webnovel

Chapter 24: The Birthday Celebration

Third Point of View

Kasalukuyang naghahanda na si Althaea ng kanyang sarili para sa kanilang biyahe patungo sa Bonevo Island na kung saan gaganapin ang kanilang kaarawan.

Paglabas niya ng kwarto kaagad na siya sinalubong ni Zen at ito na mismo ang nagsaklay ng kanyang knapsack.

"Let's go?" Napatango kaagad ang dalaga sa sinabi ng binata.

Pinag-secure niya ang buong apartment bago sila lumabas. Naglalakad na sila patungong elevator hanggang sa makalabas na ng building.

Kaagad siyang sinalubong sa loob ng SUV ng kanyang tatlong kaibigan pa.

"Sa wakas, narito na rin si Althaea!" sambit ni Rayver na siyang driver ng kanilang sasakyan at kanina na rin sila naghihintay sa dalaga.

"Pasensya na kayo. Tinignan ko pa kasi iyong mga gamit ko sa bag kung may nakalimutan akong ilagay o wala." paliwanag ni Althaea rito.

"Oh baka naman...." Bigla na lang hinampas ni Zen sa ulo si Xavier.

"Baliw!" kaya bahagyang napasimangot si Althaea sa kanyang narinig.

"Bastos mo talaga, Xav. Di ka nabago tzk." Reklamo rin ni Gin sa kaibigan.

"Ang tagal kasi nila eh." Dagdag pa nito at ngumisi naman si Rayver.

"Gusto mo pa ng mahampas ng unan sa ulo, Xav?" sambit ni Zen.

"Mabuti pa umalis na tayo. Tama na 'yan kasi malayo pa ang biyahe natin." biglang singit ni Althaea sa usapan.

"Tama si wifey. Paandarin niyo na ang kotse at itigil na ang kalokohan."

Mahigit limang oras ang naging biyahe nila patungong Bicol kaya naman medyo pagod sila nang makarating sa lugar.

"Wifey, pwede ba namin i-park itong sasakyan sa garage niyo?" Bilang paghingi ng pahintulot ni Zen sa kasintahan na kaagad namang tumango ang dalaga. "Mabuti naman. Maghahanap na lang siguro kami ng malapit na boarding house dito."

"Ano ka ba, Zen. Bakit hindi dito na lang kayo tumuloy tutal malaki naman ang bahay eh?" Tanong ng dalaga dahil ayaw niya pang mapagod ang mga kasama sa paghahanap ng matutuluyan.

"Huwag na wifey, nakakahiya naman." Pagtanggi kaagad ng binata na sinang-ayunan ng dalawa pang kasama.

"Tama si Zen, Althaea nakakahiya sa parent mo na diyan pa kami tutuloy." saad ni Rayver. "Huwag no kami alalahanin."

"Pero..."

"Ok na, Althaea. Tamang si Gin na lang ang makitulog sa bahay niyo. Ang ganda pa naman ng mansion di bagay sa taong tulad namin." sambit naman ni Xavier.

"Huwag ka mag-alala sa amin, wifey. Madali lang kami makakahanap ng matutuluyan dito, ok?"

Napatango na lang si Althaea at wala siyang nagawa sa pagkukumbinse kila Zen. Hinayaan na niya muna ipasok ang kotse sa garahe nila. Inalalayan kaagad ito ng guard hanggang sa makapasok na rin.

Tulalang-tulala pa rin sila Xavier, Rayver at Ginger sa kanilang nakikita.

"Napakayaman talaga ni Althaea." saad ni Xavier na may kasamang paghanga sa mansion at maging sa paligid.

"Hindi noh. Mga magulang ko lang ang mayaman." Pilit na tinatanggi iyon ng dalaga sapagkat sa kanyang magulang naman lahat ng ito.

Kahit isa sa mga bagay na nakikita nila ay hindi kanya. Simpleng buhay lang ang nais niya subalit sadyang mapagbigay lang sa kanila ang tadhana kaya naging ganito ang kanilang pamumuhay.

"Pero Althaea isa ka pa rin mayaman dahil anak ka ng may-ari niyo. Todo deny ka pa diyan!" Nakangusong saad ni Ginger at natawa ang dalawa na sina Rayver at Xavier. "Ano tinatawa niyo diyan?"

"Tama si Gin, Thaea anak ka nila kaya bahagi ka na rin ng yaman na 'to." pahayag ni Xavier dahil kahit anong tanggi sa kanila ni Althaea hindi nila ikakaila na di ito parte ng kanilang kaibigan.

Mga ilang sandali nagpakita sa kanilang si Athena ang kakambal ni Althaea.

"Sila na ba 'yong tinutukoy mo, sis?" Tanong nito pagkalapit sa kanila kasabay ng patitig sa mga ito mula ulo hanggang paa kaya nagawang tahimik ang apat maliban kay Althaea.

"Oo, Thena." sagot niya. "Kararating lang din mga bente-minutos."

"Alright, sis. I have to go now. Sorry if I disturb you by the way." Maarteng saad nito habang panay niya titig sa mga kasama ni Althaea.

Diring-diri na ito at pilit niyang di pinapahalata dahil baka magalit naman sa kanya ang kakambal.

Matapos ang ilang segundo napagdesisyon na rin ni Zen na sumibat dahil dumidilim na rin sa sa daan.

"Siya nga pala kailangan na natin umalis." Pag-iiba na ni Zen ng usapan dahil sa tingin niya kasi nasasapawan na siya ng kanyang kasintahan sa sobrang gara ng bahay at iba pang bagay na kanilang nakikita. Siyempre maging sa kung ano ang tingin sa kanila ng kakambal ni Althaea.

Masasabing di kailanman niya maaabot at maiibigay sa dalaga kahit rumaket pa siya araw-araw hindi niya mapapantayan ang estado ng pamumuhay ni Althaea.

"Malapit nang dumilim baka mas mahirapan pa tayo sa paghahanap ng matutuluyan."

Mabilis namang tumango ang dalawa pang kasama bilang pagsang-ayon kay Troezen.

"Sige, Althaea at Ginger mauna na kami." Pamamaalam muna nila sa dalawang dilag saka sila sumibat na.

"Napakaganda talaga ng bahay niyo, Althaea saka ang laki rin." Habang pinagmamasdan ni Gin ang palibot ng bahay ng kaibigan. "Oh nga pala nasaan ang kakambal mo?"

"Nasa kwarto niya ata na." Di siguradong sagot ni Althaea.

"Ganoon ba talaga siya?" Muli nanamang tanong ni Ginger sa matalik na kaibigan.

"Ang alin?" Di alam ni Althaea ang tintukoy ni Ginger sa kanya.

"Kita mo naman kanina Bez kung paano niya kami itrato at titigan."

"Ah, gan'on ba? Pasensya na kayo kung ganyan siya sa inyo. Naikwento ko na sa'yo before kung ano talaga si Athena."

"Ganda rin ng kwarto mo at maaliwala." Puna muli ni Ginger habang nililibot ang paningin ang buong kwarto ni Althaea.

Binubuo ito ng kulay peach na background at mga paintings dingding. Palibot ito. Katamtaman ang laki ng bintana pati floorings ng sahid yari din sa tiles imbes na kahoy.

"Pero may maganda ang kay Althaea. Nakapasok na ako sa kwarto niya dati. Noong nagpapanggap pa ako." sambit niya.

Pagkatapos ng usapan nila, naglinis muna sila ng kanilang mga sarili bago matulog.

"Matulog na tayo at maaga pa bukas." saad ni Althaea sa kaibigan habang abala pa rin ito sa pagtitig sa kanyang kwarto.

"Sige, Bez matulog ka na. Tignan kp lang muna itong palibot ng silid mo. Napakaganda at refreshing lang sa paningin eh."

Hindi na nga pinilit ni Althaea ang kaibigan at nauna na rin siya matulog para makapagpahinga.

KINABUKASAN. Maaga silang naghanda para sa pagpunta sa isang isla gamit ang eroplano. Sa family raw ito ni Greige at di na siya magtataka dahil mas mayaman iyon sa kanila.

Pasakay na sila ng paliparan nang makasalubong ni Althaea kasama si Zen at mga kaibigan ng dalaga ang kanyang mga magulang. Magmamano sana silang apat subalit tumanggi ang mga ito.

"Kayo pala ang tinutukoy sa amin ni Althaea lately." saad ng ina ni Althaea at tumigil ang mata nito kay Zen. "At ikaw rin iyong jowa ni Thaea, right?"

"Yes po, Tita." Magiliw na sagot ni Zen kahit kinakabahan siya dahil di niya inaasahan na sa ganitong sitwasyon pa sila magkikita ng parent ni Althaea.

"Hmm, actually ngayon ka lang namin nakilala ng personal." Striktong pahayag ng ama ni Althaea. "Hoping, na magkausap pa tayo ulit."

"Sige po."

"Alam mo naman si Althaea parating naglilihim 'yan at di talga siya nagsasabi sa'min unless kung nabububunyag kaagad." Nakangising saad pa ng Ginang. "By the way, maiwan na namin kayo. Althaea, ikaw na bahala sa kanila." Maotoridad na sambit nito saka niyaya na rin ang ama ni Althaea hanggang sa naglakad na ito palayo sa kanila.

Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe, bigla na lang nagising ang dalaga sa isang halakhak ng isang babae. Kilala niya kung kanino galing ang boses na 'yon kundi sa kanyang kakambal na si Athena. Kahit nakasuot na siya ng headset, napukaw pa rin ang pansin niya lalo na kay Greige na nakangiti pa ito habang nakikipag-usap at biruan sa kanyang kapatid.

Di niya maiwasan makaramdam ng sakit st pagseselos sa kanyang nakikita. Muli niyang pinikit ang mga mata at mas piniling makinig ng musika.

Ilang mga minuto nagising siya nang pumisil sa kanyang ilong. Napamulat kaagad si Althaea ng mata at bumungad sa kanya si Zen. Pinaghahampas niya ito sa braso dahil sa pang-iinid sa kanya.

"Ang sakit kaya niyon." Kasabay na pagreklamo niya at pag-ikot ng mga mata.

Patuloy niya pa ring pinaghahampas ang boyfriend lalo nang nginisian lang siya nito lalo.

"Ang sarap mo lang kasi pagmasdan, wifey." saad nito habang nakatitig lang sila sa isa't isa. "Lalo na kung malapitan."

"Nambola ka pa." Nakangusong saad ni Althaea.

"Pero kinilig ka naman." Sabay muling malutong na tawa na iginawad sa kanya ng kasintahan dahilan para magising naman si Gin.

"Pambihira naman kayo. Dito pa kayo naglalambingan, hays. Natutulog 'yong tao." Reklamo naman nito halatang nainis dahil bitin ang kanyang tulog.

"Ang sama mo na naman, Bez!" Nagmamaktol na tugon ni Althaea sa kaibigan at napansin iyon ni Greige.

Hindi niya mapigilan maging apektado nang makita ang ganoong eksena. Nakikipaglambingan si Althaea sa ibang lalaki. Inaamin nya pa ring nasasaktan siya pero wala siyang magawa sa ngayon lalo na kung mas magkakaroon lamang ng problema. Bumalik siya kay Athena sa tunay niyang girlfriend at nakapagbitaw na rin siya ng pangako rito na hindi na niya iiwanan pa ito. Nais na kasing makalimot kay Althaea kaya pinipilit na lang kanyang sarili kay Athena kahit gaano kahirap.

Napansin ng dalaga na parang balewala na kay Greige ang naririnig at nakikita niya ngayon. Ito naman ang gusto niya di ba ang iwasan siya? Bakit nagagawa pa niyang itanong iyon sa sarili?

"Palibhasa single si Gin kaya naiinggit sa ating dalawa." Napagikhik si Zen sa kanyang sinabi. "Di ba wifey?"

"Oo nga!" kasabay ang pagkrus ni Althaea sa kanyang mga braso.

"Kamusta na pala iyong ex-boyfriend mo, Gin?" Muling tumawa si Zen at ganoon din si Althaea.

"Hoy, Zen! Please lang huwag mo ng itanong. Sasakit lang ulo ko."

Babaero kasi ang naging kasintahan ni Ginger. Wala siyang kamalay-malay na pinagsasabay na pala silang lahat ng babae nito. Nang malaman niya 'yon nakipaghiwalay na siya kahit gusto pa ng lalaki makipagbalikan sa kanya.

"Si Rayver na lang kasi jowain mo, Gin." Biglang singit ni Xavier sa usapan nang magising na 'to.

"Baliw ka, Xav! Kung ano na lang pinagsasabi mo." Pikon na saad ni Rayver pero ang totoo wala siyang feelings para kay Gin at nagkatuwaan lang sila.

Mga ilang sandali pa ay nakarating na sila sa isla. Sobrang excitement ang naramdaman ng karamihan maliban kay Althaea pero pinilit niya maging maayos pa rin ang itsura niya kahit nalulungkot siya sa kanyang nakikita.

Ang sweet kasi ni Greige kay Athena ngayon. Ang lawak ng pagngiti nito na dapat sa kanya lang pinupukaw.

Maya-maya sumigaw lang ang karamihan nang makababa na ang eroplano sa nasababing isla.

"Welcome to Vaniila Island."

Sabay-sabay silang lahat naglakad papasok ng hotel. Naka-reserved na sa kanila ang hotel kaya naman binati na lamang sila ng receptionist saka inabot sa kanila ang bawat susi ng mga kwarto.

"Alright." saad ng ama ni Greige. "Kayo na ang bahala kung saan na room ang gusto niyo pero dapat parehas lalaki at babae sa isang silid. Maliwanag ba?" Maotoridad na saad nito.

"Tama si Enrico. Bawal magsama ang babae at lalaki sa isang kwarto maliban na lang kung mag-asawa na kayo." singit naman ng ama nina Althaea at Athena.

"Kaya kapag may nahuli kaming nagsama kayo sa isang room nako alam niyo na kung ano gagawin. Di ba balae?" Singit naman ni Diana na ina nina Althaea at Athena na sinang-ayunan ng ina ni Greige.

"Mayroon tayong ten respective rooms na ni-reserved dito at sa tingin ko kasya na sa ating lahat 'yon." muli sambit ng ama ni Greige.

"Malawak naman ang bawat sulok ng kwarto kaya naman kahit limang katao pwedeng-pwede." pahayag naman ni Virgilio.

"Yaya Celeste at Yaya Helena, kayo po bahala magmasid sa mga bata natin." Bilin ni Marcela sa dalawang katiwala at tumango kaagad ang dalawa. "Ano let's go? Para makapagpahinga na tayo."

Nagtungo na ang lahat sa kanilang mga silid pagkatapos niyon. Diretsong naglalakad sina Althaea at Ginger nang biglang sumingit sa kanila si Terylene.

"Oh, Tery!" Gulat na saad ni Althaea.

"Sino siya, Bez?" Nag-uusisang tanong ni Ginger sa kanya.

"Executive secretary ni Athena." Napatangu-tango lang si Ginger saka nakipagkamayan kay Terylene.

"Nice to meet you." Nagpalitan ang ngiti ang dalawa. "By the way, gusto ko sana sa kwarto niyo na lang ako maki-share pwede ba?"

"Sino kasama ni Athena?" Nag-alala pa rin si Althaea sa kanyang kapatid kaya di niya papayagan si Terylene na makasama siya sa kanilang kwarto.

"Wala." Napabungisngis ito at sandaling tumigil. "Mas gusto ko kasi sa silid niyo ako matulog eh."

"Hindi pwede, Tery. Walang kasama si Athena. Isa sa responsibilidad mo pa rin 'yon bilang P.S niya at di lang isang executive secretary." Malumanay na sabi ng dalaga sa kanya.

Gusto man ni Althaea na makasama ito pero hindi maaari dahil kawawa naman ang kanyang kakambal.

Napahinga ng malalim si Terylene sa naging pahayag sa kanya ni Althaea. Excited pa naman siya na ito ang makakasama niya at makakakwentuhan pero hindi pala. Medyo nalungkot tuloy siya sa pagtanggi sa kanya nito.

"I have no choice." Muling pagbuntong-hininga ni Terylene. "Hindi pa naman kami gaano close ni Ma'am Thena eh pero I'll try." Pilit niyang ngiti sa dalawa.

Wala talaga siyang magagawa kundi sundin pa rin ang sinabi ni Althaea dahil tama naman ito. Kaso nga lang naiinip siya at naiinis kasama ang kakambal nito. Masasabi niyang sobrang magkaiba talaga ang ugali ng dalawang magkapatid. Magkamukhang-mukha sila pero ang pagkatao ay kailanman di magkakalapit.

"Maaari ka pa naman pumunta paminsan sa kwarto namin, Tery....."Hindi natuloy ang sasabihin ni Ginger nang marinig nila ang boses ni Athena na itinatawag na itong sekretarya niya.

"Hey, Tery. Nariyan ka lang pala. I am looking for you for several minutes." Bakas na sa mukha ni Athena ang pagkainis dahil panay hanap niya sa kanyang secretary.

"Why you didn't tell me you were talking to somebody?" Nakataas na ang kilay nito at nakapamaywang.

"Thena..." suway sa kanya ni Althaea.

"No, Thaea. Pinagod niya ako sa kakahanap sa kanya at narito lang pala siya." Pilit pa rin ginigiit nito ang pagkakamali ni Terylene sa kanya.

"Pero Thena..." Mahinahon pa ring saad ni Althaea para linawin sa kapatid kung bakit di niya mahanap si Terylene.

"No need explanations, Althaea. It's Tery's fault of not doing her responsibilities to me, ok?" giit pa nito at wala nang nagawa ang kapatid kundi ang magpakumbaba.

"Ok." Tipid na lang na sagot ng dalaga sa kanyang kapatid.

"Tery, let's go. May napili na akong room para sa atin." saad nito at saka tinalikuran na ang tatlo.

Si Terylene ay di pa rin makagalaw at iniisip kung iiwanan na niya ba muna sina Althaea at Ginger.

"Tery, ano na!" Muling sigaw ni Athena ikinagulat na ng kanyang sekretarya at sumunod na sa kanya.

"Chat na lang tayo guys." bilin nito sa dalawa saka tumakbo palapit kay Athena.

"Matutulog ka na ba, Cas?" Tanong ni Ginger kay Althaea na kanina pa itong tahimik at nanatili lang nakatitig sa kawalan.

"Hindi pa ako dinadalaw ng antok eh, ikaw?"

"Inaantok na rin at saka napagod sa haba rin ng biyahe." Kasalukuyan itong naglalagay ng lotion sa buong braso at binti pero nang mapansin niyang malalim ang iniisip ang kaibigan bigla siyang napatanong. "Iniisip mo naman ba siya?"

Biglang napalingon sa kanya si Althaea. "Tama ba?" Hindi kaagad ito nagsalita at sandali nilaro ang mga daliri sa kamay.

"Uy, Bez. Kilala na kita. Huwag mo ng ilihim 'yan." dagdag pa nito.

"Ewan ko nga ba bakit iniisip ko pa rin siya. Akala ko nga wala na eh." Simula ng pagkukwento ni Althaea sa kaibigan. "Dapat nga hindi na ako affected pero heto pa rin nasasaktan."

"Kasi nga, mahal mo pa rin siya. Ang maitatanong ko lang kung bakit nahulog ang loob mo sa lalaking 'yon? Anong ugali ang nakita mo sa kanya para mahalin ng ganyan? Kung tutuusin ah napakalayo ng personalidad niya kay Zen eh. Oo mayaman siya pero sa pag-uugali walang-wala siya sa boyfriend mo."

Iyon ang parati na tinatanong ni Althaea sa kanyang sarili na bakit hinayaan ang sarili na mahulog ang loob sa lalaking 'yon? Kahit siya di niya malaman ang pinakatunay na dahilan dahil kusa na lang na may nararamdaman siyang kakaiba sa binata. Dati rati na wala siyang pakialam dito pero nang dumating ang panahon na labis na ang pag-aalala niya at pag-care niya kay Greige. Hindi rin niya inaasahan na bigla na lang lumalakas ang heartbeat niya sa tuwing maririnig ang boses nito at magkikita sila. Hindi rin mapalagay sa tuwing tinititigan siya ng seryoso ni Greige. Parang nahigop na ng binata ang kanyang paningin.

"Sinubukan ko naman siyang kalimutan kaso nang magkita kami bumalik lahat, Gin." naluluha na ring saad ni Althaea at kaagad niyang pinahid iyon gamit ang kanyang daliri. "Mas lumalalim pa. Tingin ko rin kasi na kahit anong paglayo na gawin ko, pilit pa rin kaming pinagtatagpo ng tadhana."

Niyakap ni Ginger si Althaea para i-comfort ito. Nararamdaman niya rin kasi kung gaano nahihirapan ang kanyang kaibigan sa sitwasyon. Naiipit ito sa kanyang kapatid. Iisang lalaki na may dalawang babaing nagmamahal rito at magkambal pa. Lalo na sa kalagayan ni Althaea na mahirap talaga lalo pa masisira ang relasyon nila magkapatid kapag di siya nagparaya.

"Mabuti ba, Cas. Itulog na natin 'to at bukas magiging ok pa rin."

Tumango lang si Althaea saka pilit na natulog para makapagpahinga na rin ang kanyang katawan dahil panigurado bukas ay maraming kaganapan ang mangyayari sa kanyang kaarawan.

KINABUKASAN. Maaga nagising ang lahat pati ang dalawang birthday girl. Binati sila pareho at naiabot sa kanila ang mga regalo.

"Thank you." Masayang saad ni Althaea sa mga kasamahan pati si Athena.

"Happy 25th birthday sayo, sis." habang may hawak silang cake.

"Happy 25 birthday din Athena." Kasabay na ng pag-blow nila ng candle.

Humiyaw ang karamihan matapos pag-ihip sa kandila.

"I am so much thankful to you guys especially to my boyfriend." Lumingon si Athena kay Greige na pilit lang din ngiti ang ginawad sa kanya. "That you are here with me celebrating my birthday. Thank you, Ma'am and Dad, Auntie and Uncle for preparing this day."

Pagkatapos nagpalakpakan ang lahat hanggang si Althaea naman ang sumunod na nagsalita.

"I am so happy to see your presence to my birthday especially my boyfriend, Troezen." Sabay sila ni Greige na napalingon sa kanyang kasintahan.

Hindi maiwasan ng binata makaramdam ng selos matapos ngumiti si Althaea kay Zen na dapat sa kanya lang ipinupukaw. Akala niya kayang pigilan ang pagseselos pero di niya magawa dahil hanggang ngayon mahal na mahal pa rin niya ang dalaga at walang nagbago roon.

"So much thankful to my Mom and Dad together with Auntie and Uncle for exerting an effort to our birthday. Pinili niyo pa talaga idala kami sa ganitong lugar."

Si Althaea ang nag-lead na ng prayer saka nila sinimulan ang pagsalo-salo.

Matapos ang trenta minutos na makikipag-usap ng dalaga sa kanyang mga kaibigan. Bigla siyang tinawag ng kanyang mga magulang.

"Sige guys maiwan ko muna kayo."

"Ok lang Althaea. May sasabihin siguro sayo importante 'yong Mommy and Daddy mo." saad ni Xavier.

"Sige na, wifey puntahan mo muna sila." saka siya napatango nang magsalita ang boyfriend.

Sumunod nga si Althaea sa kanyang magulang hanggang sa may niladlad itong isang poster na kotse ang makikita sa larawan.

"Surprise!"

"Is this true Mom and Dad?" Di makapaniwalang-saad ng dalaga kay Virgilio at Diana.

"Yes, our precious daughter. You like it?" Tanong ng kanyang ama.

"Yes, Dad I like the gift. Hindi ko inaasahan lang talaga na ito iyong ibibigay niyong regalo sa akin." Naluluha na ring sabi ni Althaea.

"Nasa sa amin ang susi niyan pero nasa garage na ang kotse na 'yan." sambit ni Virgilio. "Para di ka na mahirapan pang mag-commute sa trabaho. Alam naman natin na gaano kadelikado sa isang commuter ang sumakay lang basta-basta katulad na lang sa mga taxis." Patuloy ang pagpapaliwanag ng ama sa kanya.

Hindi siya makapaniwala sa ganitong surpresa ginawa ng kanyang parents since di naman ito naging ganito sa kanya dati kaya nakakagulat lang isipin.

"We are sorry, Althaea that we didn't treat you same as your twin. Parati ka naming pinapagalitan at sinisisi sa iyong mga nagawang mali at pagkakaroon ng pagkukulang. Hopefully you may forgive us our precious daughter." malumanay na pahayag ng ina kasabay ng pagyakap sa kanya gayundin ang ama nito.

"Sorry kung parating kay Athena ang atensyon namin but we forgot na may isa pa pala kaming anak." Dugtong pa ni Virgilio.

"Ok na po Mom and Dad. Don't mind that anymore. It's really true that I have faults of not doing my responsibility as your daughter."

"No, Thaea may mali rin kami kaya sana hayaan mo kaming makahingi ng tawad sayo. Gusto lang namin ng Mom mo na maging masaya ka ulit." Biglang napakunot ang noo ng dalaga sa sinambit ng ama sa kanya.

"What do you mean, Dad?"

"Hinahayaan ka namin na maging masaya ka sa buhay mo. Hindi ka namin pangungunahan at pipigilan sa gusto mong gawin." paliwanag sa kanya ng ama at nginitian siya nito. "Do you have a boyfriend, right? Minsan, ilapit mo siya sa amin nang makausap naman namin siya about your relationship."

Sa sinabi iyon ng kanyang ama mas naging magulo pa tuloy ang isip niya. Hindi na niya alam kung paano ihaharap sa kanila si Zen sa ganoon wala na siyang feelings para dito. Tanging relationship na lang ang pinanghahawakan niya.

"Mabuti pa, Althaea. Bumalik ka na muna sa mga friends mo. Hinihintay ka nila roon baka magtampo pa sila sayo." sabi ng kanyang ina at ginawaran niya ito ng ngiti pati ang kanyang ama.

"Sige po, Mom and Dad. Thank you po sa gift ulit."

Pagkatapos niyon, iniwanan na rin nito ang mga magulang nang makasalubong ni Althaea ang magulang naman ni Greige.

"Ikaw si Althaea, right?" Tanong ni Tito Enrico.

"Yes po." Aking sagot saka nila ako niyakap at may inabot silang regalo para sa dalaga.

Isang jewelry box na naglalaman din na iba-ibang klaseng alahas. Nagulat at napamangha si Altgaea sa kanyang nakita kahit wala siyang hilig sa mga ganitong jewelries.

"Napakaganda po." natutuwang sabi ni Althaea at muli ng binalik ang tingin sa magulang ni Greige.

"Actually napagod nga kami kakaisip kung ano pwedeng mairegalo sa isang tulad mong simpleng babae." Napangisi pareho ang mag-asawa. "Sinabi sa akin ni Diana." dagdag pa ng ina ni Greige.

"Sobrang magkaiba nga talaga kayo ni Athena sa maraming bagay." sabi naman ng ama ni Greige.

"Sabi ng Dad mo kahit anong klaseng regalo na na-appreciate mo lahat kaya hayan naisipan naming mga alahas na lang iregalo sayo."

Pagkatapos niyon, nagpaalam na rin ang mga ito kay Althaea dahil may pag-uusapan pa raw sila ng kanyang magulang.

Bumalik siya sa pinagmulan nila ng kanyang mga kaibigan subalit wala na ang mga ito. Hinanap niya rin ang apat hanggang sa napadpad siya sa di kalayuan sa hotel. Sa kanyang paglalakad sa dalampasigan, hindi niya sinasadya na makita sina Greige at Athena na sobrang lapit na mukha nito sa isa't isa hanggang sa lumapat na ang mga labi nito. Kitang-kita iyon ni Althaea at ganoong eksena kaya naman kaagad siyang tumalikod at napahikbi sa kanyang nararamdaman.

Kanina na masaya ang kanyang nararamdaman at muli nanamang napalitan ng kalungkutan sa kanyang nasaksihan. Naglakad siya palayo at naisipan muna niyang maupo sa tabing-dagat habang nire-relax ang sarili dahil ayaw niyang makita siya ng mga kaibigan na umiyak.

Matapos ang isang oras na pag-upo niya sa tabing-dagat, napag-isipan na rin niyang bumalik sa hotel baka naroon lang kanyang mga kaibigan.

Nang makarating siya ay kaagad siyang sinalubong ng yakap ni Zen.

"Where have you been, wifey? Tinanong namin parent mo ang sabi nila pinuntahan mo na raw kami." nag-alala pa ring saad ng binata sa kanyang kasintahan.

"Naglalakad-lakad lang. Napagod din kasi ako kakahanap sa inyo kaya naisipan ko munang magpahinga saglit."

"I am sorry kung ganoon. Nasa videoke bar lang kasi kami eh."

"Ah ganoon ba?".

"Oo. Mabuti pa pumunta na tayo doon. Hinihintay ka na rin ni Gin. Hindi na 'yon napapakali na di ka niya nakikita hehe. Saka 'yong kakambal mo hinahanap ka niya sa'min para yayain kang kumanta." Pahayag sa kanya ng binata habang nakaakbay ito sa kanya kasabay ng paglalakad nila patungo sa videoke bar.