webnovel

Twin's Atrocity

Angel_Zabala · General
Not enough ratings
15 Chs

Chapter Ten: Ally of Justice

[THIRD PERSON POV]

"ABBY!!"- malakas na sigaw ni Jadrinne sa may sala habang nagbabasa ng newspaper at nagtsatsaa. Day-off niya kasi ngayon kaya nasa bahay lang siya. Isang kalabog at natatarantang yapak naman ang narinig mula sa taas pababa sa sala.

"Bakit ate Jade?"- agad niyang tanong ng makalapit siya. Si Abby ay pinsan niyang buo sa father side at siya ang kasa-kasama ni Jadrinne sa bahay niya kasama na din ang manager niya na ngayon ay wala dahil namalengke ito. Ate ang tawag niya dito dahil mas bata si Abby ng 5 taon. At nasa high school pa lamang ito. At siya ang nagpapaaral sa kanya.

Hindi sumagot si Jadrinne at iniabot na lamang niya ang newspaper na kani-kanina lamang niyang binabasa. Jade Festrinne Klein ang totoo niyang pangalan. Ang Jadrinne Klein ay tanging screen name lamang niyang gamit sa showbiz.

"Ano po ito?"- nagtatakang tanong niya.

"Wag tanga Abby. Tignan mo yung nasa pulang bilog. Ibili mo ako nyan bukas. Pang dinner ko yan. Lagot ka sakin kapag hindi mo nabili yan."- pabalang niyang sabi. Napanguso naman ang dalagita.

"Eh ate, may exam po kami bukas ei."- kakamot-kamot na sabi ni Abby.

"Oh edi maganda. Under time ka sa school. Sige na. Alis na."- pangtataboy niya kay Abby kaya wala nang nagawa pa si Abby at umalis na lamang dala ang newspaper. Tumayo naman si Jade at nagtungo sa kanyang silid para magbihis dahil balak niyang umalis ng bahay.

Ilang minute lang ay natapos na din siya. Isang simpleng V-neck shirt at short lamang ang suot niya tsaka sunglasses hindi para gawing disguished kundi pang harang sa sikat ng araw. Sikat man siya ay hindi siya nag-aabalang itago ang mukha niya dahil wala namang nagtatakang lumapit sa kanya kapag nakikita siyang palakad-lakad sa tabi-tabi. Sa ugaling meron siya ay natatakot na ang sinumang lumapit sa kanya dahil baka masupla lamang sila ng pagiging maldita niya. Palakad- lakad lamang siya at walang pinatutunguhan. Pinagtitinginan siya pero wala siyang pakialam. Nakapambahay lamang siya at nakatsinelas pero kung maglakad ay akala mo nasa runway. Napatigil lamang siya ng may mahagip ng mata niya. Naibaba pa niya ng bahagya ang sunglasses niya para mas mabasa niya ng malinaw ang nakasulat.

"Japanese Flower bento buy 1 take 1 at P150 for 1st 20 person only."- nakangisi at kumikinang na mga matang basa niya. Ito yung pagkaing ipinabibili niya kay Abby. Mukhang swerte siya ngayon dahil hindi na siya maghihintay pa ng bukas para matikman lamang ito. Agad niyang hinanap ang address ng shop para puntahan. Hindi man halata ay may obsession siya sa mga pagkain. Walang siyang pinapalampas kahit pa ang pagkain. Basta makakain siya ay wala siyang pakealam sa sasabihin ng iba.

Nang marating niya ang lugar ay nagulat siya ng madami-dami ang nakapila para bumili. Hindi lang pala siya ang mahilig sa Japanese foods madami sila. Agad binilang ng kanyang mata ang iilan na lamang natitira sa paninda pati na din ang mga nakapila. Mabilis siyang naglakad para pumila. Kahit naman maldita siya at walang mudo kung minsan ay marunong naman siyang sumunod sa mga patakaran at protocol. Nang siya ang bibili at sakto namang isa na lang ang natitira ay may bigla na lamang humablot sa pagkain niya, nagabot ng pera at saka umalis ng walang pasabi. Kahit ang nagtitinda ay napatulala sa nangyari. Nagtaas ng kilay si Jade at agad hinabol ang lapastangang tumangay sa pagkain niya.

"Hoy!"- tapik niya sa hudas para kunin ang atensyon nito.

"What?"- pasinghal namang tanong ng hudas na busy sa kausap niya sa cellphone. Nag-init naman ang ulo ni Jade at pabalang na tinanggal ang shades niya.

"Bastos ka rin ei nuh? Sa akin dapat yan ei. Sumisingit ka sa pila. Bwisit!!"- singhal niya dito.

"Pwede ba? Wala akong pakialam kung ikaw ang nauna sa pila. Ako naman ang unang nagbayad. Tsaka pwede ba MANANG, busy ako at nagmamadali. Sinasayang mo ang oras ko."- masungit na sagot ng hudas na siyang nagpatulala kay Jade at sinamantala naman iyon ng hudas para mabilis na umalis.

"Manang? Tinawag niya akong Manang?"- bulong niyang sabi at sisinghalan na sana ang hudas ng makitang wala na ito sa harap niya at nakita na lamang niyang papaliko na ito. Sa inis niya ay napapadyak na lamang siya. At agad na kinuha ang cellphone at nagdial.

"Yes? Police station, what can I help you?"- magalang na sagot mula sa telepono na nagpangisi sa kanya.

"I want to report a thief. Patungo siya *******. Nakaitim na suit. Napapanot na, may malapad na labi, kirit na mata, pangong ilong, at buhay na buhay na nunal sa may ibabaw ng malapad niyang labi."- sagot niya sa tanong ng babae sa telepono.

"Your name ma'am?"

"Abby Castrol. 3rd year high school, section 2. West Randkalt University."- tiim-bagang niyang sabi at agad na ibinaba ang cellphone niya. Napangisi siya ng demonyo at nagpatuloy na sa paglalakad. Maghahanap na lang siya ng ibang makakainan dahil nagutom na siya.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa isa sa mga paborito niyang kainan. At as usual pinagtitinginan na naman siya ng mga tao pagpasok niya. Hindi mamahalin ang kainan pero masarap ang mga luto at madami ang serving nila kaya naman gustong gusto niyang kumain dito. Hindi nga lang madalas dahil sa trabaho niya pero kapag may pagkakataon ay personal niya itong pinupuntahan. Madalas kasi inuutusan lang niya ang kanyang manager o kaya inaabala si Abby sa school nito para lang ibili siya.

Pumili siya ng mauupuan na medyo malayo sa iba. Mas gusto kasi nitong kumain ng mag-isa. Ayaw niya kasi ng maiingay lalo na sa harap ng pagkain. Kawalang- galangan daw ito para sa pagkain yun ang paniniwala niya. Nang makaupo siya ay agad siyang nilapitan ng waiter para kunin ang order niya. Pagkatapos niyang mag-order ay agad ding umalis ang waiter. Ilang minuto lang ay naihain na sa kanyang harap ang pagkain niya. Kakain na sana siya ng may mapansin siya. Napataas ang kanyang kilay matapos niyang matitigan ang kanyang pagkain.

"Sandali nga!"-matigas niyang sabi sabay bagsak ng kamay sa table at matalim na tinignan ang waiter ng papaalis na ito.

"Yes ma'am?"-nakangiting sagot ng waiter na mas lalong ikinainis niya pero kinalma lang niya ang kanyang sarili at tinignan ng malamig ang waiter. Kinuha niya ang order niya at iniharap sa waiter na biglang nagtaka.

"Ano to?"-malamig niyang tanong.

"Special Wanton soup po ma'am"- nakangiting sagot ng waiter.

"HUH?? Buhok! Buhok tanga!"-pasinghal niyang sagot sa waiter. Tinignan naman ng waiter ng maiigi ang pagkain at saka nanlaki ang mga mata nito nang makitang may buhok nga.

"S-sorry po!. Papalitan ko na lang po."-sagot ng natatarantang waiter saka kinuha ang pagkain at dali-daling tumalikod para umalis.

"Tawagin mo ang executive chief ng restaurant na ito. At gusto ko ding makausap ang namamahala ng lugar na ito. Narinig mo?"-masungit nyang sigaw sa papalayong waiter na napahinto pa at natatakot na humarap sa kanya.

"M-Masusunod po."-sagot ng waiter at kumaripas na ng takbo. Balewala namang bumalik sa kinauupuan ang dalaga at hindi pinansin ang mga matang nakamasid sa kanya.

*FAST FORWARD*

"Ate Mel, nabalitaan mo na ba?"- tanong ni Abby sa dalagang naghahanda ng pagkain.

"Ang alin?"-takang tanong naman ni Mel. MELLIANA GRACE VENTURA. 25 years old at manager ni Jade.

"Muntik na daw marape yung anak na dalaga ni Aling Marry buti na lang daw at may nakakita."

"Hala ka. Kung bakit naman kasi hindi pa maayos- ayos yung sirang poste ng kuryente sa may entrance ng subdivision ei. Kaya ikaw mag-iingat ka ha? Wala ka pa man ding kasamang umuuwi at mahilig pa man ding maglakad pauwi. Tsk."-sermon ng ate Mel niya.

"Ei ate hindi naman kasi kalayuan ang school. Yung ipapamasahe ko iipunin ko na lang."

"Hay naku kang bata ka. Sandali at may kukunin ako. Buti na lang at naisipan kong bumili nito."-sabi niya at saka siya lumapit sa may medicine cabinet at kinuha ang isang nakakarton na bagay saka niya ito iniabot kay Abby. Nagtataka naman itong kinuha ni Abby at inilabas sa karton ang laman. Napalaki naman ang mata ni Abby ng makita ito. Stun Gun lang naman ito.

"Palagi mong dalhin yan kapag lalabas ka wag na wag mong iihiwalay yan sayo."

"Seryoso? Gaanu ba kalakas ito?"-tanong ni Abby habang matamang tinitignan ang stun gun na hawak nya.

"Malakas yan. 500,000 volts. Tama lang para mapatulog ang isang tao."

Hindi na nagsalita pang muli si Abby at basta na lamang pinindot ang stun gun. Nagkagulatan pa silang dalawa dahil sa tunog kahit ang nananahimik na si Jade na nakaupo lamang sa kanyang coffee table at nagbabasa ng diaryo ay nagulat at muntik pang maibato ang hawak-hawak.

"Kyaaaaahhhh!!!"-sigaw nina Abby at Mel.

"A-ayaw ko ng k-kunin yan. M-masyadong d-delikado ate."- kinakabahang sabi ni Abby.

"Hay naku! Hindi! dapat dalhin mo yan palagi. Tandaan mo may pamilya kang naghihintay at nag-aalala sayo kapag nasa labas ka."-matigas na sabi ni Mel at saka na ipinagpatuloy ang paghahanda ng pagkain. Hindi na lang nagsalita si Abby at nakangiwing nakatingin sa stun gun.

*KINABUKASAN*

*RIIIIIINNNNNGGGGG*

Napasubsob na lamang si Abby sa kanyang lamesa pagkarinig niya ng school bell.

"Okey ka lang?"-napalingon siya sa kanyang likod ng may magsalita.

"Jumbo. . . Mukha ba akong okey? Ei halos pumutok na ang utak ko dahil sa pesteng exam na yan. Hindi man lang naawa ang mga prof natin at talagang nagbigay ng nakakamatay na exam."- nakaismid nyang sagot.

"Hahaha. . bakit di ka nakareview?"

"Nagreview ako. Inabot nga ako ng madaling araw ei. Pero sadyang pahirap lang ang questions sa exam. Masakit sa ulo. Parang sasabog na."-reklamo ni Abby at saka hinilot hilot ang kanyang ulo. Sasagot pa sana si Jumbo ng biglang tumunog ang phone ni Abby. Agad sinagot ni Abby ang tawag ng makitang ang ate Jade niya ang tumatawag.

"Bakit po ate?"-agad niyang tanong.

"Ipapaalala ko lang sayo yung Flower Bento ko. Yun ang kakainin ko mamayang dinner. Hihintayin ko yun. Wag mo nang hintayin pang umabot ng 5pm bago ka pumunta dahil ubos na yun. Lagot ka sakin kapag hindi ka nakabili. NAIINTINDIHAN MO?"-mahabang sabi niya at ipinagdiinan pa niya talaga ang huling sinabi nya at saka agad na pinatay ang tawag. Napangiwi na lamang si Abby. Napakabossy talaga ng kanyang ate Jade. Tinignan niya ang oras at napalaki na lamang ang mga mata niya ng makitang 4:30 na ng hapon.

"Patay!!"-nakangiwi niyang sabi at saka nagmadaling inayos ang kanyang gamit.

"Bakit?"-nagtatakang tanong ni Jumbo na nasa likod pa pala niya. Mabilis na siyang umalis pagkatapos.

"Una na ako sayo Jumbo. Sige ah? Bukas na lang ulit."- pasigaw niyang sabi habang papaalis. Naiwang nagtataka naman si Jumbo.

Pagdating ni Abby sa restaurant ay papaubos na ang Flower Bento kaya dali-dali siyang pumila. Abot-abot ang kaniyang pasasalamat ng sa kanyamapunta ang pinakahuling flower bento. Agad siyang umuwi at us usual naglakad lang siya pauwi yun nga lang nagabihan na siya dahil sa kabilang direksyon pa ang uuwian niya sa pinagbilhan niya ng bento.

Napatigil na lamang siya ng may maramdamang sumusunod sa kanya. dahan-dahan siyang napalingon pero wala naman siyang nakita kaya nagpatuloy na lamang siya. Hanggang sa hindi pa din siya nilulubayan ng pakiramdam na may sumusunod talaga sa kanya. At sa muli niyang paglingon ay napansin niya ang anino sa kaniyang likod na mabilis na lumalapit sa kanya. Sa takot niya ay nagtatakbo na lamang siya habang kinakalkal ang kanyang bag. Naghahanap ng bagay na pwede niyang maging armas hanggang sa maalala niya ang stun gun na ibinigay sa kanya ng ate Mel niya. Ngunit nahalughog na niya ang buong bag pero wala pa din.

"Nasaan na ba yun? Bakit wala??"-kinakabahan niyang tanong ng biglang tumunog ang kanyang phone na sinagot niya agad.

"ABBY!! Nasaan na ang pagkain ko?? Sino sa tingin mo ang pinaghihintay mo? Kanina ko pa hinihintay yan. Gutom na ako. Alam mong pinakaayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ako!!!!"-singhal agad ng nasa kabilang linya. Ang ate Abby niya pala. Agad siyang nabuhayan ng loob ng marinig niya ang boses ng ate niya. Nagtago muna siya sandali ng makitang nakalayo na siya sa sumusunod sa kanya.

"Ate!!. Nakabili na ako. P-pero kasi. May sumusunod sa akin ei. Natatakot na ako."-nahihintakotan niyang sabi at muling tumingin sa likod niya ng makitang malapit na ang sumusunod sa kanya ay muli siyang tumakbo papalayo.

"Ate??"-tanong niya sa kabilang linya ng wala siyang marinig na sagot.

Napamura na lamang siya ng marinig ang dial end tone ng cellphone niya. Wala na siyang nagawa pa kundi magtatakbo na lang. Bahala na basta makaalis lang sya sa lugar at makahingi ng tulong. Nang liliko na sana siya ay may bigla na lamang humablot sa damit niya at pabigla siyang ibinalibag sa pader. Napaungol na lamang siya sa sakit ng kanyang likod. Pinilit niyang tumayo kahit na nahihirapan siya ngunit muli na namam siyang hinila at ipinahiga sa lapag. Saka siya kinubabawan at sinakal sa leeg. Hindi niya makita ang taong nagtatangka sa kanya dahil na din sa madilim ang lugar at wala man lang katao-tao. Nakaitim at nakasumbrero pa ang lalaki. Alam niyang lalaki ito dahil sa laki ng kamay at sa gaspang nito. Nandidilim na ang kanyang paningin at kinakapos na siya ng hangin ng bigla na lamang lumuwag ang pagkakasakal sa kanya at bumagsak na lamang ito sa lapag.

"Tsk. Yun lang? Nu ba yan! Isa pa nga!."-narinig niyang reklamo ng isang babae. Napahinga siya ng malalim para kumuha ng hangin at saka tumingin sa harap niya.

"Ate Jade?"-nanlalaking matang tanong niya. Hindi siya pinansin ng ate niya at muli ay inatake ang taong nagtangka sa kanya. Ngayon lang niya napansin hawak ng ate nya. Yun yung stun gun na ibinigay sa kanya ng ate Mel niya. Paano napunta sa ate Jade niya yun? Hindi naman tinigilan ni Jade ang lalaki sa pangkukuryente nito hanggang sa mawalan ito ng malay.

"Okey ka lang? Wala bang masakit sayo?"- madamdaming sabi ni Jade na ikinangiti ni Abby sa pag-aakalang siya ang tinatanong nito.

"Ate? A-ayos lang ak---"- hindi na natuloy ni Abby ang sinasabi ng muling magsalita si Jade.

"Huwaaaa!!! Mabuti na lang at ayos ka!!"-nag-aalalang sabi ni Jade at saka niyakap ang kanyang flower bento na ikinangiwi at ikinatunganga ni Abby.

"Ehh? Yan ang tinatanong mo?"- nakangiwing tanong niya sa ate Jade niya.

"Huh??? Ano sa tingin mo?"-masungit na sagot niya saka siya ito inirapan. Napahinga na lang siya ng malalim. Bakit nga ba inisip niyang may pakialam ang ate niya sa kanya.

"Oo nga naman. Bakit pa nga ba ako nagtanong? Tsk."- nakaismid niyang bulong sa sarili.

"So? Abby, anong gagawin natin jan?"-nakapamewang na tanong ni Jade.

"Huh? Ahh…"-nagkakamot ng ulo na sabi ni Abby dahil kahit siya ay hindi alam ang gagawin. Umupo si Jade sa harap ng lalaki at saka tinanggal ang sombrero ng lalaki.

"HAH!!!! Ang hudas na to!!"-sabi ni Jade ng makilala ang lalaki. Bigla siyang napangisi at saka matamang tinignan ang stun gun na kanyang hawak tipong may binabalak na masama. Nagtataka naman si Abby habang pinapanood ang kanyang ate Jade. At muli ay napangiwi na lamang siya at napaiwas ng tingin sa ate niya ng muli ay pinagtripang kuryentehin muli ang walang malay na lalaki. May balak yatang ibuhos ang frustration nito sa lalaki gamit ang stun gun. Kahit na gusto niyang pigilan ang ate niya ay hindi niya magawa. Sa halip ay dinukot na lang niya muli ang kanyang cellphoneat tumawag na lamang ng pulis. Kinabukasan ay ipinatawag silang dalawa sa pulisya para makuhanan ng testamento sa totoong nangyari. Pagkatapos ng paliwanagan ay binigyan naman ng recognition ng pulisya si Jade dahil sa pagkakahuli sa lalaki.

"Ahmmm.. . excuse po. Pero itatanong ko sana kung anong dahilan bakit ako pinagtangkaan ng lalaki?"-pabulong na tanong ni Abby sa katabing Pulis.

"Hindi ba't ikaw yung nagreport nung makalawa dahil sa pagnanakaw niya na hindi naman daw pala. Actually, hindi siya magnanakaw, arsonist siya. Siya yung most wanted na arsonist na matagal nang pinaghahanap ng pulis. Kaya ka niya sinundan at pinagtangkaan kasi tingin niya may alam ka sa ginagawa niyang arson."-bulong na sagot ng pulis na ipinagtaka niya.

"Huh? Ako nagreport? Pero wala naman akong mat----"-hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng marealize ang isang bagay. Mabilis siyang bumaling sa Ate niya na ngayon ay ngiting-ngiting nagpapapicture sa press at saka niya ito tinapunan ng masamang tingin.

"Ate???"-gigil niyang bulong.

Ang kinagabihan ay nagtungon halos lahat ng mga tao sa subdivision sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Kasama din nila ang ilan sa mga barangay officials.

"We are all here to witness the lighting of the lamp. Because of this assault rape crime and even arson attacks has been reportedly increasing. Thanks to this young lady here, Miss Jadrinne Klein we were able to catch the arsonist. Thank you for your bravery, Miss Klein."-mahabang sabi ng barangay captain at saka sinindihan ang poste ng ilaw. Nagpalakpakan naman ang mga tao at sari-saring papuri ang natanggap ni Jade sa mga tao. Ngiting ngiti naman ang manager nito habang busangot naman at napapairap na lang sa kawalan si Abby.

"Hindi lang siya maganda. Napakatapang pa niya hindi ba?"- sabi ng isang hindi katandaang babae.

"Syempre naman nuh! Kahit na medyo sablay ang ugali meron at meron pa din naman pala siyang kabutihang itinatago. She's truly an ally of justice."-sagot naman ng isa pang babae.

Happy 3.3k readers!. hehehe. Thank you po sa mga nagbabasa nito.. . if you have something in mind please don't hesitate to tell me.

Here's another update for you guys!.. . sorry pero sa ngayon isa nlng munang chapter. kailangan ko kasing magbantay sa hospital ei. di ko alam kung kailan ako makakaudate ulit BUT i'll try na magupdate ulit before the end of the month.. .

Please vote and comment po. Thank you! <3 <3 <3

Angel_Zabalacreators' thoughts