe niyo. Mamili na lang kayo ng maaari niyong dalhin papunta roon. Kung maaari, mga essentials lang." saad ni Niall.

"Babalikan na lang namin mamaya ang mga luggage niyo kaya huwag kayong mag-alala." sabi ng kasama niya.

"I think, that's settled." natatawang sabi ni Doc Luna.

Tiningnan niya ako na parang inuutusan nang magmadali. Kaya napapunta agad ako sa mga luggage namin at hinanap ang mga essentials na nararapat munang dalhin.

"Medical supplies muna para maayos agad natin ang site." utos ko. Sumang-ayon silang lahat sa'kin.

Ako ang leader ng medical team namin kaya dapat magfocus ako at hindi isipin ang mga nakaraan na.

"Okay ka lang ba, doc?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Nurse Trisha.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Oo naman."

Tinapik ako ni Doc Martin. "Cheer up! Hindi ka mabubuo kung palagi kang babalik sa kung anong sumira sayo."

Natauhan ako sa sinabi niya. Kaya inayos ko na ang mga dadalhin para sa medical mission.

"Is everything okay?" natutuwang tanong ni Niall.

Tumango ako. "Let's go!"

Sasakay na kami ng chopper nang biglang natapilok ako sa unang tapak ko kaya na out of balance ako.

Muntik na akong mahulog. Napapikit ako at hindi ko ineexpect na parang may sumalo sa'kin.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nagulat ako nang makita ko ang pagmumukha ng gago. Sinalo niya pala ako.

Bigla na lang akong napatayo. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong sabihin at gawin.

"Sa susunod, mag-iingat ka para hindi ka mahulog." mayabang niyang sabi.

Inirapan ko siya. "Nahulog na ako noon pero walang sumalo." pagmamataray ko.

Nagdahan-dahan na akong sumakay para hindi na ako mahulog pa. Baka wala na talagang sumalo sa'kin, mahirap na.

I wish we didn't know each other, Asungot.

"Doc, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nurse Sam.

Ngumiti ako. "Oo, nahulog lang sa maling tao."

"Sa susunod, huwag kang tatanga-tanga." galit na sabi ni Niall.

Shit lang! Sa kanya pa talaga nanggaling ang mga salitang 'yon.

Kainin niya sana ang mga sinabi niya.

Walang-wala na ba? Siya lang ba talaga ang pwedeng sabihan ako ng tanga? Ugh!

Ginawa ko naman ang lahat para kalimutan ang asungot na 'yon.

Sa sobrang kamalasan ko, ang gagong iniwan at sinaktan ako, ang napili ng tadhana para makasama at makatrabaho ko ulit.

What the hell?

Sa dinami-dami nga naman ng patutunguhan at sa rami ng mga taong makakasalamuha ko sa araw-araw, bakit siya pa ang taong nakilala ko? At sa layo na nang aking narating bakit siya ang lagi kong nakakatagpo?

Napapaisip nga ako kung bakit laging ganoon ang pagkakataon? Is it really just a coincidence or fate? Mananatili na lang ba akong nakikipaglaro kay tadhana na laging napakaruming lumaban?

It's really annoying what unchained fondness can do. I can't stop it. I really can't.

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Ahnleeracreators' thoughts