webnovel

Mayroon Ka Pa Bang Dignidad?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakapaligo na si Mo Zixi, kaya ng dinala niya si Xingzhe sa banyo, pinanood niya si Yao Anqi na naglalakad papunta sa banyo na nakasuot lamang ng bathrobe.

Medyo nakaramdam siya ng hiya, pero sa kabutihang palad, masyadong maunawain ang little Xingzhe na nasa kanyang mga bisig. Alam niya na ang kanyang Daddy ay medyo nahihiya, kaya hinawakan nito ang likod ng kanyang kamay. 

Hiniga ni Mo Zixi si Xingzhe sa kama at kinantahan ito ng lullaby. Para sa kanya, ang pinakaimportanteng bagay nang gabing iyon ay ang kanyang anak.

Pero, ganap niyang minaliit ang katawan ni Yao Anqi.

Pagkatapos niyang maligo, lumabas si Yao Anqi ng banyo na nakasuot ng bathrobe. Pero kahit na may suot ito, maaaring maipagpalagay ni Mo Zixi kung gaano ka – feminine at kaakit – akit siyang tingnan sa loob ng suot nito.

Kaya naman, umiwas siya ng tingin at inilagay ang kanyang mga sulyap sa kama ni Xingzhe.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com