webnovel

Makikipagkita Ako Sa Mga Nakakatanda

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kung ikukumpara sa kamisteryosohan ni Mo Ting, tumatanggap si Quan Ye ng mga interbyu ng mas madalas. Kapag nasasalubong siya ng mga reporter sa kalsada, kapag nasa magandang kalagayan siya o ang kanyang kasamang babae, aakto siyang mapagbigay at sasagutin ang lahat ng kanilang tanong.

Isang halimbawa na lamang sa kasalukuyan, babalik siya ng Tsina kasama ang isang pares ng kambal na modelo. Sa sandaling bumababa sila ng cruise, nakasalubong nila ang mga naghihintay na mga reporter. Sa ganito kalamig na panahon, siya ay nakasuot lamang ng manipis na isang pares ng board shorts, isang set ng Kalikali sunglasses at ang kanyang magkabilang braso ay nakapatong sa mga balikat ng dalawang babae. Ang ngiti sa kanyang mukha ay ang tipikal na ngiti na makikita sa isang bata at mayamang propesyunal.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com