webnovel

Chapter 25 Make Me

KAGIGISING ko lang. Pasado ala una na. And every fiber of my body, panay na ang reklamo. I feel so empty kaya kahit nakasuot pa rin ako ng pajama, lumabas na ako ng kwarto to grab some food.

Tsk, puyat pa more, girl!

Hindi ko na sinara ang pinto ng kwarto ko and I absent mindedly head to the kitchen. Nasa bungad pa lang ako nang hagdan nang makarinig ako ng nag-uusap sa baba.

"Congratulations, Kuya Liam. I was wondering kung sino ang ikakasal sa inyong magkakapatid. It turns out that it was the cold and no girlfriend since birth like you finally found the one."

"Are you here to be buried alive or to have a few punches, John Kenneth?"

Wait, what?!

Sumilip ako sa baba at nakita ko sa sala, Kuya Liam is entertaining the worst guy I've ever known. Napatingin siya sa gawi ko. A playful smile is now on his face,

"Good morning, Lady Ash," sabi niya at kumindat pa sa akin.

Kumulo bigla ang dugo ko. Having him around is enough to ruin my day. Tapos may mga gestures pa siya na out of place. Like hello? Ang landi niya! Sa labas siya lumandi, hindi sa pamamahay ko, not in front of me.

Mabilis akong bumaba at hinarap siya.

"John Kenneth Guzman, you're not welcome here. Get lost!" Nanlilisik ang mga tingin ko sa kanya pero hindi man lang siya natinag.

"Really, Lady Ash? Are you aware that you are still in your nighties? We are not the only ones here. Or you might as well wear some daring ones. Perfect for a guys' party," he said looking at me from head to toes, smirking.

I really want to punch his face right now, kung hindi lang tumunog ang tiyan ko. Kahit nahihiya ako, nakipagtalasan pa rin ako ng tingin sa kanya. I won't back down. And besides, what's with the Lady Ash?

"Enough with your childish tantrums, Lei. His sister is one of our business associates. But she is not around so he is here as a proxy. Watch your manners, Young Lady," kalmadong sabi ni Kuya at pumagitna sa amin ni Ken. "Go and eat. Magpalit ka na rin ng damit."

Hindi naman see through ang damit ko, but I really have to watch how I dress. Mahirap na lalo't narito sa paligid ang gagong ito.

Pumunta na ako sa kitchen at nagbilin sa kasambahay na dalhan na lang ako ng foods sa room ko. Paglabas ko, nag-uusap pa rin si Kuya at Ken.

"If you'll excuse my rudeness, I have some things to attend to. I will leave you for now." Paalam ni Kuya saka lumabas na ng bahay.

Nang tuluyan nang makaalis si Kuya, bumaling naman sa akin si Ken.

"Get lost!" mahina pero madiin na pagkakasabi ko sa kanya.

"Make me." Watch me take off that smirk on your face. I ball my hands into a fist ready to punch him when Elvyra shouts from the second floor.

"Lei! I need your help, Sissy!"

"Look how lucky you are. Watch your step, the door is open. Don't wait for me to drag you out of our house." I said and leave him. I can't stand the sight of him.

"I'll wait here, Ash. I want to see how you do it."

Fuvk you, Ken!

NAG-STAY ako sa guest room. Alam ko na ngayon na kahit alam nilang break na kami, welcome na welcome si Ken dito sa bahay. They even told him where my room is. Nagulat nga ako kanina nang paglabas ko ng bathroom, nakaupo siya sa kama ko.

Sobrang kapal ng mukha niya. Pwede na i-shave at gawing toppings sa shake tapos ipainom sa kanya.

Kaya dito na lang ako sa guest room matutulog. Wala naman nang gumagamit nito. Si Vyra kasi, doon na sa room ni Kuya natutulog.

At siguro naman, uuwi ang lahat ng bisita kaya hindi nila ito ipapagamit. Makakahinga ako nang maluwag. Walang asungot na basta-basta na lang papasok dito. For my safety and peace of mind, I double check the door kung naka-lock na.

Matutulog na ako. Bahala sila mag-party sa labas.

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o naidlip lang. Hindi ko rin kasi tinignan kanina kung anong oras ako natulog. I feel like I just close my eyes for a few seconds tapos nakaramdam ako ng uhaw.

Tumingin ako sa wall clock and it says 3 o'clock.

Huminga ako ng malalim. First time ito nangyari sa akin na parang natutuyuan ako ng lalamunan in the middle of the night. Bumangon na ako only to notice the heaviness on my chest.

Wait, binabangungot ba ako? Sleep paralysis? No!

"Ash, I'm so sorry. Believe me, all this time, all I've loved is you. All I ever wanted to be with is you."

Worse pa sa bangungot ang dala ng lalaking ito. First of all, bakit siya narito?

Or kung panaginip lang ito, bakit siya pa ang kasama ko?

Imposibleng makapasok ang walang hiyang ito dito. I even pinch myself hard enough, I can feel my skin crying in pain. Bigla akong nakaamoy ng alak. Lasing siya!

Hala, baka pinagsamantalahan niya na ako. Pero wala naman akong nararamdaman na sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. I am even wearing my pajamas.

Am I safe?

No, hangga't nasa paligid ko si Ken, I will never be safe!

Pinilit kong alisin ang braso niya na nakayakap sa akin. Ang legs niya rin na nakapatong sa waist ko. My gosh, papatayin ako ng lalaking ito! Nahihirapan na akong makahinga.

"Mmm." Ramdam ko ang mainit niyang paghinga sa batok ko. Bahagya ring humigpit ang yakap niya sa akin. Gising siya, for sure. Nang-aasar lang.

"Nauuhaw ako, Ken. Alisin mo iyang braso mo!" asik ko sa kanya na agad naman niyang ginawa.

Nang tumalikod siya sa akin, nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

Tumayo na ako at pumunta sa kitchen. Nakita ko sina Yaya, naglilinis.

"Katatapos lang po ba ng party?" tanong ko.

"Ay Hija, bakit gising ka pa?"

Nagtatanong po ako, Nanay Mayordoma. Pakisagot po muna.

Tsk, nasira na ang mood ko dahil sa lalaking iyon. Kung hindi lang si Nanay ang kausap ko ngayon, malamang na-voice out ko na ang pagtataray ko.

"Nauuhaw po kasi ako," sagot ko na lang.

"Ganoon ba? O siya, uminom ka muna ng tubig. Ipagtitimpla na rin kita ng gatas para makatulog ka ulit. Ang aga pa, Anak."

"Salamat po, 'Nay. Nga pala, umuwi po ba lahat ng bisita?" tanong ko.

"Ah hindi. Si Sir Kenneth, pina-stay ni Nico sa guest room. Wala naman gumagamit noon kaya binigay ko ang susi."

OMG, nakalimutan ko magsabi kay Nanay! I am to blame.

Pero, no!

"Nay, hingi po sana ako ng tulong sa ibang kasambahay. Mga dalawa po sana. Patapos na po ba kayo?"

"O sige. Binigyan naman kami ng day off ni Sir Liam-"

"Ipapa-extend ko po ng tatlong araw ang leave nyo. Patulong po ako."

"Sige." Alam ko nagtataka si Nanay pero pumayag pa rin siya.

Kuya Nico at Kenneth, humanda kayo.