webnovel

Matagal Kong Pinag – Isipang Mabuti Kung Paano Haharapin Si Tangning

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mayroon akong pakiramdam, hindi ka hahayaan ni Lan Xi na pumunta sa talk show na ito," sabi ni Mo Ting gamit ang malalim niyang boses, "Matapos mo siyang hamunin ng ganoon, sigurado ako na hindi ka niya hahayaan ng ganoon na lang."

"Kapag hinayaan ka lang niya na tapakan siya sa ulo, kung gayon gagawin kang halimbawa ng iba pang modelo at kokopyahin din nila ang ginawa mo. Kapag nangyari iyon … mawawalan siya ng dignidad bilang isang CEO."

"Siya ang unang humamon sa akin…" kalmadong tugon ni Tangning. "Dahil lamang sa isa akong modelo, nangangahulugan ba nito na wala na akong pagrespeto sa sarili? Hahayaan ko na lang ba siyang gawin akong hangal at kontrolin ako para magkaroon lamang siya ng dignidad?"

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Nag – aalala lamang ako na baka may gawin siya sa iyo," mabilis na pagpapaliwanag ni Mo Ting.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com