webnovel

Wala Akong Karapatan Kung Ikukumpara Sa Iyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang ang operasyon ni Tangning ay pinaplano pa, si Mo Ting ay nakahanap ng panahon na personal na talakayin ang opsyon ni Tangning sa mga doctor. Katulad ng dati, sa mga panahong katulad nito, pinakikiusapan ni Mo Ting ang malalapit na kaibigan na samahan si Tangning. 

Ang entertainment industry ay palagi nang nagbabago at ang mga baguhan ay naguumpisa ng gulo sa bawat area. Kaya, ang pagbanggit kay Tangning ay natural ng mag umpisang magbawasan.

Kung kaya, si Long Jie na nagtatrabaho pa rin sa entertainment industry, ay hindi maiwasang magreklamo kapag naririnig niya ang mga tao na nagsasabi na si Tangning ay hindi na uso; kahit pa alam naman niya na walang pakialam dito si Tangning.

"Hindi mo alam kung gaano ka makatotohanan ang mga tao. Sa sandaling makita ka niyang umalis mula sa industriya, kaagad na pinapirma ni Lin Weisen ang kanyang asawa sa isang bagong agency."

"Wala na namang dapat na ikagalit tungkol dito. Wala siyang ginawang masama."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com