webnovel

Chapter 29 Guilty

DAHIL SA ISANG HALIK, muling nabuhay sa akin ang pangako ko na babalikan ko siya. Ito na yata ang binigay sa akin na pagkakataon na ayusin ang lahat. Na linawin kay Ash ang bagay na iyon na naganap halos walong buwan nang hindi napag-usapan. Na hindi ko siya kailanman niloko.

But looking at Ash now that she's close to me, I felt guilty. She is not being herself recently. I think that it's not the right choice to be around her. I should have kept my distance. Dapat hinayaan ko na lang siya na makalimot nang tuluyan.

Dahil kung ganito lang din naman na sa tuwing magtatama ang mga mata namin, kung hindi galit, puno naman ng sakit ang mga mata niya.

Hindi ko na dapat ginulo ang pananahimik niya.

Pero…

Kahit man lang maging magkaibigan kami, at sulitin ang college life. Doing stuff, eating out as a group, I am hoping that it should be fine.

At ngayon nga, gusto ko lang na kumain kami nang sabay-sabay ng mga kaibigan ko, ni Ash at Vyra. But the weather didn't agree with the mood, just like Ash.

She walked away, absentmindedly.

"Saan sasakay si Lei? Dala natin ang kotse," sabi ni Vyra.

Agad naman naming sinundan si Lei.

"Hey, dude! Tuloy ba tayo?" tanong ni Kim nang makasalubong ko siya sa pinto.

"Later," tipid kong sagot at pinagpatuloy ang pagsunod kay Ash.

Nang makarating kami sa first floor, agad kong napansin ang lakas ng ulan sa labas. Hindi mahangin, puro ulan lang.

Masarap siguro maligo sa ulan, gaya ng dati.

Ash and I loved to play and dance in the rain.

Speaking of Ash, she is slowly walking out of the school building.

"This bitch! Mapapagalitan na naman ako ni Liam sa ginagawa niya," sabi ni Vyra sa tabi ko.

"It's ok. I will explain it to Kuya Liam later. Do you have an umbrella?" I asked her.

"Wala. Kausapin mo na lang si Lei. Pigilan mo or whatever!"

Napakamot ako sa batok ko. Guess I have no choice but to dance with my Ash under this heavy rain.

Sinubukan ko siyang asarin. Nakisabay na rin si Vyra na ngayon ay sumabay na sa paglalakad namin. She has an umbrella with her, after all. May hawak na rin siyang phone at kinukuhaan kami ng video.

I started singing. Ramdam na ramdam ko ang bawat linya, at mga sandali na lumipas.

Ash, on the other hand, is still walking, not even bothered.

After a while, I noticed that she is not walking straight. Agad ko siyang dinaluhan. Nang ikulong ko siya sa bisig ko, narinig ko ang mahinang usal niya sa pangalan ko.

"I've got you. You're fine, Ash."

Hindi nagtagal ay may pumarada na isang itim na kotse sa harap namin.

Bumaba ang bintana sa driver's seat at sumilip doon si Kuya Nico.

"What the fuck are you doing? Is this some kind of drama scene?" seryosong tanong niya.

Gusto ko siyang tanungin kung anong ginagawa niya rito sa school. Graduate na siya. At isa pa, napagkasunduan namin na ako na ang maghahatid-sundo sa dalawang prinsesa ng mga Castro.

"Get her inside," utos niya na agad ko namang ginawa.

Unang pumasok sa back seat si Vyra at tinulungan ako kay Ash.

"Get my car to safety, John Kenneth."

Matapos niyang sabihin iyon ay pinaandar niya na ang kotse palayo sa lugar.

Napahilamos na lang ako sa sariling mukha.

What am I doing? I'm supposed to keep Ash safe.

Bigla ay naalala ko ang sinabi niya kanina na gusto niyang magpahinga. Kahit naman wala siyang sinat noong hinawakan ko ang noo niya, dapat pinigilan ko siya na sumuong sa ulan.

Paano na ako magpapaliwanag nito kay Kuya Nico?

Mamaya ko na iisipin iyon. Mabilis akong tumakbo papunta sa parking lot para kunin ang kotse at sundan sila.

Dumiretso sila sa bahay at hindi sa ospital.

Nang nasa front door na ako, narinig ko ang sagutan ni Vyra at Kuya Liam.

"What happened? Why are you all soaking wet? Is class done for you to have time and play around?"

"Class is done. We play in the rain that's why we are wet. And Ash passed out. Maybe because she doesn't have anything this lunch?" Vyra is only pissing Kuya Liam more. She's not helping at all at this moment.

"And you let her walk in the rain? Are you freaking crazy?"

Pasimple akong pumasok sa sala.

Nakita ko si Kuya Nico na karga pa rin si Ash. Si Vyra naman, nakayuko sa harap ni Kuya Liam habang nakapameywangan ang huli. Nakatalikod silang lahat sa akin.

Announcing my presence is not the right thing to do at the moment.

"Kuya, asikasuhin muna si Lei bago ka manermon. John Kenneth, ikaw na bahala kay Lei."

Napalunok ako ng ilang beses. It is so rare for Kuya Nico to control the situation, as much as giving instructions calmly. Ngayon pa na hindi rin magkandaugaga sa panenermon si Kuya Liam sa asawa niya.

"Elvyra, pakisabihan si Nanay na magluto ng kakainin ni Lei. At Kuya Liam, kumalma ka."

Nang matapos sa pagsasalita si Kuya Nico, maingat niyang binigay sa akin si Ash. Kalmado rin ang repleksyon niya.

I feel like any moment now, he is going to give me a hard time like a calm storm that brings huge destruction.

Dinala ko na sa kwarto niya si Ash. May nakasunod na rin na kasambahay sa amin.

Kumuha lang ako ng mainit na tubig at bimpo, saka inabot iyon sa kasambahay.

"Salamat, Hijo. Ako nang bahala sa alaga ko," sabi nito.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa guest room na tinutuluyan ko.

Inalis ko lahat ng damit ko at dumiretso sa banyo. Sa ilalim ng shower, nagngangalit ako sa galit para sa sarili ko.

"John Kenneth!"

Mabilis kong tinapos ang paliligo ko nang marinig ang malakas na tawag ni Kuya Nico. Lumabas na ako ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya.

"I thought I told you to make things clear with Lei. Anong nangyari?" kalmado pa rin siya.

Tila mas gugustuhin ko pa na bugbugin niya ako, kaysa ang pagtaasan ng boses sa mga oras na ito.

Huminga na lang ako ng malalim bago siya sagutin. "Naisip ko lang po na baka mas gumaan ang loob niya kahit papaano kung magbo-bonding kami kasama ang mga kaibigan namin bago ko siya kausapin tungkol sa bagay na iyon."

"Oh? At paliligo sa ulan ang bonding na sinasabi mo?"

"It wasn't my intention. She just walked straight-"

"This will be the last time I'm giving you a chance. Maulit pa ito, hindi na ako magpapakabait pa sa iyo. Face your shit like a man."

Nakakahiya ako. Unti-unti nang nawawalan ng tiwala sa akin si Kuya Nico.