webnovel

Kontrabida

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Hua Wenfeng ay natigilan sa kanyang kinauupuan. Hindi na sinalungat pa si Mo Ting.

Alam niya, sa mga sandali ito, anumang sabihin niya, mas lalo lamang magagalit sa kanya sina Mo Ting at Tangning.

Kaya, pagkatapos panlisikan ng mata si Mo Ting, umamin na ng pagkatalo si Hua Wenfeng. Pinigilan ang kanyang galit, tumalikod ito at pumasok sa kanyang silid.

"Napakarami akong katanungan tungkol kay mom," wika ni Tangning ng bahagyang humarap upang tingnan si Mo Ting. "Sa lohikal na pagsasalita, siya ay mula sa pamilya Bei, kaya bakit ang kanyang apelyido ay hindi Bei? At, bakit masyado siyang galit sa mga aktor?"

"Kung galit siyang masyado sa mga aktor, kung ganon paano niya napag titiisan si Bei Chendong, si Lolo at ang buong Hai Rui?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com