webnovel

Mo Ting, Ikaw Ay Gumawa Ng Magandang Paglilinlang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Xia Hanmo ay nakaligtas sa kritikal niyang estado at pansamantalang nasa isang hindi mapanganib na kalagayan. Gayunpaman, hindi pa siya natatauhan, kaya tahimik lang itong nakahiga sa ICU.

Si Tangning ay hindi maaaring tumayo sa higaan, kaya si Long Jie at Lin Qian ay pumunta upang bisitahin siya. Pagkaraang marinig ang tungkol sa buong insidente, napabuntong hininga sila, "Ang President Fan na ito ay inaapak apakan ang hangganan ni President Mo."

"Paanong nahulog si Xia Hanmo mula sa hotel? Si President Fan ba iyon?"

Iniling ni Tangning ang kanyang ulo, kinukumpas na hindi rin niyan masyadong naiintindihan kung ano ang nangyayari.

"Si Ning Jie ay nasa ganito ng kalagayan, dapat ay tigilan mo na ang pagtatanong sa kanya. Kung malalaman ito ni President Mo, hindi na kita maisasalba pa," pag aawat ni Lin Qian pagkaraang makita na si Long Jie ay masyadong maraming tinatanong. "Hayaan nating makapag pahinga si Ning Jie."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com