webnovel

Kaya Ba Siyang Pasayahin Ni Tangning?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang gabing si Quan Ziye ay tumakas mula sa kanyang engagement party, tinawagan din ni Long Jie si Xia Hanmo, "Tiningnan ko na ang bagay na inuutos mong tingnan ko kanina. Ang taong papalit kay Zhou Qing ay ang anak ng Station Manager. Tila siya ay mayroong intensyon na ibigay ang lahat ng magandang programa sa kanyang anak, kaya si Zhou Qing ay isinakripisyo sa prosesong ito."

"Sa palagay ko ay hindi mapapalitan si Zhou Qing," wika ni Xia Hanmo ng may bakas ng galit.

Pagkaraan ng maraming taon, ang 'The Big Adventure' ay nakakuha na ng isang malaking fan base. Kung papalitan nila ang host, ang manonood ay magrereklamo sa umpisa. Ngunit pagkatapos nilang makagawa ng isang public statement upang linawin ang bagay na ito, ang mga manonood ay kaagad na kalilimutan ang taong ginawang tanyag ang palabas na ito sa umpisa," makatotohanang paliwanag ni Long Jie.

"Long Jie… kapag wala sa paligid si Zhou Qing, sa palagay ko ay hindi ako magpatuloy sa palabas."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com