webnovel

Kaya Kong Isuko Ang Lahat!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos makabalik sina Fang Yu at Huo Jingjing sa hotel, nakita ni Tangning na naglalakad at magkahawak kamay ang dalawa. Hindi nito mapigilan ang manukso, hindi kayo mapaghiwalay kahit sandali?

Hindi naman napikon si Huo Jingjing, mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay ni Fang Yu. "Ikaw at si President Mo palagi ninyo kaming tinutukso.isang araw, gaganti kami sa inyo."

 "Oo, natatakot ako… Magpahinga na kayo, alas 4 na ng umaga. Maaga pa kayo sa trabaho bukas."

 "Ipapahiram ko sayo ang manager ko bukas, kailangan ko si Fang Yu!"

 "Kaya ko nga siya isinama para mag enjoy ka…" Humagikgik si Tangning ng may kaunting misteryo.

 Hindi sanay si Fang Yu ng tinutukso, kaya napatingin si Huo Jingjing sa naiilang ng ekspresyon nito at tumawa." Kung ganun,babalik na kami sa aming kwarto, good night."

 "Uh huh," Marahang tango ni Tangning.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com