webnovel

Kausapin Mo Ang Kanyang Manager

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Lu Che ay naglista ng bagong listahan ng lalakeng kandidato at inilagay ang mga iyon sa lamesa ni Mo Ting. Inilagay din niya ang personal niyang naiisip na pinaka angkop na aktor sa ibabaw.

"Habang pinipili ang mga aktor na ito, natagpuan ko ang isa na bahagyang arogante, ngunit disenteng umarte. Ang kanyang pangalan ay Huang Fushuo. Siya ay mukhang pangkaraniwang mayamang tagapagmana at kapareho ng tipo ng aktor na hinahanap natin. Kahit pa siya ay lubhang walang ingat, kailanman ay hindi pa siya nakakagawa ng malaking pagkakamali. Marahil, maaari natin siyang sanayin ng kaunti. Pinaka importante sa lahat, siya ay lubhang may kawili wiling karakter…"

Binuksan ni Mo Ting ang portfolio ni Huang Fushuo at nagtanong kay Lu Che, "Nakipag ugnayan ka na ba sa kanya?"

"Oo nagawa ko na. sinabi ng kanyang manager na siya ay kasalukuyang nag babakasyon, ngunit siya ay nakahanda ng mag umpisang magtarabaho anumang oras," tango ni Lu Che.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com