webnovel

May Isang Bagay Na Kailangan Mong Makita

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang kaalam – alam na dumating si Tang Xuan sa café na naging dati na nilang tagpuan ni Doctor Lin. Pinili niyang maupo sa dating upuan na inupuan niya noong una silang magkita, dahil ito ay tahimik at nakatago.

"Natatadaan mo pa ba ang iyong sasabihin sa ilang sandali?" pagkukumpirma ni Lu Che habang pinagmamasdan ang café mula sa kanyang sasakyan.

"Oo," masiglang tango ni Doctor Lin. Nang akmang pababa na ito ng sasakyan, humarap ito kay Lu Che at muling nagtanong, "Kung gagawin ko ang iyong sinabi, talaga bang papakawalan mo ako?"

"Maasahan mo iyan," seryosong sagot ni Lu Che.

Matapos marinig ang sagot ni LuChe, itinulak pabukas ni Doctor Lin ang pintuan ng sasakyan, piilit ang kanyang sariling huminahon at naglakad patungo sa café.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com