webnovel

Makinig Ka Sa Akin, Narito Ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkaraang tanggapin ang tawag ni Tangning, diretsong itinapon ni Tang Xuan ang telepono sa kanyang lamesa. Nang makita ang nangangalit na hitsura ni Tang Xuan, nagtanong ang kanyang assistant, "President Tang, anong nangyari?"

Tumayo si Tang Xuan mula sa kanyang kinauupuan at tiningnan ang salitang 'Acting President' sa salaming pinto ng kanyang opisina. Ngumisi ito, at sumagot, "Sabi ni Tangning makikipaglaban daw siya para maging tagapagmana."

"Galing ba iyan sa bibig mismo ni Tangning? Hindi ito isang bagay na sasabihin na lamang niya."

"Dahil nalaman niyang iniinsulto ko ang kanyang ina," panghahamak ni Tang Xuan. "Ngunit sandali…may binanggit siyang bagay tungkol sa isang bagay na nangyayari sa kanyang ina. Maaari kaya na ang kanyang walang kahihiyang ina, sa wakas ay naisip ang nakakahiyang bagay na kanyang ginawa at nagdesisyon na tapusin na ang kanyang buhay? Kung ganun ang nangyari, tatalon ako sa tuwa…"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com