webnovel

Turned Upside Down (Magallanes Brothers Series #1)

Magulo na noon pa ang buhay ni Chanel Lauren Sarmiento. Hanggang sa dumating sa buhay niya ang tatlong magkakapatid na Magallanes, na lalong mas nagpagulo ng kaniyang buhay. Si Chanel Lauren ay ang kinaiinisan ng lahat ng babae dahil sa taglay nitong kagandahan, marahil ito ay dahil sa insecurities ng mga kababaihan sa kaniya. Ngunit may isang natatanging lalake ang kinaiinisan siya, iyon ay si Ryden. Si Ryden Zayd Magallanes ay panganay sa magkakapatid. Siya ay iritableng tao at aroganteng lalake. Sa lahat ng lalake siya lang ang hindi nahuhumaling sa kagandahan ng isang Chanel Sarmiento. Ngunit mag-babago ba ang lahat, kung mahulog ang loob nito sa kinaiinisan niyang babae? Ano kaya ang mangyayari sa dating Iritableng tao? tatalaban kaya siya ng charm ni Chanel? o mas lalong gugulo ang kaniyang buhay? Ngunit paano kung hindi lang pala ang isang Ryden ang mahulog sa kaniya? Ano ang gagawin ni Ryden kung malaman nito na ang mga kapatid niya ay kinahuhumalingan din ito? Si Ralph Jasiah Magallanes o mas kilalang 'Jazi' ay mabait at maginoo. Ngunit kaibahan pala nito ang kalooban niya, siya ay isang womanizer na hindi lang pala pakikipag-kaibigan ang pakay. At higit sa lahat, si Russell Tyron Magallanes. Isang matipunong lalaki, mabait at may respeto sa babae. Siya ang laging sandalan ni Chanel sa lahat ng kaniyang problema. He's a one of a kind, but he's secretly in love with his bestfriend. Ano ang mangyayari sa magkakapatid kung iisa lamang ang nagugustuhan nila? Sino ang magpapatibok ng puso ni Chanel? -Read at your own risk- Follow me on Wattpad: @-NADStories- Thank you so much!

NADStories · Teen
Not enough ratings
2 Chs

Simula

I looked at the mirror in my vanity and I am wearing my usual seductive smile. This is it! I'm really excited to go out with my friends.

I am wearing my black nightclub dress na hapit sakin na mas lalong nagpa-angat ng kurba ng aking katawan. I put my red lipstick on. Panigurado akong mapapanganga na naman ang mga lalakeng daraanan ko. I put my bag on my shoulder at bumaba na ng mansion.

I went down the stairs, pero nakita ko kaagad ang nakakaasiwang mukha ni dad at magkasulubong na naman ang kilay na nakatingin sakin. "and where do you think you're going?" napataas ako ng kilay dahil sa tanong niya sakin. Hindi na ba siya nasanay sakin? lagi naman kasi akong nasa bar ngayong bakasyon at lagi siyang sumasalubong sakin dito sa hagdan. He's really crazy. Lagi niya nalang akong pinagbabawalan, eh siya nga 'tong may inuuwing babae pero hindi naman ako nagre-reklamo.

"and why do you care?"

He glared at me. "you're really rude. I don't know what to do with your life. Since you lost your mom you have been like that" bigla akong napatigil dahil sa sinabi ni dad. Does he need to remind my mom's death? but when I heard 'mom' word, I feel like I'm alone again. Bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko ng mawala si mom noong nakaraang taon lang.

I'm just looking at my dad. He's really serious while uttering those words. Bakit ba nagpakasal si mom sa isang babaerong katulad niya. Napailing nalang ako sa iniisip ko at tinalikuran ko na siya.

Narinig ko pa ang pag-sigaw niya sakin ngunit hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ko ng kotse ko.

Thanks to mom dahil iniregalo niya sakin 'to noong birthday ko, kaya puno ng pag-iingat ko sa kotseng ibinigay sakin ni mom na Grey BMW 8 series coupé. Napangiti ako ng maalala ko ang kaarawan ko kung saan sobrang saya pa namin nina mommy at daddy. Since I was High school, I know that my dad is having an affair with the b*tch. And yes, kilalang-kilala ko siya. She's my mom's friend. That time I swear to myself na hindi ako makikipagkaibigan sa babae.

Namatay na si mom pero hindi niya man lang natuklasan na may babae si dad. Hindi ko alam kung bakit hindi niya nalalaman ang lahat. My mom is workaholic that's why she didn't figure out everything while my dad is just hanging out with that b*tch and with her f*cking asshole daughter.

By the way, I'm Chanel Lauren Sarmiento. They called me a 'badass girl in campus' and I don't care about that. As long as I have my boy bestfriends, sila lang ang nagparamdam ng pag-mamahal sakin and they're always being there for me in ups and down.

I have a secret. I already kissed them. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nagkakagusto sila sakin, mga manyak talaga ang mga lalake psh, but atleast hindi sila plastik. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nagkagusto silang lahat sakin. I really don't care about their feelings for me.

Kaya tuwing dumadaan ako sa campus ay panay ang bulungan ng mga bubuyog sa eskwelahan. They are all insecure, dahil ang dalawa kong kaibigan ay sikat sa campus. Mga gwapo, cute, matangos ang ilong, maputi, may abs, at higit sa lahat. Mayaman.

Mga intrimitida kasi ang mga tao sa eskwelahan. Inaasam-asam nila ang mga kaibigan ko. I smirked. I remember all the girls na nag-hahabol sa kanila. Pathetic. Ako lang naman ang hinahabol-habol ng mga lalakeng gusto nila.

The way I dressed right now, I am pretty sure that every man in that bar will drop their jaw.

I stopped thinking when I got to the bar where my friend was. I went down on my car at biglang humangin ang buhok ko. Oh damn! papanget na ko! Argh! bwiset! I fixed my hair at tumungin sa side mirror ng kotse ko.

Pumasok ako ng bar.....and there, all of the men in the bar are drooling. As if they're fantasizing me, sa mga titig nila sakin ay para bang hinuhubaran nila ko sa kanilang isipan. Hinanap ng paningin ko ang aking kaibigan. At iyon, may mga kalandiang babae sila hapit-hapit pa nila ang baywang nito habang nakaupo sila couch ng bar.

Lumingon ang dalawa sakin ng mapansin nila na ang lahat ng lalake ay nakatingin sa entrance ng bar. I frowned at them habang nasa malayo ako, kaya pinaalis na nila ang dalawang babae na nasa kanlungan nila. Pshh mga playboy. Ngumiti sila saking dalawa kaya lumapit na ako sa kanila. Ramdam ko ang pagsunod ng mga titig sakin ng mga lalake habang papunta sa gawi nila.

"sayang bro! may kasamang lalake" rinig kong bulong ng isang lalake na malapit samin, nang makarating ako sa dalawa kong kaibigan.

"wala ka pa ring pinagbago, you're still beautiful in my eyes" sambit ng kaibigan ko na si Warren habang titig na titig sa dibdib ko ang g*go. Siraulo talaga ang pervert na 'to. He's Warren Salcedo ang pervert kong kaibigan.

"hoy, g*go ka, saan ka nakatingin? sa mukha ko o sa dibdib ko?" napaangat siya ng tingin sakin at saka kumamot sa kaniyang ulo.

"s'yempre, sayo. Ang ganda talaga ng kaibigan namin. Payakap nga!" akmang yayakap siya sakin ngunit hinablot na ni Shun ang braso niya. He's Shun Lee half-korean at half-Filipino, siya ang napaka-protective kong kaibigan. He's good in tagalog words dahil dito na rin naman siya lumaki sa Pilipinas, hindi niya pa kasi nakikita ang daddy niya na Koreano.

"tigilan mo nga kamanyakan mo bro! pati ba naman ang Chany natin." suway ni Shun sa kaniya. 'Chany' ang tawag nila sakin imbis na Chanel dahil iyon ang nakasanayan nila.

"tss kunwari ka pa! kala mo inosente kang hay*p ka. Eh nahuli ka na nga ni Chany na may babae diyan sa kandungan mo" habang nag-sasagutan ang dalawa ay napako ang tingin ko sa isang lalake na nasa tabi nila.

Hindi ba nila ipapakilala sakin 'to? napansin ko kasing kanina pa siya nakatingin sakin. Sobrang gwapo niya, ibang-iba sa itsura nitong mga mokong. Mukha siyang espanyol na may halong Filipino at American, matikas ang katawan niya mukhang may abs din.

Yummy!

Nginitian niya ko. So, I gave him a smile. Nilingon ko ang dalawa kong kaibigan na hanggang ngayon ay nag-aaway pa rin. Kaya hindi ko na napigilan na mabatukan sila.

They glared at me. "what's your problem?!" at talagang sabay pa silang nagsabi nun ha?

"who's that pretty boy?" I pointed the man beside them.

"he's Russell Tyron Magallanes. Our childhood friend. They migrated here in the Philippines. Kasama niya ang mga kapatid niya. But their parents are still in America" Warren explained.

My brows arched. "I asked kung sino 'yan, hindi ko sinabi na sabihin mo kung saan siya nanggaling" narinig ko ang pagtawa ni Russell sakin kaya nilingon ko siya. I winked at him that makes him blushed. Psh mukhang tatalaban din ang isang 'to ng charm ko ah?

"by the way Russell, this is Chanel Lauren Sarmiento. Mabait yan, exciting kasama at masarap pa" sinamaan ko ng tingin si Warren. Crazy man. I sat beside Russell at hinablot ang iniinom niya.

I know he was shocked, pero hindi ko pinahalata 'yun. Ininom ko ang whisky na iniinom niya. "Infairness, masarap. I wonder, what taste is your lips" I gave him a playful smile. Nakita kong napalunok siya dahil sa sinabi ko. Ang tahimik niya, ano kaya iniisip nito? iniisip niya siguro na malandi ako. Pero totoo naman. "are you scared of me? or are you tempted on me?" I asked.

He just smirked at me. "easy woman, I am not who you think I am" tumawa siya ng mahina. Ang gwapo niya, but he's not my type.

"woah bro, hindi ka nate-tempt sa kaniya? eh halos lahat ng lalake laglag ang panga sa kaniya" wika ni Shun. Russell looked at me and gave me a sweet smile.

"I like her, but I respect her" umangat ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba't tatalaban siya ng charm ko.

"napaka-straight mo naman bro!" Warren teased him. Hindi niya sinagot ang sinabi ni Warren dahil nakatingin lamang siya sakin. Oh my Gosh! he's staring at me. Bakit ba siya gan'yan makatingin sakin? ang lagkit ng tingin niya. May gusto ba siya sakin?

Inorder ako ni Shun ng maiinom at ang g*gong iyon ay umorder ng isang bucket para lang sakin. Anong akala niya sakin? lasinggera?

Oo nga pala, lasinggera naman talaga ko.

Habang umiinom ako ay nakikita ko na nakatingin pa rin siya sakin. So I looked at him, but he looked away. Umurong ako papalapit sa kaniya. "don't looked away when I am looking at you" bulong ko sa kaniya. I heard him chuckled.

"Shun, labas lang ako" paalam ko sa kanila at dumiretso na ko sa labas.

Habang papalabas ako ay napapansin ko pa rin ang titig ng mga manyak na lalake sa bar. Psh!

Paglabas ko ay kinuha ko ang yosi na nasa bag ko at sinindihan iyon. Ang gwapo talaga ni Russell, bakit ba may mga ganu'ng tao?

"you smoke?" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Russell na nakangiti sakin.

"nakikita mo naman, nagtatanong ka pa"

Umiling-iling siya sakin habang nakatingin sa ginagawa ko.

"gaano na kayo katagal magkaibigan nina Warren?" he asked.

"kami ni Shun 3 years, si Warren 2 years ko ng kaibigan"

"bakit lalake ang mga kasama mo? at hindi babae?" ang dami naman nitong tanong. Ano ba 'to miss Universe? Q and A portion?

"soon, you'll know about it" he nodded at me. Nilasap ko lamang ang hangin na dumadampi sa aking balat. Tumingala ako at pinagmasdan ang kagandahan ng mga bituin.

I miss you mom.

Sana nandito nalang ngayon si mommy. Sana kayakap kita ngayon mommy. I just want to know that I love you so much.

I feel wet on my eyes, I tried to hold on my tears but I failed. Bumagsak na ang mga luha saking mga mata.

"what's on your mind? you looked sad" I looked at Russell, mukhang nag-aalala siya sakin. I secretly wiped my tears at muling lumingon sa kaniya.

"nothing"

"oh come on Chanel! I know you have a problem. Spill it. I will listen to you" he said.

Umiling ako sa kaniya. "wag muna sa ngayon, kapag okay na ko malalaman mo rin 'to"

Hindi siya sumagot at tahimik lamang na nakatingin sakin. Kanina pa siya sulyap ng sulyap sakin.

Nababaliw na ba siya?

Ilang minuto pa ang nakalipas ay napagdesisyunan namin ni Russell na muling bumalik sa loob ng bar.

"all men are looking at you" bulong sakin ni Russell. "bakit ba kasi gan'yan ang suot mo. Nakikita ko na nga ang dibdib mo eh" saad niya pa.

"why do you care? are you jealous of them?" tumawa siya sakin at hinablot ang kamay ko patungo sa kinaroroonan nina Shun at Warren. Iyon na naman ang mga kaibigan ko, nawala lang ako may mga kasama ng babae.

Nag-init bigla ang ulo ko at hinablot ko ang buhok ng babae na ikinagulat nila lalong-lalo na ni Russell. "what the hell bitch?!!" what? me? bitch?!

Ok, Chany easy ka lang!

Tumawa ako sa babaeng kasama nila. "oh yes I'm a b*tch. So get your f*cking ass off" sinamaan niya ako ng tingin bago sila umalis.

I glared at my f*cking friends kaya napalunok sila habang nakatingin sakin. "e-easy ka lang naman Chany, nakakatakot ka naman magalit" sambit sakin ni Warren. Hindi ko siya pinansin at umupo nalang sa tabi nila, naramdaman ko na sumunod sakin si Russell at umupo sa tabi ko.

"san ba kayo galing?" tanong ni Shun sakin.

"panigurado akong sinunggaban na ng halik ni Chany si Russell" panunukso sakin ni Warren, magsasalita na sana ako ngunit sumingit si Russell sa usapan namin.

"no bro, she didn't kiss me or even hug me" napalingon ako kay Russell dahil sa sinabi niya. "she's really something" aniya habang nakatingin sakin na parang sinusuri ang kabuuan ko.

"don't tell me na nagugustuhan mo na si Chany? marami ng nahalikang lalake 'yan bro. Marami naring na---" hindi na natuloy ang sinasabi ni Warren dahil biglang tinakpan ni Shun ang bibig nito. Minsan talaga walang preno ang bibig ni Warren, pero mas gusto ko na malaman na ni Russell ang totoong ako.

"walang preno bunganga mo bro" sambit ni Shun.

"f*ck buddies kami" simpleng sagot ko kay Russell kaya nanlaki ang mga mata nila dahil hindi ko itinago 'yun kay Russell.

Mukhang nagulat din si Russell dahil sa sinabi ko. "w-what?" gulat na tanong niya sakin.

"ayaw ko na ulitin"

Napalunok si Warren at nilingon niya ang kaibigan. "y-yeah, that's true. Nagkagusto kami ni Shun sa kaniya noon pa. But right now we're best of friends" paliwanag nito.

Hindi ko na kailangang magbalat kayo sa kaniya. Kung nandidiri siya sakin, I don't care. I'm just being honest here.

I stared at him. Parang may malalim siyang iniisip at hindi ito makatingin sakin. Uminom nalang ako ng alak at iniwasan ko siyang tignan. Ewan ko ba, parang bigla akong nadisappoint dahil sa naging reaksyon niya. Akala ko pa naman matatanggap niya ko pero hindi pala.

Mukhang madadagdagan na naman ang haters ko.

Natahimik sina Shun at Warren pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nakalingon lang sila sakin. Alam na nila kung bakit ako ganito. Lagi akong nagiging ganito tuwing may mga taong lumalayo sakin.

"I'm impressed how honest you are" napalingon ako dahil sa sinabi ni Russell. Totoo ba 'to? tanggap niya ko? "you may not be perfect but atleast you're honest. I really admire you" nilingon din siya nina Warren at Shun dahil sa sinabi nito. Is this true?

Wala sa sariling niyakap ko siya. "I t-thought n-nandidiri ka sakin" ani ko habang yakap siya.

"no, hindi mangyayari 'yun."

Narinig ko na tumikhim sina Warren sa likod kaya napabitiw ako sa pag-kakayakap sa kaniya. "s-sorry" I said. Ngumiti siya sakin at tinapik ang ulo ko. He's sweet.

"S-shun" tawag ko sa kaniya. Kaya lumingon siya sakin. "a-ayaw ko umuwi sa bahay. Sa inyo muna ko"

"bawal ang babae sa condo namin ni Warren. Nandun kasi si kuya" magkasama kasi sila ni Warren sa condo at nag-share sila ng bayad doon. Ang mga bahay kasi nila ay sa Calauag Quezon pa, habang kami ay nasa Bicol.

Nilingon nila si Russell at nagtaas baba ang kilay nila na parang inaasar nila si Russell.

"wag kang mag-alala masarap sa kam-- I mean masarap kasama si Chany" sambit ni Warren, mga bugaw talaga 'to. Nilingon ko si Russell, nakatingin pala siya sakin.

"sure, pwede ka naman sa bahay. Pero nandoon sina kuya" he genuinely smiled.

"ok lang, kasing gwapo mo ba kuya mo?" tanong ko sa kaniya kaya bahagya silang natawa sa tanong ko.

"sobrang gwapo, lalo na 'yung panganay nila" pang-aasar sakin ni Shun. Panganay? hmm, interesting.

"may girlfriend si kuya" sambit ni Russell sakin.

Umarko ang kilay ko. "sinabi ko bang aagawin ko?" mataray na tanong ko sa kaniya kaya natawa ito sakin.

"sayang Chany! may girlfriend na pala. E'di dun ka kay Jazi!" sino namang Jazi ang tinutukoy nito ni Warren?

"he's a playboy" nilingon ko si Russell dahil sa sinabi niya. Owss. Tignan natin kung uubra ang pagiging playboy ng kapatid niya sakin.

"hoy ikaw Ruzzy! bakit ba parang ayaw mo ipamigay si Chany ha?" singhal ni Warren sa kaniya. Ruzzy pala nickname niya.

"It's not like that. Ayaw ko lang masaktan siya"

"iyan masasaktan? eh pinaglalaruan niya lang din naman ang mga lalake hahaha" tatawa-tawang sabi ni Shun kaya tinaasan ko siya ng kilay. G*go talaga 'to.

Nag–usap-usap pa sila tungkol sa mga kapatid ni Russell. Pero napukaw ang pansin ko sa kwento nila tungkol sa panganay niyang kapatid. Ewan ko ba pero parang bigla akong naging interesado.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

It's already 11:30 in the evening ng mapagpasiyahan naming magkakaibigan na dumiretso sa parking. Pinaiwan na rin sakin ni Warren ang kotse ko dahil siya na raw ang magda-drive noon papunta sa mansyon namin bukas.

Nanaig ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni Russell. Ang bango dito sa loob at amoy lalake.

Bumibigat na ang talukap ng aking mata hanggang sa makatulog na ko.

Napamulat ako ng mata ng biglang may nagsalita. "Chany? we're here. Are you sleepy?" tumango ako sa kaniya. Hindi ko na namalayan na narito na pala kami sa bahay nila, inalalayan niya ko papasok sa loob ng bahay nila. Malaki ang bahay, parang mansyon din ngunit mas malaki nga lang ang mansyon na naipundar ni mommy.

May garden ito at fountain sa harapan ng mansion. Pinasadahan ko lang ng tingin ang buong mansyon habang papasok sa loob.

And we're almost there. Binuksan niya ang pinto at bumungad samin ang isang gwapong lalake na nakaupo sa sofa, he's sitting cross legged on the couch. Napalingon ito samin ni Russell at parang kumislap ang kaniyang mata ng makita ako at saka niya ako nilapitan.

"hey there miss! You looked sexy" tinaas baba niya pa ang kilay niya habang nakatingin sakin. Pssh mukha ngang playboy. I was shocked when he grabbed my hand and kiss it. "Y-you're gorgeous. By the way, I'm Ralph Jasiah Magallanes you can call me 'babe' I mean you can call me Jazi" pagpapakilala niya.

Tignan natin kung makakatiis ka pa. I gave him a seductive smile and winked at him. Kaya ayun para siyang bulate na kinikilig. "okay babe" I used my sexy husky voice dahilan para mamula ang mukha niya.

"Kuya Jazi, she's my visitor. Stop it" napalingon ako kay Russell dahil parang may pagbabanta sa boses niya.

A minute later, biglang may bumaba mula sa hagdan. Isang matikas na lalake. Matangkad, matangos ang ilong, naka sando at boxer lang siya kaya kitang-kita ko ang matikas at makisig na katawan niya, matangos ang ilong at mukha siyang bagong ligo dahil basa pa ang kaniyang buhok. H-he's hot. I bit my lower lip at pinagmasdan ang kabuuan niya. Ang lakas ng dating niya para sakin. Mamula-mula ang pisngi nito at kitang-kitang ang umbok sa lalamunan niya. I mean adams apple.

Mas gwapo siya sa magkakapatid. Damn! ang landi mo Chany!

Pagkalingon niya sakin ay biglang nagsalubong ang kilay niya at mukhang ayaw niya sa awra ko. He's looking at me from head to toe.

"who's that girl?! sino ang nag-uwi ng babae dito sa bahay?!" galit na sambit niya sa magkapatid.

Sasagot na sana si Russell ngunit naunahan siya ng kaniyang kapatid. "she's my visitor. Can you lower down your voice kuya? para kang may regla lagi" I looked at Russell and he mouthed 'I'm sorry' ngumiti ako sa kaniya at nag-okay sign. Mabait pala talaga si Russell.

"and she'll sleep here, sa ayaw at sa gusto mo" masama pa rin ang tingin sakin ng kuya nila. But I was shocked when Jazi grabbed my arm at hinila ako pataas sa mansyon nila.

"what the hell Jazi!!! come back here!!! moron!!!" rinig kong sigaw ng kuya niya pero hindi nito pinansin ang sigaw ng kapatid at hila-hila pa rin ako ni Jazi paakyat ng mansyon.

Pinagmamasdan ko lang si Jazi na hila pa rin ako hanggang sa makarating kami sa isang kwarto. Malaki at kulay white, moderno ang disenyo nito. Alam kong nakatingin lang sakin si Jazi habang pinapasadahan ko ang kwarto na 'to.

Ito na siguro ang guest room.

Napahinto ako sa pag-iisip when Jazi grabbed my wrist kaya napaharap ako sa kaniya. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang biglang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

"what the hell? what are you doing?! are you planning to rape me?" angil ko sa kaniya.

He just smirked at me. Anong problema nito?

"Wala akong plano, pero kung gusto mo, I'm ready" I widened my eyes when he took off his shirt. Araw-araw ba siyang nasa gym? bakit ba lahat sila may abs.

Pero bakit ba iyon ang nasa isip ko? nababaliw na siguro ako.

I frowned at him and ignore him.

Dumiretso na ko sa kama para matulog. Bahala siya diyan kung titingnan niya lang ako. Alam ko naman na aalis din 'yan mamaya.

I'm tired, kanina ko pa gustong humiga sa kama.

Iniisip ko pa rin ang nangyari ngayong araw. Nakilala ko ang tatlong magkakapatid na Magallanes. Ang kikisig nila, kanino kaya sila nagmana?

Si Russell ang mukhang pinakamabait sa kanila, si Jazi naman parang babaero at iyong panganay na lalakeng nakita ko kanina ay parang arogante. Lahat sila gwapo.

Ano kaya pakiramdam kapag naging boyfriend ko ang isa sa kanila? Psh, nevermind.

Nakatingin lang sakin si Jazi pero hindi ko siya pinapansin.

Hanggang sa bumigat na ang talukap ng aking mga mata, marahil iyon ay dahil sa kalasingan kaya mabilis akong nakatulog.