webnovel

Tulungan Mo Akong Magsagawa Ng Press Conference

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Namatay ba siya?" kaagad na tanong ni Lu Che.

"Oo, sa kasamaang palad siya ay namatay," tango ng nurse. "Bukod sa paglalaslas ng kanyang pulso, sinaksak nya rin ang kanyang sarili at ito ang dahilan kung bakit nasira ang ilang vital organs niya. Habang sinusubukan namin siyang iligtas, ang kanyang puso ay tumigil sa pagtibok."

"Hindi lamang siya walang awa sa iba, siya rin ay walang awa sa kanyang sarili," buntong hininga ni Lu Che.

"At saka…" ang nurse ay mukhang naiilang. Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay sinabi nito, "Nag iwan siya ng suicide note na nagsasabing si Miss Tang ay hindi mabait na tao. Inulit ulit naya dina ang mga katagang iyon habang sinusubukan namin siyang iligtas."

"Ang Xu Xin na ito. Kahit na siya ay mamatay, sinusubukan pa rin niyang hilahin ang iba kasama niya."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com