webnovel

BAKAS

Magkahawak ang kamay sa dalampasigan

Sabay sa tawa natin ang malagkit na tinginan

Hindi man lang pinapansin ang bakas na iniiwan

Hawakan mo ang aking kamay wag mo akong iwan

Mga bakas ng paa, sa buhangin

Hindi mabura ng kahit alunin

Ngunit bakit ako na lang mag-isa

Bakit ang bakas mo'y biglang nawala

Hindi pinansin ang bakas nating kapansin pansin

Tumigil sandali at ninamnam ang sandaling nagdikit ang ating mga labi

Pinikit ang mata, yumakap sa isa't isa

Ngunit sa aking pagmulat ay wala ka na

Paulit-ulit na sinisigaw ang pangalan mo

Hindi ko kayang tanggapin ang paglisan mo

Inuulit-ulit na sinasabi sa sarili ko

Panaginip lang ang lahat hindi ito totoo

Mga ala-alang di matangay ng hangin

Mga ngiti kong kay tamis na bigla na lang pumait

Mga sulat sa papel na gagawin sana natin

Mga yakap mo't halik bago lumuwag ang iyong kapit

Sa iyong pagsama sa puting liwanag

Ang puso kong ito ay mananatiling bihag

Suot-suot ko parin ang singsing na sagisag

Ng ating pagmamahalan na hindi matitibag

Nawala man ang iyong bakas sa buhangin

Hindi mawawala ang bakas ng pagmamahalan natin

Dumungaw ka mula sa langit ako ay iyong hintayin

Maipagpapatuloy din natin ang pagmamahalang nabitin

Next chapter