webnovel

Kung Hindi Ka Lalabas, Pupwersahin Kitang Lumabas

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Huwag mong hayaan na matuklasan ko na nililinlang mo ang loob ng Superstar Media," babala ni Lin Qian kay Han Xiuche.

Nagkibit balikat lamang si Han Xiuche ng walang muwang bago tumalikod at umalis ng hindi na nagsalita pa.

Mula sa kanyang sariling pananaw, ang Superstar Media na wala si Tangng ay tila isang laruang papel na tigre na maaaring sirain ng napakadali.

Dahil nagkamali siya ng paghusga kay Tangning, sa halip ay paglalaruan niya ang Superstar Media upang pakawalan ang kanyang galit. 

Ang pinaka importante sa lahat, gagamitin niya ang Superstar Media upang ipromote ang kanyang manhua at magkaroon ng benepisyo mula sa kanila. Hindi siya basta na lamang uupo at magpapakontrol. Ang lakas ng loob ni Lin Qian na subukang takutin siya? Hindi nga siya natatakot sa kanyang sariling nakakatandang kapatid na lalake, bakit naman iya matatakot sa isa lamang hamak na manager?

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com