webnovel

Ito Pala Ang Nararamdaman Kapag Nang - aagaw Ng Isang Bagay Mula Sa Isang Tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ano ang ibig mong sabihin?" pamimilit ni Annie sa lalake para magpaliwanag.

"Miss, ito ay para sa pre-screening ng isang pangunahing artista, para sa pelikula ni Lin Sheng. Ang lahat ng naririto ay mga importanteng personalidad sa pelikula at telebisyon. Pakiusap pero pagpaumanhin mo ang aking pagiging derekta, ngunit sino ka ba sa inaakala mo?" direktang tanong ng lalake.

"Sige, marahil nga ay hindi importante ang aking pangalan. Ngunit, paano naman siya?" wika ni Annie habang itinuturo si Chen Xingyan, "Siya ba ay importante rin?"

"Syempre isa siyang importante. Siya ay naririto sa ngalan ng matalik na kaibigan ni Lin Sheng, si Tangning. Dahil siya ay naririto sa ngalan ni Tangning, kung ganon natural lamang na siya ay espesyal na panauhin. Kung hindi mo ibabalik kay Miss Chen ang kanyang upuan ngayon, kakailanganin kong tawagin ang security."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com