webnovel

Chapter 34 You Love Me

I WAS BUSY looking at the files Nico gave me. It has the information about our parents' death he had gathered so far. I just gave him a brief explanation.

Nasabi sa akin noon ng paramedic na noong matagpuan ang mga magulang namin, isang oras na ang nakalipas nang mamatay ang tatay namin. I was interrogated by the paramedic if I knew someone who has a grudge to my father. I cannot think of anyone. I am minding my own business and I don't care about the business world way back.

Then the paramedic declared that our parents died at the same time – because of the accident, to be precise. As naïve as I was, I thought that no one will believe me if I seek help from the police and tell them what the paramedic said.

Isa sa mga pinapaimbestigahan ko kay Nico ang paramedic na iyon. Ito nga at napag-alaman niya na isa sa mga pulis noong mga panahon na iyon ay kasintahan niya. I can tell that she don't want to give it so much time, and wrap it up as quickly as possible, which is so unprofessional.

Malaman-laman ko lang ang totoong nangyari sa magulang ko, isa sila sa mga sasampahan ko ng kaso. Lahat ng humawak sa imbestigasyon na iyon.

And I know, it was irresponsible of me to leave this matter to Nico. Pero wala akong magagawa. Kailangan ko ng tulong niya.

Mula nang mamatay ang mga magulang namin sa aksidente, napasa sa akin lahat ng responsibilidad nang wala sa oras. And at the age of eighteen, I struggled so much to earn the trust of the people in the company.

The lending company founded by my parents has been living even before Lei was born. Sabi sa akin noon ni Mom ay binili nila ang kompanya kay Mr. Montereal. Nalulong na kasi ang mag-asawang Montereal sa mga bisyo at nanghihinayang sila kung babagsak lang ng ganoon-ganoon lang ang kompanya.

Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit sa edad na sampu, pinagkasundo nila ako sa isang apat na taong gulang na si Vyra. Magka-edad lang sila ni Lei.

At first, I made fun of the situation. I admit I am just any other guy. I played around a lot when I turned fourteen. I even show Vyra who's the boss every time we meet in that club and made her bow before me.

Pinaalam lang namin sa kanya na ako ang fiancée niya noong namatay ang mga magulang namin.

And speaking of my Queen, she just got out of the bath wrapped in a yellow towel.

Tinabi ko na ang laptop ko at naupo sa gilid ng kama. Mataman na pinagmasdan ang bawat galaw niya. Nang matapos siyang makapagpalit ng nightgown, kinuha niya ang blower sa drawer, sinaksak at binigay sa akin.

"Dry my hair," she said and sit beside me.

This girl has become bossier as time passes by.

Napailing na lang ako at sinimulang patuyuin ang buhok niya. Nang tumama ang blower sa balikat niya, dahilan para mahawi ang damit niya, bahagyang sumilip ang malusog niyang mga dibdib.

I kissed her on her exposed shoulder.

"I'm tired, ano ba?!"

"I'm not asking," pabiro kong sabi.

"Tsk!"

I know she was lying. Pakipot lang talaga siya. And I love it when I take her no as no. Wala siyang magawa kundi ang lambingin na rin ako.

Tinago ko na ang blower at nahiga sa kama. Tumalikod ako sa kanya para effective.

"Liam," may diin ang pagbigkas niya ng pangalan ko.

"What?"

"Naalala ko lang…"

Hinarap ko siya nang binitin niya ang pagsasalita niya. Nakasandal siya sa headboard, nakababa ang isang strap ng damit niya.

"What is it?" I asked, bored. Hindi ko pinahalata na natutuwa ako sa ginagawa niya.

"Sabi mo noon na pinagkasundo ako sa iyo fifteen years ago, and that I was ten years old back there."

"Hmm? What about it?"

Mataman niya lang akong tinitigan na tila ba tinitimbang ang reaksyon ko. Makalipas ng ilang segundo ay nagsalita siya, "marunong ka ba ng Math?"

I knew it.

Plano ko na gawin iyon pang-asar sa kanya, naunahan niya lang ako. But it backfired, and now she is asking me the same thought. I want to know how she will do it.

"So?"

"Liam, bakit parang hindi ka man lang yata nahihiya na nagkamali ka sa calculation mo? Fifteen years? Ten years old? I'm just a young and beautiful, twenty years old Mrs. Liam Castro."

Hinilot ko ang noo niya para lumapat ang pagkakunot noon dahil sa asar niya. "Bakit mo ba binabalik iyon? Iyan tuloy, kumukunot noo mo. Hinay-hinay, baka magka-wrinkles ka."

"Bakit binabalik?" Hinawi niya ang kamay ko. "Everything you do feels so right. At ngayon na may naalala ako na pang-asar sa iyo, iyan ang sasabihin mo? Liam, ang tagal kong naghanap ng mali sa iyo. You're too perfect-"

"You just love me," I cut her.

Nanahimik siya at hinilot ang sentido niya.

Naupo ako paharap sa kanya. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. I run my finger on her exposed chest, tracing "I love you" on her skin.

"Bakit parang hindi ka kinikilig?" tanong ko.

"Kinkilig ako, ok?!" asik niya.

I won, the moment she lost her cool and composure.

"Liam, sa tingin mo magkakabalikan si Lei at Ken?" Pag-iiba niya sa usapan.

Now that we're at it, kung hindi niya lang sinabi sa akin ang plano niya para tulungan si Kenneth, matagal ko nang pinatapon sa dagat ang lalaking iyon. Looking at them all friendly, I want to kill him. And besides, it is not something an engaged woman would propose.

If it wasn't for my sister, and if I didn't know Kenneth, hindi ako papayag sa kalokohan na ito.

Pero…

"You can stop it now, Vyra," I said.

Tama na ang ilang linggong pagpapaselos.

Tumayo ako at pumunta sa banyo.

Alam ko na nagpapanggap lang sila pero nagseselos pa rin ako. Naghilamos ako para palamigin ang ulo ko. Ilang saglit pa ay nagsalita sa pinto si Vyra.

"Nagseselos ka ba?"

"Yeah, what are you going to do about it?" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.

Now that she knows I'm jealous, I would love to see how she'll make up for it.

Lumapit siya sa akin. She runs her hands from my arms to my shoulder and drew small circles on my chest. "Uhm, I'll kiss you?"

I caught her hands and pinned her to the wall. "Should I tie you up?"

She just smirked at me.