webnovel

Subukan Mong Magreklamo? Makakatikim Ka Ng Sampal Sa Mukha.

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Upang maiwasang may mga taong maging dahilan muli ng gulo, partikular na kumuha si Long Jie ng dalawang bodyguards para sa magulang ni Luo Sheng. Ang dalawang lalakeng ito ay lumilitaw na normal na trabahador lamang sa tindahan, ngunit sa katotohanan, maaari nilang paralisahin ang isang tao sa isang mabilis na galaw lamang.

Syempre, hindi maaaring tanggapin ng miyembro ng SMY na sila ay masapawan. Lalo na dahil sila naman palagi ang nang aapi kay Luo Sheng. Paano nila maaaring mapayagan na apakan na lamang sila nito ngayon?

Kaya, kumuha sila ng tatlong lalake upang magpakita sa tindahan ng magulang ni Luo Sheng upang gumawa muli ng gulo. Sa kasamaang palad, nang sila ay pumasok sa tindahan, sila ay sinipa palabas ng mga bodyguard na kinuha ni Long Jie. Higit sa lahat, sila ay hinila sa isang bakanteng iskinita at binigyan ng magandang pambubugbog.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com