webnovel

Chapter 27 Kiss

EXAM WEEK, also known as hell week. Bukod sa hindi ako nakapag-review, super stressed ako sa mga pang-aasar ng mga kapatid ko, at ni Vyra.

Hindi ko alam kung ano ang magiging ending ng week na ito. I just hope na hindi ako bagsak para hindi mabawasan ang allowance ko. Sasama pa ako sa camping. Gagala at mamimili ng anime merch.

Alas siyete y media, I'm done preparing for school. Bumaba na ako sa dining room for breakfast. At sa araw-araw na hinihiling ko ang isang peaceful day, just a split of second, slip away.

Padabog akong umupo sa pwesto ko. Mabilis naman inasikaso ng katulong ang kakainin ko. Habang naghihintay, hindi maalis-alis ang matalim na mga tingin ko kay Ken. Kulang na lang sabihin ko kay Yaya na hindi na ako kakain dahil nawalan na ako ng gana just looking at this jerk.

He is sitting on the opposite side, beside Vyra.

"What are you still doing here? Mukha bang bar ang bahay namin para balik-balikan? Sorry pero walang babae rito na willing makipaglandian sa iyo. Oopps, sorry. Wala palang alak, hindi babae."

"Ashene Lei," mahinahon ngunit may diin na bigkas ni Kuya Liam sa pangalan ko.

Agad kong nilibot ang tingin. Lahat sila nakatingin sa akin as if I am not myself and spouting nonsense. Si Kuya Nico lang ang may nakakalokong tingin. I can imagine him mocking me and taking my allowance.

"Watch your mouth, Lei. Eat your breakfast," patuloy ni Kuya Liam.

"Sabay na tayong pumasok, Sis."

Tango lang ang sagot ko kay Vyra. Sa totoo lang, minsan na lang kami magkausap ni Vyra. Kaya sa tuwing magkakausap kami, palagi ko lang siyang inaasar and she fights back like a big sister. She's becoming less entertaining than when we first met.

"Anak, mag-almusal ka na. Good luck din sa exam niyo," sabi ni Nanay habang hinahain ang almusal ko.

Una kong kinuha ang hot coffee at humigop. Muntik pa ako masamid nang magsalita ang magaling kong Kuya Nico. Tipong he is waiting for me to put something in my mouth before talking. Nananadya!

"Sis, dito muna si Kenneth ngayong darating na sem break. Wala kasi ang Ate niya sa kanila. Tapos mag-isa lang siya sa kanila. So I suggested that he could stay here. Pumayag na rin naman si Kuya Liam kaya wala ka nang magagawa."

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Nahampas ko pa ang mesa. Ramdam ko ang hapdi sa kamay ko, pero binaliwala ko lang iyon.

"Ano siya, bata?! So what kung wala ang Ate niya, need na ba talaga na ampunin siya? And stay here for what? Kaya naman niya ang sarili niya. Matanda na iyan. Mag-isa siya doon sa kanila. O kaya naman magdala siya ng babae na pwede niya makasama o makalandian. Doon siya magaling eh!" walang preno na sabi ko.

Naiinis ako. Lalo na nang makita ko na parang nasasaktan siya sa mga sinabi ko.

"Kuya Nico, like I told you. Ash doesn't want me here."

Ang galing niyang umarte. May paawa effect pa siyang nalalaman. Napakawalang hiya niya.

Well, bring it on then. Kung ipagpipilitan nila na dito siya mag-stay, then I will do every means to make his stay a living hell. Gagawin ko ang lahat para siya na ang kusang umalis.

I flip my hair to show him na hindi ako magpapatalo. "You can stay then. Feel at home."

Napangiti naman si Kuya Nico. Akala niya naman nagtagumpay siya.

Si Kuya Liam naman, parang may sasabihin pero pinili na lang na manahimik.

Sumubo ako ng isang mouthful of sinigang. Nang malunok ko, every cell in my body is screaming that they don't have the mood to digest anything.

"Nawalan ako ng ganang kumain."

Tumayo ako and head to the front door. Hindi ko na pinansin pa ang mga reaction nila sa inasal ko. I'm not in the mood to be a good person. Kung gusto nila na maging mabait ako, palayasin nila ang hindi welcome dito sa bahay.

Paglabas ko ng pinto, agad ko namang nakita si Manong.

"Manong, let's go na po."

Pumasok na ako sa backseat. Sumilip naman si Manong na parang nagtataka.

"Ay Ma'am, hindi na raw po ako ang magda-drive sa inyo sabi ni Sir Nico."

Tatanungin ko sana si Manong kung bakit kaso may asungot na sumingit.

"Ang aga pa. Masyado ka namang excited pumasok. Ni hindi mo nga suot ang eyeglass mo," sabi ni Ken. Pumasok siya sa kotse at tumabi sa akin.

Now that we are alone, I can slap him all I want. Inamba ko ang kamay. But before it even sway to slap him, agad niyang hinuli ang kamay ko at hinila palapit sa kanya dahilan para maglapit ang mga mukha namin.

In this small space and with closed doors and windows, I am losing my breath. Ilang beses akong lumunok while staring back at him.

"You never failed to make me fall for you over and over again," he said.

I don't know pero iba yata ang dating ngayon ni Ken. Naiinis ako sa kanya pero bakit parang hindi ko feel na naiinis talaga ako? Tinitigan ko ang namumungay niyang mga mata. Ang ganda talaga ng mahahabang pilik-mata niya. Hinding hindi ako magsasawa na pagmasdan iyon kahit natutulog siya.

Mayamaya ay naramdaman ko na lang ang mamasa-masa niyang mga labi sa labi ko. Bahagya niya rin iyon na pinaghiwalay at may pinasok sa loob ng bibig ko. After a few more seconds of sucking my lower lip, lumayo na siya sa sa akin.

I remain still. It feels like time froze for me at this very moment. Natauhan na lang ako nang magsalita siya.

"Naalala ko lang ang sinabi sa akin ng nanay ko dati. Kapag hindi daw ako kumain bago pumasok, at least kumain man lang ako ng candy. For energy daw."

Naikot ko ang dila sa loob ng bibig ko to make sure na candy nga talaga ang nilagay niya, not just random shit. At isa pa, bakit kailangan mouth to mouth? He can just handed me the candy.

Nakatitig lang ako sa kanya. I feel like I'm wanting more of his kiss.

"What?" tanong niya na hindi ko na sinagot pa.

Wala na ako sa sarili ko.

Anong nangyayari sa akin?

He gave me a peck on my lips bago siya lumabas at lumipat sa driver's seat. Hindi nagtagal ay dumating si Vyra.

"Let's go, guys!"